Part 12

416 13 11
                                    

Dedicated to sa Bestfriend ko, in real life ah :"> Ayan, nag-UD ako para sa'yo :")) Sorry kung natagalan !! :DD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*

Chloe's POV

Nag-stay ako dito sa office ni Sir Geek. Why? Kasi ayaw ko ngang pumasok sa ibang teacher, gusto ko sa kanya lang tapos hindi pa ako nakapasok kasi nalimutan ko yung oras kanina dahil nga tumambay ako sa likod ng building. Tapos nagkaroon pa ng gulo at ng... SHT!

Hmm, ano ba pwedeng gawin dito sa room na 'to? Ang boring kasi eh. Isang oras na lang naman ang matatapos na ang oras ni Sir Geek dito sa school eh. Tapos uuwi na rin naman kami. Ahhh.. Pakiligin ko kaya muna si Sir Geek.. Hahahah. Tapos kapag naging 1week na lang bago kami ikasal, doon ko na siya sasaktan ng sobra. Hahahah.

*

Ayan, okay na. :") Nakaayos na. Well, isu-surprise ko lang naman kasi siya eh. Para talagang kiligin. Haahahah!!

Hustine's POV


Kahit kailan talaga yan si Chloe, tamad mag-aral! Pumunta pa dito sa school tapos hindi rin naman papasok sa lahat ng subject niya. Ano ba naman yun di ba? Tss.

Malapit na matapos ang klase ko. Ilang minuto na lang ang hihintayin ko. Hahahha, gusto ko na siya makita. ♥ __ ♥ 

*

Yes tapos na ang klase. Papunta na ako sa office ko, para ilagay 'tong mga gamit ko doon tapos pupuntahan ko na si Chloe kung saang lupalop man siya nagpunta. Hahaha. Malapit na ako sa office ko nang makita ko yung mga nagkalat na petals. Sayang naman.

Pagbukas ko ng pinto. Syempre binuksan ko yung ilaw. O___o Ano yan? Bakit ang daming kalat? Nagsayang pa ng bulaklak. Ayan oh, ang daming petals ng rosas. T_T Nakakahiya naman dun sa maglilinis nito. Sabihin sa akin, ANG KALAT KO!

"WAAHHH!!! Sino naman kayang gumawa niyan? Nakakakilig >///<" tili ng mga babae sa likod ko. Hah? Anong nakakakilig dun? ANG KALAT KAYA!

"ewan ko." sagot ko sa kanila. "Excuse me, isasarado ko na yung pinto." tapos ayun, sinara ko na. Ang ingay kasi. Ang sakit sa tenga noh!

*BOOM* Tapos may nagpaputok na confetti ang laman tapos biglang namatay yung ilaw. Tapos naramdaman ko na lang na may yumakap sakin. At nag-smack sa lips ko. "Daisuke." bulong niya. Ano daw? Ano yun?

Tapos naging torrid kiss na. Kaya wala na ako nagawa kundi ang mag-respond. Alam ko na kung sino 'to. Si Chloe. Boses niya yun eh. Lalo na yang paghalik na yan. Hahahahah.

"I love you..." Tapos lalo ko pang diniin ang sarili niya sa akin. I love this feeling.

Chloe's POV

"I love you..." biglang tumigil sa pagtibok yung puso ko. Bakit? Bakit niya sinabi yun? Mahal niya ba talaga ako? O itong ginagawa ko lang? Ang sakit. Tapos diniin niya ako sa kanya kay pinagpatuloy ko na lang.

Sana totoong mahal niya ako di ba? Hahahah. Wag sana niya malaman ang kahulugan ng Daisuke. Hahahha., tanga ko talaga >_<

"Sir..." pagtigil ko sa halik. "Uwi na tayo." sabi ko sa kanya.

"Sige." sabi niya at niyakap ako. Ayaw ko na ituloy yung plano ko. Nawala na ako sa mood. *sigh* 

*

Pagdating namin sa bahay, pasok kagad ako sa kwarto at nahilata. Pagod ako ngayon eh. Kanina ko pa iniisip yung mga nangyayari. Sumasakit na rin ang ulo ko.

"Chloe." tawag niya sakin at tumabi sa akin. Siniksik niya yung mukha niya sa leeg ko at niyakap ako. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Ano bang nangyayari sakin? Nagpapaapekto ako masyado sa I love You niya. JOKE LANG YUN!! Masanay na dapat ako!

"Gusto ko nang ikasal tayo." bulong niya. Ramdam ko yung init ng hinga niya sa leeg ko. "Gusto kong maging akin ka na para wala ng ibang makaagaw. Para alam na nila na may nagmamay-ari na sa'yo." bakit niya ba sinasabi yan?

Tssk, ayaw kong masira yung plano ko. Gusto kong saktan ka! Alam mo ba yun?! Sasaktan na nga lan kita tapos pati ako nasasaktan din. Tangna lang!!!

"Chloe... Ilang anak ba gusto mo? Haha." bigla akong kinilabutan sa tanong niya. Shett lang noh! KUNG mangyayari yun -_______________-

"Soccer team at basket ball team para masaya tapos isang cheering squad. Hahahha, HAPPY BIG FAMILY!" sagot ko sa kanya kahit wala sa loob ko. Bigla kong naisip na magkapamilya na kaming dalawa ang gumawa, napangiti ako.

"Ang dami masyado. kakayanin mo bang manganak ng ganyan karami?" tanong niya sakin. "Basta ako, kayang-kaya ko." dagdag pa niya.

"Hahaha." natawa na lang ako at niyakap na rin siya. "Excited ka bang ikasal tayo?" tanong ko.

"Oo, kung alam mo lang. Dati ko pa gusto." sagot niya ng bulong. Pero yung kadugtong ng Oo, hindi ko na narinig kasi parang nangongo na eh.

"Hahahah. Maghintay ka lang." sabi ko sa kanya. Tapos ipinikit na ang mata ko. "Pahinga ka na, pagod ka." sabi ko habang nakapikit.

"Hindi na ba masakit yung sugat mo?" tanong niya pa at hinawakan yung labi ko.

"Masakit. Tapos kinagat mo pa kanina. Masyado ka kasing nanggigil eh. Masarap ba?" nagsasalita ako ng nakapikit.

"KISSpirin?" tanong niya sa akin, ngumiti ako at nangnguso tapos nag-smack naman sya. "Magaling na ba?" tanong niya sa akin.

"Oo." sagot ko. "Tulog na tayo." tapos hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya.

"Sweet dreams." bulong niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*

Maigsi ba? Hehehhe, marami pang ginagawa dito sa bahay eh. Sa susunod, hahabaan ko na talaga! Pagpasensyahan yung mga typos.

That Geek [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon