3.

184 1 0
                                    

"Okay ka lang po ba?" Tanong dito ni Katherine nu'ng naririnig niya na parang humihikbi si Lea.

Agad naman bumitaw sa pagkakayakap si Lea at pasimpleng pinunasan ang luha nito na as if hindi naman nahahalata ni Katherine na nakatingin lang sa kanya and she's wondering kung ba't gano'n na lang ang effect ni Lea sa kanya.

"Yeah." Huminga siyang malalim. "It's just..." Tinignan niya ng mabuti si Katherine na parang pinaparamdam niya ang pagkakamiss dito at ang pagmamahal habang si Katherine ay nakatingin lang sa kanya.

"It reminds you of my long-lost daughter." magku-kuwento na sana si Lea nang biglang nag-ring ang telepono ni Katherine. Hindi rin maintindihan ni Lea pero biglang kinabahan ito ng biglaan. Hindi niya maintindihan kung bakit sa ilang taon, ganito pa rin ang nararamdaman niya sa isang tao.

"Yes, Dad?" Sabi naman nito sa telepono, at nakatingin lang si Lea sa kanya.

"Where are you?" Tanong ng Daddy niya sa telepono. At sa sobrang tahimik ng paligid, rinig na rinig ni Lea ang boses ng unang lalaking minahal niya that Katherine has no idea about.

"I'm in Japan, Dad. Remember? Ikaw po ang nagbayad ng ticket mismo." Si Katherine naman, hindi alam kung bakit bigla itong nautal nang sinabe niya ang totoo sa tatay niya.

Sumagot naman si Aga, "I know you're in Japan, nandito ako sa hotel na binook for you. Pero, wala ka. So, where are you?"

Tumingin naman ito kay Lea as if she's asking permission if puwedeng sabihin sa Daddy niya na ang kasama niya ay ang isang broadway diva. And, tumango lang si Lea while Katherine was holding her phone. "Dad, I'm here sa Tokyo Starbucks. I'm currently with Ms. Lea. She invited me for a cup of coffee Dad, eh. Alam mo naman po how much I'm addicted to her, right?" 

Napailing naman si Aga at medyo kinakabahan. On the other hand, the ambiance was suddenly full of silence nang marinig ng tatay ni Katherine na kasama ng anak niya ang isang babaeng nang-iwan sa kanila for her career and the face of madlang people.

"I'll fetch you. I'm on my way." Diretsong sagot ng kanyang ama, hindi rin alam ni Katherine dahil ito ang first time na binabaan siya ng telepono ng tatay niya. She wasn't used to it and her Dad sounds frustrated na parang galit. It was totally the first time na narinig niya ang Daddy niya na ganun ang tono sa telepono. Kaya, kinabahan ito at was starting to freak out. Napansin naman ito ni Lea as she was observing her.

"You okay?" Lea suddenly spoke up, kasi kahit ito nabibingi na sa katahimikan nila sa sasakyan.

"Uhm..." She couldn't look at Lea straight. "My Dad wants to fetch me po kasi. She has access to my GPS. So, he already knows kung nasaan po ako." Awkward na ngiti naman ni Katherine. Although her Dad knows how fan she is of Lea. Pero, she didn't noticed the time so baka mapagalitan siya sa harap ng idol niya.

"Don't worry." she tapped her back. "Akong bahala." At ito na naman ang ngiti ni Lea na nagpapatunaw kay Katherine. 'Yung ngiti na akala mo, walang problema. 'Yung ngiti na akala mo walang iniinda. Pero sa loob loob niya, marami palang hinanakit si Lea at sacrifice na ginawa before she became truly happy. Truly happy nga ba? Sana all.

Bigla namang nalungkot si Katherine sa pinaramdam ni Lea sa kanya. Yeah she feels like Lea is indeed a good Mom to Nicole so she suddenly felt her tears to her eyes. 

Hindi alam ni Katherine, pero biglaan niyang niyakap si Lea. At ito'y naiyak, bibihira siyang umiyak pero sa hindi malaman na dahilan, bigla na lang siyang umiyak na hindi naman niya alam ang dahilan. She knows the reason why however, it feels like na sobrang babaw nito para iyakan for her.

"I wish I had her life." Bulong ni Katherine pero hindi niya namalayan na narinig pala siya ni Lea, tatanungin na sana niya ito pero nakita silang may sasakyan na humarurot. Katherine didn't notice it, but Lea did. Nakatingin siya sa sasakyan na nasa katapat nila. At bumungad sa kanya ang pinaka-iniiwasan niyang makita sa buong buhay niya.

Tinapik naman ni Lea si Katherine at si Katherine naman ay biglang nagising sa katotohanan. "Sorry." Paumanhin nito, "I-I just carried away." Biglang punas nang luha niya at tingin naman ni Lea sa bata at tinuro ang sasakyan na nasa katapat nila, lumingon naman ito at bumalik ang kaba ni Katherine.

Bumaba naman si Lea to face Katherine's Dad. "diyan ka na muna sa sasakyan." Sabi naman ni Lea. Hindi sana papayag si Katherine, pero biglaan na lang bumaba si Lea ng sasakyan kaya hindi na ito nasagot. Nag-aalala ng sobra si Katherine na baka mapagalitan na siya ng ama niya kapag nag-stay pa siya dito. Ngunit wala siyang nagawa. Instead, pinanood na lang niya ang dalawa kung ano ang pag-uusapan nila.

"Aga..." Lea faced him even if she wasn't ready at all. Well, sino nga ba ang magiging ready kung kaharap mo ngayon ang nang-iwan sa'yo.

Aga didn't say anything. Pero, bigla niyang kinuha ang cellphone niya.

"Hindi galit si Daddy. Lumabas ka na sa car, ihahatid na kita sa bahay. May pag-uusapan lang kami ng idol mo."

Na-receive naman ni Katherine ito, nag-aalangan pa rin naman siya dahil ito ang first time na hindi siya sumunod sa kanyang ama. Pero, wala na itong magawa. Kesa lumala pa.

"Sakay na anak." sabi ni Aga nang makita niya ang anak niyang bumaba sa kotse ni Lea. At si Lea naman ay kinakabahan sa mga pagtatagpong iyon. Dahil sa halos dalawang dekada nilang hindi pagkikita, ito lang ang unang beses silang nagkita. Kung tutuusin, napakatalino nang dalawang ito para hindi magkita ng gano'ng katagal na oras. Ngunit, walang lihim na hindi nabubunyag. Ika nga ng matatanda.

"Lea, sakay ka na rin sa kotse." Kalmadong sabi naman nito, tumingin ito ng saglit pagkatapos sinunod niya si Lea. Si Lea ang nasa likod ng mag-ama. Si Katherine naman, hindi maintindihan ang mararamdaman ng panahon na iyon. Dahil kasama niya ang Daddy niya, and sa likod nila ay ang isang taong hinahangaan niya. Kinikilig siya para dito sa dalawa.

I Wish I Had Her LifeWhere stories live. Discover now