Chapter 29

707 12 0
                                    

Napalunok ako atsaka nagsalita ng mabilis na tila hinahabol yung oras para lang masabi sa kanya lahat.

"Sorry Ryan! Nasabi ko yon kasi natakot ako na baka mamaya magbalikan kayo ni Maddie. Alam kong gusto mo ko at gusto rin kita pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako na baka masaktan ulit ako. I'm sorry pero totoong gusto kita. Okay lang kung maging kayo ulit ni Maddie. Atlis nasabi ko sayo tong nararamdaman ko- " natigilan ako ng nakitang lahat na ng tao sa boutique ay nakatingin na sakin at napapikit na lang ako sa mga nasabi ko.


"Oh.. my.. gosh.." reaction ni Sachi and Allysa.


Nakita ko namang pinipigilan ni Ryan na matuwa sa mga narinig niya.






"Bro" rinig kong sabi ni Sid.


"A-ahhh... e-ehhh.. sige na tapusin mo na muna yan" sabi ko at tumalikod para umalis ulit.




Pero hinila niya ako sa wrist.






"Aalis ka nanaman? Wa-walk out-an mo nanaman ako?" sabi nito at umiling iling ako.




"Excuse me, kunin ko na to" sabi nito habang hindi pa binibitawan yung oagkakahawak niya sa wrist ko at inasikaso naman agad yung kanyang tuxedo.






"Ano wala ka bang sasabihin diyan?" bigla kong tanong.




"Ano ba gusto mong marinig?" natatawa nitong tanong.




"W-wala" I stuttered.




So napahiya lang ako kanina? Sabi na dapat hindi na ko bumalik at nag-sorry sa kanya. Napaamin pa tuloy ako. Nakakainis ka talaga Taliana!




Nilabas na nito yung card niya para bayaran yung tuxedo niya at maya maya'y nagvibrate yung phone ko at pagkatingin ay muntik akong mapatalon sa nabasa ko.



"I still like you Taliana Rae Sy"


Nireplyan ko lang siya ng heart na emoji kahit deep inside kilig na kilig na ako. Bago pa niya ako mahuli ay nag act na lang ako ng normal, seryoso ganon.


"Ang init! Alis na tayo!" aya ko at nauna ng lumabas.





"Mainit?!" gulat na reaction nila.



"Oo mainit kasi kinikilig ako. Mahirap magpigil ng kilig kapag kasama kayo" pagkausap ko sa sarili ko habang naglalakad.




"Sakin kana sumabay" aya ni Ryan sakin.





"Yieee! Sa'kin kana sumabay!" panga-asar nila Ronnie sa kanya.





"Ay go! Ikaw na bahala sa kaibigan namin Ryan!" sulsol naman ng mga babaeng kasama ko.




"Oh ikaw naman Sachi Riel Velasquez-" natigilan ako ng bigla siyang sumesenyas na tila bang may gusto ring makasama.





"Oo tama! Tama nga diyan ka kay Ronnie!" sabi ko at kinurost sa balikat si Allysa senyas na pumayag siya.



"Oo nga naman! Feeling ko bagay kayo. Sige na una na ka— I mean ako hehe" sabi nito.






"No, sumabay kana sa akin" aya naman ni Sid kay Allysa.





"A-ahhh hindi na nandiyan na din naman yung sundo ko. Ingat na lang kayo!" pagpapaalam nito at tumakbo na palayo.







"Lugi! Ako lang mag-isa" sabi naman ni Sid na siyang ikinatawa namin.





"Ayos lang yan pre, contact mo na lang si Andrea" sabi naman ni Ryan.





"Anyways Alam niyo na kung saan hah?" dugtong pa nito.








"Sinong Andrea? Yung kaibigan ko?" tanong ko kay Ryan habang pasakay ng sasakyan.








"Yes" sagot nito at pinaandar na yung sasakyan.





"May iba pang pupuntahan? Saan?" tanong ko ulit.






"Yes meron, bibili tayo ng masusuot mo sa party" sabi nito na ikinagulat ko.







"H-hah? Wala pa naman akong sinasabi na sasama ako hah?" sagot ko.






"Paano ba yan? Nasabi ko na sa kanila?" sabi nito at doon ay napapikit na lang ako.






No choice ako, kaya sumama na lang ako. Habang bumabiyahe ay pilit kong pigilan siya sa balak niya.




"I believe sisipot si Maddie doon, as if naman na hindi siya iinvite ng family mo" sabi ko.




"Hindi mo sure" sabi nito at nangingiti pa.





"Nangingiti ka diyan" sabi ko habang nakatingin sa kanya.








"Nevermind" sabi nito at nagdrive na lang.


Habang tahimik ay bigla siyang nagsalita.




"You know what there's something in you talaga ever since I met you" sabi nito.






"Wag mo kong madala dala sa kakaganyan mo Ryan Miguel Villarin" sagot ko naman pero deep inside gusto ko ng pirut-pirutin yung pisngi niya sa sobrang kacute-an.





"Why Ms. Taliana Rae Sy?" sabi nito habang nakatingin sakin.





"Tigil tigilan mo nga yang tingin mo" kunwaring naaasar kong sagot.






"Ang harot harot akala mo naman nanliligaw" bulong ko.






"Ano?" tanong nito.




"Wala! Sabi ko baka mabangga tayo ayusin mo" tanging nasabi ko.

Written In the Stars (College Series #2)Where stories live. Discover now