Part 7

772 21 6
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*

Nagising ako na may katabing nilalang na ang pogi-pogi. Hahahah, teka. Aalis na muna ako. I need to buy something. Bumangon ako ng higaan saka naligo at nag-ayos ng sarili. Lalabas na sana ako ng pinto nang maalala ko ulit si Geek.

"Alis muna ako Sir Geek." at nagbigay ako ng smack sa cheeks niya. "Bye." at tumakbo na ako palabas ng kwarto. Bumaba na rin ako ng hagdan.

"Good morning Iha, saan ka pupunta?" tanong sakin ni Auntie.

"Sa Mall po, may bibilhin lang." sagot ko.

"Anak, kumain ka muna. Sabayan mo na kami." sabi ni Mommy.

"Nagmamadali po ako eh. Bye-bye!!!" tapos lumabas na ako ng bahay. Ayaw kong mag-kotse, magta-taxi lang ako.

---

Nakarating ako dito sa mall at nabili ko na rin ang gusto kong bilhin. Kanina pa ako nagugutom, kakain muna ako \\(*O*)//

Pumasok ako sa Jollibee dito sa mall, punuan? Pumunta ako sa isang bakanteng lamesa, pangdalawang tao lang yun. Wala naman kasing pang-isang tao eh.

"Ma'am, may I take your order?" sabi nung waiter.

" 1 spaghetti with drinks." tapos ngumiti ako. Atsaka binigay ang bayad ko.

---

Kumakain ako ng spaghetti ng may nagsalita. "Pwedeng maki-share?" 

"Pwede." sagot ko at patuloy lang sa pagkain.

"Thanks." tapos umupo na siya sa harap ko.

Inubos ko lang yung pagkain ko HABANG NAKATINGIN lang siya sa akin. (---->)

"Yung totoo, kakainin mo ba yang ice cream mo? Lusaw na oh, sayang naman." sabi ko sa kanya. Pero binigyan niya lang ako ng ngiti tapos kinuha yung tissue ko.

"Ang kalat mong kumain." sabi niya at pinunasan ang gilid ng bunganga ko. Biglang uminit yung mukha ko at yung puso ko ang bilis ng tibok!! ANONG NANGYAYARI???

Iniwas ko yung ulo ko, "Aalis na ako. Bye!" tapos tumayo na ako.

"Anong pangalan mo?" tanong niya.

"Chloe." maigsing sagot ko.

"Ako si Jaucian." pagpapakilala niya sa sarili niya. (Jaucian reads as Haw-Syan). "Single ka ba?" tanong niya ulit.

"No, may fiance na ako." sagot ko.

"Edi aagawin kita sa kanya." dahil sa sinabi niyang 'yan. Nanlaki bigla yung mata ko. "Joke lang!"

"Tss." at tinalikuran ko na siya.

Hustine's POV

Pagkagising na pagkagising ko wala siya sa tabi ko. Tss, maghihilamos muna ako. Tapos bababa para kumain. Pumasok ako sa cr at tumapat sa salamin. Maghihilamos na sana ako ng may napansin ko sa pisngi ko. Hinawakan ko iyon saka inamoy.

"Ano 'to?" tanong ko sa sarili ko at lalong nilapit ang pisngi sa salamin at bigla akong napangiti. "Kiss mark. Galing siguro kay Chloe 'to." kaya hinawakan ko talaga yung pisngi atsaka nag-smack sa kamay ko.

"AY~!!!  Ano ba 'tong ginagawa ko? Tsk." tapos naghilamos na ako. Nag-ayos pagkatapos at sinuot yung salamin ko. May kalabuan na rin.

---

"Mom, nakita niyo po ba si Chloe?" tanong ko.

"Si Chloe ba? Umalis siya kanina. Nagmamadali nga eh. Pupunta daw ng mall, may bibilhin lang. Hindi nga kami sinabayan kumain eh." sabi ni Mom sa akin.

That Geek [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon