Carsten POV
We finally arrived here in Japan
Tulog sa buong byahe namen si Arya. First time nya atang nakasakay ng eroplano kaya tinulog nya ang takot sa flight.
Ngayon naman on the way na kame sa bahay ng Lee Family dito sa Tokyo. Sinama ko talaga sya dito hindi para magtrabaho. Nabanggit kase saken ng Papa nya na matagal ng gusto ni Arya mag bakasyon pero di nya magawa dahil sa Boss nya na ayaw syang payagan mag leave. Nakonsensya naman ako. Di ko kase sya pinapayagan dati na mag bakasyon dahil sa dami ng ginagawa sa office.
Flashback
Tumawag si Papa nung nagpapark ako sa office. Nasa taas na si Arya.
"Hello, papa?"
"Hello hijo, busy kaba?"
"Ah hindi naman po gano papa. Bakit po?"
"Ahh may itatanong sana ako hijo."
"Sige po, Pa. Ano po iyon?"
"Ikaw ba ang boss ni Gayle?""Ah opo, Pa. Ako nga po. Sa isang company lang po kame nagtatrabaho. Accounting Assistant ko po sya. Bakit po Papa?" Nagtataka naman ako bakit tinatanong ng papa ni Arya.
"Naalala ko kase hehe wag mo sanang mamasamain tong sasabihin ko Hijo. Payagan mo sanang mag bakasyon si Gayle. Nabanggit nya kase saken na kaya hindi sya nakakapag leave ay dahil di sya pinapayagan mag leave ng boss nya." Nakonsensya naman ako sa sinabi ng papa nya. Totoong di ko sya pinapayagan. At sobrang sungit ko pa skanya.
"Sorry po, Papa. Totoo po hindi ko sya pinapayagan dati. Sobrang busy kase sa opisina. Pero Pa, promise this time , pagbabakasyunin ko na si Gayle. Actually po, pupunta akong Japan mamaya. Ipapaalam ko lang sana kung pwede ko syang isama." Sabi ko sa papa nya
"Salamat hijo. Ssige hijo. Isama mo sya. Pero, hindi pa kayo kasal ha. Gusto kong magka apo pero kelangan magpakasal muna kayo ha." Natatawang sabi ni Papa
"Hahahaha oo naman po, Pa. Magkahiwalay po kame ng kwarto. Wag po kayong mag alala, after ng kasal ko pa po kayo bibigyan ng apo"
End of flashback
"Huuuuy. Mr. Lee ang ganda naman ng bahay nyoooo!" Manghang sabi ni Arya.
"Magiging bahay mo na rin to kapag kinasal natayo."
"Tse hahahaha contract marriage lang naman to no."
Natatawang sabi nya saken."Nandun sa kabila yung kwarto mo. Magkatabi lang tayo ng kwarto. Kapag may kelangan ka, pwede mo akong katukin sa kwarto ko." Pag iiba ko sa usapan namen.
Japan Home of Lee Family
8pm na dito sa Japan. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Di pa kame nag didinner ni Arya. Kaya bumaba na ako para magluto ng dinner namen. Pero pagbaba ko, nakita ko na syang nagluluto.
Nang marinig nyang papalapit ako sakanya, agad naman nya akong nilingon."Oh, gising kana pala. Sakto, luto na to. Tara na. Kain na tayo." Pag aaya nya saken.
"Ano yang niluto mo? Ang bango ah."
"Chicken Curry to. Favorite mo." Nakangiting sinabi saken ni Arya.
"How did you know?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Tumawag si Daddy kanina. Kinakamusta tayo. Sabi ko kakarating lang naten dito at tulog kapa. Tapos ayun, nagtanong ako kay Daddy kung anong ulam ang gusto mong kinakain lagi." Sabi nya saken habang naghahanda ng pagkaen. "Dali naaa. Tama na tanong. Tikman mo niluto ko. Tignan mo kung papasa na sayo." Dagdag pa nya.
BINABASA MO ANG
Secretly Married to my Boss
RomanceAnong gagawin mo kung isang araw magigising kana lang na ikakasal ka na pala? Worse, sa taong di mo pa kilala at di mo mahal? At malalaman mo na lang, Boss mo pala ang pakakasalan mo. Yung Boss mo na sobrang sungit at sama ng ugali.