Part 2

1K 23 4
                                    

Fuck! Ang bigat! Feeling ko mababali na ang braso ko at kakalas na sa balikat ko. Baka makuba na ako nito. Sobrang bigat talaga ng mga librong pinadala sa'kin ni Pesteng Geek. Sukat akalain ba namang 20 books na ang kakapal! Kamusta naman yun di ba? Kung iko-compare ang bigat ng mga libro at ng bigat ko, mas mabigat pa yon. Oa na kung OA pero yun ang feel ko.

"Miss, mabigat?" Tanong sa akin ng lalaking kakaakyat lang. Tinabunan ko siya nang masamang tingin. Aba hinayupak na 'to! Di pa ba obvious na bigat na bigat na ako sa mga librong dala ko mula sa bag, mapa-atachcase at braso. Kung di ba naman nakakaengot ang tanong e.

Parang naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko. "Tanga ka ba?! Obvious naman na mabigat, di ba? Leche. Ikaw pagbuhatin ko nito e! Bwisit!" Bunton ko sa kanya ng inis ko. Nakakaleche kasi talaga yung tanong niya. Siya kaya pag-akyatin ko ng mga librong 'to mula sa Fine Arts and Architecture Building na dalawang building ang layo dito Computer Engineering Building na dadalhin sa fourt floor ng nakahagdan.

"Sungit." Rinig kong sinabi niya bago tumakbo paakyat. Aba! Gago yun a! Talagang hindi ako tinulungan! Ang kapal ng mukha! Hindi gentleman. Ako nga ang dapat mainis sa kanya e! Lecheng yun! Itapon ko to sa mukha niya e!

"Miss, gusto mo ng tulong?" Narinig kong tanong sakin ng lalaking kakaakyat lang. Nilingon ko siya at... Oh! Ang gwapo. Ang tangkad. Ang hot! Ang astig ng dating at ang puti! Gosh! Napakangiti tuloy ako na parang asong ulol. Nakakakilig naman ang aura niya.

 "Sure." Agad-agad na pagsang-ayon ko at iaabot ko na sana ang atachcase ko nang may umepal sa eksena namin. Nakakabwisit naman talaga tong araw na to o!

 "Nandyan ka lang pala! Kanina ka pa hinahanap ni Sir Hustine doon sa CEB 405." Sabi ng bagong dating at kinukumpasan si Kuya Gwapo na umakyat na. Bakit ba pinagmamadali niya? Tutulungan pa nga ako e!

 "Kakapalan ko na ang mukha ko kahit na matagal nang makapal. Padala naman nitong atchcase ko at ng backpack ko. Ang dami ko kasing dalang libro at ang sakit sa katawan. Sa CEB 405 din naman ako pupunta e." Sabi ko ng nakangiti. Duh! Anong gusto niyo? Sumimangot ako? edi lalo akong nagmukhang dugyutin non. At least yung ngipin ko maputi.

 "Sure, maganda ka naman e." Sabi ni Kuyang gwapo. Gusto ko sanang magtatatalon dito sa kilig kaso masyado ng makapal ang mukha kapag ginawa ko 'yon. "Maganda ka naman e." Oh fuck! Nag-init na ang mukha ko. Kinikilig na talaga ako. Kinuha na nila ang mga dala-dala ko. Bali apat na libro na lang ang naiwan sa braso ko. Ang haba naman ng hair ko kahit na maigsi talaga.

 "Maraming salamat mga Kuya!" Ngiting-ngiting sinabi ko sa kanila na kulang na lang ipakita ko na pati gilagid ko sa bagang.

Pagpasok namin sa loob ng room. Nakita ko si Sir Hustine na nagsusulat sa board habang nagdi-discuss. Tinignan naman niya ako ng matagal at ang dalawang lalaki na tumulong sa'kin sa pagbubuhat.

Tumuntong ako sa platform at padabog kong nilapag ang mga hawak kong libro sa desk niya. Tapos nilabas ko na rin ang mga librong nakalagay sa backpack ko at atachcase. "Ayan na po yung mga libro, Sir." Tinignan ko siya nang masama at ganoon din siya sa'kin. Pero dahil masyado siyang seryso, inilipat ko ang tingin ko sa dalawang lalaking tumulong sa'kin.

"Thank you mga Kuya. Sa uulitin." Matingkad ang ngiting ibinigay ko sa kanila. At nang humarap uli ako kay Geek, sineryoso ko uli ang mukha ko. "I'm done. So, bye~" Patalikod pa lang ako nang may sabihin siya uli.

"Ibaba mo na ang mga 'yan. Hindi na namin kailangan ang mga librong 'yan." Seryosong sinabi niya at nagsimula na uling magsulat sa board. Napatanga ako dahil sa sinabi niya. Ano raw? Ibaba-baba ko uli ang mga librong 'yan? What the fuck! Sobrang hirap ng pinagdaanan ko dahil lang sa pagdala ng mga librong yan dito tapos ipapababa niya lang basta-basta? Shit siya!

That Geek [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon