Part 3

1K 28 11
                                    

Gusto ko ng makalayo sa lugar na 'yon pero hindi pa man ako tuluyang nakakalis ay sinigaw na niya ang pangalan ko. Isang malakas na sigaw na parang nag-echo sa buong building. Wala na akong ibang nagawa kundi ang huminto sa lakad-takbo na ginagawa ko at lingunin siya pero bakit...

Bakit hini niya suot ang eyeglasses niya? Oh shit! Parang hindi ko kaya na ganyan ang ayos niya kasi ang hot niya. Ang gwapo niya. Naiinis ako sa kanya, nagagalit ako! Pero bakit kinikilig pa rin ako? Papalapit siya nang papalapit sa'kin at pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Nag-iinit na ang mukha ko. Nagtanggal lang naman siya ng salamin a! Bakit kinikilig ako? Tss! Ang hirap naman maging babae o! Makakita ng gwapo kinikilig na. Pero kasi... paano ko pa pipigilan ang pagkakagusto ko sa kanya kung ganyan siya?

Isang ruler na lang ang pagitan naming dalawa. Bakit ang tangkad niya? Nakakainis! nakatingala ako sa kanya. Sobra. Hanggang balikat niya lang ako. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga. I guess hindi na talaga ako makaka-move on sa kanya kahit pa na may galit ako sa kanya.

"Anong kailangan mo? Di ka pa ba tapos sa pamamahiya sa'kin?" Tanong ko at tinignan siya sa mata. Napakaseryoso ng tingin na tinatapon niya sa'kin. Bakit parang ang sexy niya kapag ganyan siya tumingin? Fudge!

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko to the point na ang bilis ng paghinga ko at taas-baba ang balikat ko para mahabol ang hininga ko. Hihikain ata ako dahil dito sa nararamdaman ko.

Shit shit shit! Bakit nilalapit niya ang mukha niya sa'kin? Wahhh! hahalikan niya ba ak? No! Hindi pwede! Galit ako sa kanya pero bakit ganon? Napapapikit ang mata ko hanggang sa tuluyan nang pumikit at hininhintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko pero may mga tao talagang sadyang paasa at umaasa.

Pagdilat ko ng mga mata ko. Nakatayo siya ng diretso at nakatingin sa'kin na parang natatawat at nakangiti nang nakakaloko. Tangina! Gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon na! Now na talaga! Nakakahiya.

Napasimangot naman ako nang makita kong may mga tumatawa sa paligid namin. Hay! Napahiya na naman ako. Gusto ko sanang mag-walk uli pero nakakapagod din pala. Parang napako na ang mga paa ko sa sahig at nanginginig ang tuhod ko. Sana lang ay hindi pa ako bumigay sa kahihiyan.

"Okay. Confirmed." Ngising-ngisi na sinabi niya at humalukipkip pa. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya pero... yumuko siya at inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "May gusto ka sa'kin." nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Nakakakilabot ang pagdapo ng hininga niya sa tainga ko hanggang sa leeg ko.

 Tinignan niya pa ako bago siya tumalikod at naglakad palayo. Gusto ko pa sanang sigawan siya dahil sa sinabi niya pero parang napipi ako. Anong nangyari? Am I dreaming? Napapikit ako ng mga mata ko at napayuko. Nakakahiya na talaga.

Iiling-iling akong naglakad papunta sa hagdan. Pero bago pa ako makahakbang pababa. May humawak sa'kin sa braso at nang tinignan ko. "What the fuck?" Naibulong ko dahil si Sir Hustine ang may hawak sa'kin. Skin to skin. Mabubuntis ako!

"Di ba nakaalis ka na?" Tanong ko sa kanya. Seryoso lang ang binigay niyang tingin sa'kin at saka ako hinila pababa ng hagdan. "Hala! Bakit? Ano na naman ang kailangan mo?!" sigaw ko sa kanya at pinipigilan na bumaba ng hagdan.

"Mag-uusap tayo sa office." seryoso niyang sinabi sa'kin at hinawakan na ako sa kamay saka hinila nang malakas. Para akong nanghina kasi magkahawak-kamay talaga kami. Yung puso ko! Paki-seatbelt naman. Baka kasi tumilapon sa lakas ng kabog e.

 Napabuntong-hininga ako at naghabol ng hininga dahil sa sobrang bilis ng tibok ko. Hinihingal ako! kinukulam na kayo ako ng geek na 'to? Paanong mangyayari sa future ko kung tuluyang nakulam na ako? Ayaw ko pang mamatay! Baka magkasakit din ako sa puso! Kawawa naman magiging asawa ko.

"Bakit?" Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin sa'kin na parang alien ako. "Bakit umiiling-iling ka dyan? Nababaliw ka na ba?"

 "Ha? A-ano kasi... Y-yung ano... Aishhh! Kasi a-ano..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nakakahiya na talaga ko. Sobrang nakakahiya na!

 "Anong ano-ano? Doon na tayo sa office ko mag-usap."Naguguluhan sabi niya sa'kin at hinila na niya uli ako pababa ng hagdan. gusto ko lang naman kasing sabihin na hawak-hawak niya yung kmay ko baka pwedeng bitawan na kasi kinikilig ako.

 Tahimik lang kaming bumababa ng hagdan. Walang gustong magsalita sa'ming dalawa. Pinapakiramdaman ko lang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at ang likod niyang sinusundan ko.

"Chlo---" shit! Hindi ko alam na haharap siya. Oh myyyyyy~ Parang nagdilim ang paningin ko pati na rin ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang magkadikit naming mga labi at ang ari niya sa ari ko. Oh shit!

Parang gusto ko ng mamatay dahil sa sobra-sobrang kahihiyan ko ngayon. Anong nangyayari? Bakit puro ganito na lang? Parang bigla akong natauhan at napahiwalay sa kanya. "Y-yung... wahhh!" hindi ko alam ang sasabihin ko at napatakip na lang ng mukha.

"Ehem," narinig ko ang pagtikhim niya. "Sumunod ka sa'kin sa office." Utos niya at nauna ng naglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya sa paglalakad pero bigla uli siyang huminto at hinarap ako.

Tumingin siya sa paligid namin at mukhang kami lang ang nandoon sa hagdan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at may ginawa pa siya. Nakatulala lang ako habang pinapanood ang likod niyang lumalayo na sa'kin.

Hinalikan niya ako. Para saan 'yon?

Lecheng geek to ,

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Gusto pa atang ma-inlove ako sa kanya ." 

 

That Geek [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon