Arya's POV
Sa lahat ng taong pwedeng ipakasal saken ng tatay ko, bakit naman tong damuhong to.
Juskooooooo. Bakit si Sir Lee pa?! Ubod ng sama ng ugali ang lalakeng to. Ginagawa nyang imperyo ang bawat araw ko sa opisina.Nag uusap sila Papa at Tito Carlos. Hindi ko sila maintindihan susme. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung paano ko papaatrasin si Sir Lee sa balak ng mga tatay namen.
"Anak, are you with us?" Sabi ng tatay ko saken. Tulala na pala ako. Jusko talaga.
"Ahh ehh sorry, Pa. I need to use the comfort room" pagpapaalam ko sakanila.
"It's okay anak. Sige na mag cr kana muna." Pagpayag naman ni papa kaya Tumayo na ako.
Carsten's POV
Di pa rin ako maka get over. Si Arya ang babaemg gusto ipakasal saken ng tatay ko.
Kitang kita rin sa mukha nya na nagulat sya dahil kanina pa sya tulala. Nagpaalam rin sya na mag cr kaya pagkatayo nya ay nag paalam rin ako na kelangan ko rin mag CR para masundan ko sya.
Hindi nagpunta ng CR si Arya. Pumunta sya sa garden sa likod ng restaurant at dun nag pakawala ng napakalalim na buntong hininga sabay sabing "Juskolord bakit si Sir Sungit ang ipapakasal nyo saken. Wala na bang ibang lalake?" Sabay salampak sa bench nandun sa garden.
Natawa naman sa sinabi nya kaya nilapitan ko sya.
"Akala mo ba gusto kong makasal sayo?" Sa sobrang gulat nya ay napatayo sya at na out balance dahil nasuksok pala ang heels ng sapatos nya sa butas sa sahig. Bumagsak sya sa sahig at agad ko namang nilapitan.
"Oh! Magdahan dahan ka kase." Inalalayan ko syang makatayo pero mukhang na sprain ang ankle nya kaya di sya makatayo ng maayos.
Arya's POV
"AWWWW. Ouuuuch! Wag mo kong hatakin. Masakit" sabi ko sakanya habang inaalalayan nya akong makatayo. Tanga tanga ko kase ampotek. Napilay pa ata ako.
"Ano ba kaseng ginagawa mo" sabi nya saken . Napaupo na nya ako sa bench pero sobramg sakit pa rin ng paa ko.
"Bakit ka kase biglang sumulpot dyan, Sir. Nagulat tuloy ako. Kainis." Ngumiti naman sya ng bahagya.
Hala. Ngumiti ba talaga sya? Gagi. Ngayon ko lang nakita g ngumiti tong Mr. Sungit na to
"Akina nga yang paa mo." Nagulat ako ng bigla syang umupo sa harapan ko at kinuha ang paa ko para hilutin.
"Sir, di mo naman kelangan gawin yan. Kaya ko ng mag iss" sabi ko sakanya dahil nahihiya talaga ako.
"No. I insist. Di ka nga makatayo e. " Wala na akong nagawa kundi ang hayaan syang hilutin ang paa ko.
OMG. Oonga pala. Narinig nya ata yung sinabi ko.
"Ahh sir. Narinig mo ba yun...."
"Oo narinig ko." Sabi nya saken sabay ngiti.
"Narinig ko yung sinabi mo na bakit ako pa ang papakasalan mo e napakasungit ko sayo"Napatungo ako. Nahiya ako bigla kay Sir Lee.
"Ahh anoooo, kasee..."
"Okay lang. Masungit naman talaga ako sayo."
Sabi nya"Pero we need to do this para sa mga tatay naten. We need to arrange things. "
Nakatingin lang ako sakanya. Hinihintay ko yung susunod na sasabihin nya.
"Oh ayan. Okay na. Pasok na tayo sa loob baka inaantay na tayo nila Daddy."
"Ahh ehh sige." Tatayo na sana ako kaso nung ihahakbang ko na yung paa ko kamuntikan na akong matumba. Mabuti nalang at naalalayan agad ako ni Sir Lee.
BINABASA MO ANG
Secretly Married to my Boss
RomanceAnong gagawin mo kung isang araw magigising kana lang na ikakasal ka na pala? Worse, sa taong di mo pa kilala at di mo mahal? At malalaman mo na lang, Boss mo pala ang pakakasalan mo. Yung Boss mo na sobrang sungit at sama ng ugali.