Chapter 26

633 9 2
                                    

"Thank you nga pala sa paghatid" sabi ko ng makarating na kami sa school.




Na-appreciate ko yung effort ni Ryan. Umuwi muna siya sa kanila atsaka ako binalikan.





Ano kayang pumasok sa isip ni Maddie? Bakit niya niloko si Ryan?





"No problem, atleast safe ka" sabi nito at naglakad na kami.


Same way naman yung daan namin kaya lagi din namin silang nakikita sa hallway.





"Look who's magkasabay here!" sigaw ni Sachi nang makita kaming magkasabay ni Ryan.






At kitang kita naman sa iba kong mga kaklase na curious sila slash may halong bulungan.




"Huy! Ano ka ba! Manahimik ka nga" pasimple kong bulong.




"Okay! Fine, sorry" sabi nito at umupo na.





"So anong bumulong sayo at napapayag kang sumabay kay Ryan?" tanong nito.




"Kayo with my mom" sabi ko.






"Aysus! Napilitan ang babae" sagot naman nito.




"Pero infairnes! Bakit kasi ayaw mo pang sabihin na gusto mo si Ryan? Sige ka ikaw rin" sabi nito.




"Ayokong magfirst move" sagot ko naman.






"Ehem" pag-eksena ni Allysa.







"Uy! Aly! Kamusta?" panganganusta ko.





"May narinig akong balita" pagsimula nito sa chismis habang wala pa prof namin.







"Spill mo na yan!" sabi naman ni Sachi.







"May something ba sa inyo ni Ryan?" tanong nito.






Nagtinginan naman kami ni Sachi.





"A-ahh wala naman bakit?" sagot ko.







"Yes, we're good friends walang malisya sa kanilang dalawa" sagot din ni Sachi.







"Ahh buti naman, kasi babalik si Maddie. Tapos na daw contract niya sa pagfa-fashion niya. She wants to continue her degree here sa Philippines" sabi ni Allysa.







Babalik?






"Ohh e-edi good news naman pala 'yon. Don't worry sasabihin ko yan kay Ryan. Matutuwa yun" sabi ko naman.







Bigla akong nilamig at tila ba may nakabara sa lalamunan ko.






"Yes, and you know naman siguro na sila yung kinakikiligan ng halos lahat dito sa campus. Dahil nga sa cheerleader siya and basketball player si Ryan" pagkwento pa ni Allysa.






"Huy! Ano ka ba! Oo naman aware kami don. Sige na Allysa, bumalik kana sa pwesto mo. Salamat sa chika!" pagtaboy ni Sachi kay Allysa.






"Sige bye! Gala tayo after class?" aya ni Allysa.





"Pag-isipan namin mamaya. Just kidding! If pare-parehas tyaong hindi busy why not?" si Sachi na ang sumagot.






"I know! Goodluck!" tanging sagot ni Allysa bago siya bumalik sa pwesto niya.






Anong reason bakit sinasabi ni Allysa samin yon? Dahil ba magkasabay kami ni Ryan? Dahil ba nakikita nilang nagiging mas close kami?






"A-anong meron kay Allysa? Hindi naman siya ganyan ung una?" tanong ko.







"Hindi ko din alam. Bigla bigla na lang nagsasabi tungkol kay Maddie. Hindi niya naman ginagawa yun dati?" sagot naman ni Sachi.






Napahinga ako ng malalim. Ang dami dami ng isipin sa mundo dadagdag pa ba siya?






Nang dumating yung amin prof. ay ibinigay lang sa amin yung mga output namin with scores na. Sabagay pa-end na rin naman ng class that is why releasing na ng mga scores then next non is releasing na din kung sino ang mga nasa dean's lister.





Maya maya'y bigla akong hinatak ni Sachi na tila ba'y gulat na gulat.





"Bakit?" tanong ko.





"I-i can't believe this!" pabulong nitong sigaw.





"This is my first time for having a 98 sa lahat ng output natin" sabi nito na medyo naiiyak iyak pa.








"Ano ka ba! Congrats girl! You really deserved a power hug!" sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.








"I'm so proud to myself!" sabi nito.




"Pati rin ako Sachi, I'm proud of you!" sabi ko at after non ay class dismissal na.







Hindi namin makakasabay sila Ryan dahil hindi pa tapos klase nila kaya nagbalak kami nila Allysa na gumala.







"Ally bakit mo nga pala nasabi yon kanina? Anong rason?" diretso kong tanong.







"Ahh yung tungkol kay Maddie? Kasi naman Tali. Magkasabay kayo kanina, at pagpasok na pagpasok ko pa lang dito sa Campus naririnig ko ng nagchi-chismisan sila na kesyo bakit kayo magkakasama nila Ryan na kesyo daw may girlfriend daw si Ryan tapos masyadong dumidikit sayo or sa inyo ni Sachi" pagpapaliwanag naman ni Allysa.




"What?! Saan naman nagkalat yan na masyadong dikit samin si Ryan? We're just friends. Masama ba 'yon?" sagot ko naman.





"Atsaka Allysa, FYI lang naman. Ryan is not in a relationship. He's single. Tapos ayang Maddie na yan? She's a—"




"Sachi, control your words" pagputol ko sa sasabihin ni Sachi.





"What?! Really?! Wala na sila Maddie and Ryan?! Kailan pa?" gulat na tanong niAllysa and I nods.






"Mahabang istorya, doon na natin pag usapan sa mall" sagot naman ni Sachi.

Written In the Stars (College Series #2)Where stories live. Discover now