Chapter 7

28 2 0
                                    

Kathrina's POV

Ano ba tong nararamdaman ko? Shemay! Hayy. Ayoko ng ganung feeling.

"Tsk. Umalis ka na nga. Ako na bahalang magligpit. Baka sabihin mo pabigat pa ko. Tss."

"Sige. Sabi mo eh."-Mark

Tignan mo yung tao na Yun! Ang daling kausap. PSH. Teka. Pano ba magligpit? Sa bahay kase may maid kami na taga-ayos ng ganito. Hmm. Siguro pagpapatong-patongin lang to. Hahaha. Tama! Pinagpatong patong ko lang talaga yung mga pinagkainan namin. Pagtapos nito ilalagay ko lang sa lababo at okay na. Kaso....

*Blag Blag Blag*

Sunod-sunod nalaglag yung mga Plato. Lagot ako nito.

Mark's POV

Nagmamadali akong bumaba para tignan yung mga naglaglagan. Tsk. Sabi na nga ba. Siya ang may gawa nito.

"Oh! Anong nangyare?!"

Tsk. Kaunti nga lang gamit dito tapos naninira pa.

"Di mo ba nakikita? Edi nabasag yung mga Plato. Tsk. Nagtatanong pa!"-Kathrina

Tignan mo tong babaeng to. Tsk. Napakapilosopo.

"Ano ba kasing ginawa mo? Magpipresenta tas di pala kaya."

"Pinagpatong patong ko lang lahat. PSH. Sorry ah. May maid kase kami sa bahay."-Kathrina

"PSH. Prinsesa. Sige na. Ako na bahala magligpit nito. Maupo ka na dun."

"Ano ko bata? Kaya ko to. Aray! Tsk."-Kathrina

"Anong nangyari? Tignan mo. Nasugatan ka pa tuloy. Ang tigas ng ulo kasi. Maupo ka na nga lang muna dun."

"Ayo--."-Kathrina

"Dun ka na sabi e!!."

"PSH."

Hayy! Yung babaeng yun kung di pa sigawan di pa susunod. Nakakainis lang. Ang tigas ng ulo nasugatan pa tuloy siya. Tsk. Hanep naman kase. Plato, baso at mangkok ang binasag eh. Hayy. Durog na durog pa. Pagtapos ko linisin ang kinalat niya, nilapitan ko siya sa may Sala. Galing din nya. Wala akong hinugasan at wala na din kaming gamit. Napansin ko na nagdurugo pa rin ang kamay niya.Pumunta ako sa cabinet para tignan kung may first aid kit. Buti at meron. Umupo na ko sa tabi niya. Kinuha ko ang kamay niya na halatang kinagulat niya.

"Hoy! Anong gagawin mo?"-Kathrina

"Edi gagamutin yang sugat mo. Kanina pa nagdurugo.Di mo ba nararamdaman?" tanong ko habang pinupunasan ng tubig ang sugat niya.

"Tsk. Sanay na ko masaktan."

Di ko alam kung ano ang tinutukoy niya sa sinabi niya.Parang higit pa sa sugat ang dinaramdam niya. Hindi na kami nagimikan pa. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Nilagyan ko na ng betadine ang sugat niya.

"Aray! Dahan dahan naman. Wag mo na kayang lagyan!"-kathrina

"Akala ko ba lider ka ng mga gangster. Tapos betadine lang titiklop ka na. Hahaha."

"Oy. Hindi ah. Nabigla ka lang kasi ng pagdiin."-kathrina

"Okay sabi mo eh."

"Hoy. Wag ka ngumisi jan baka saktan kita. Tsk."-Kathrina

"Bakit? Nagagwapohan ka ba?."

"In your face. Di ren. Kapal mo. Di ka gwapo."

"Talaga?" tanong ko sabay lapit ng mukha ko.

"O-oy. A-anong gi-na-gawa mo h-ha?"

"Wala ah. Pinakita ko lang na gwapo ako. Hahaha."

"Tsk. Tabi. Aakyat nako ng makatulog na." sabi niya sabay tayo.

Tumayo na rin ako at niligpit yung kit. Sumunod na rin ako sa taas at pumasok sa kwarto.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni kathrina habang nagpupunas ng buhok na nakapanjama na at halatang matutulog na.

"Matutulog. Sarap mahiga sa kama" sabi ko habang nakahiga sa kama.

Sa totoo lang nababadtrip ako kasi isa lang ang kwarto. Di pa naman ako sanay ng may kasama. Halatang trip talaga kami pagsamahin ng ama nito eh.

"Eh! Sa lapag ka o kaya sa sala! Ayoko ka dito. Kwarto ko to. AKIN."-Kathrina

"Hoy. Bahay natin to kaya kwarto ko rin ito. Kung gusto mo ikaw sa sala."

"Siguro bakla ka noh! Bakla! Bakla!."-Kathrina

"Sinong bakla?" hinila ko siya pahiga at sinandal ko siya sa kama at hinawakan ang dalawang kamay niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Ano? Sinong bakla?"

Nilapit ko ang mukha ko lalo at inaktong hahalikan siya. Pumikit siya at... Hinipan ko siya. Nakita ko na nagulat siya. Tumayo na ako.

"Hahaha. Sa susunod wag ka magsasabi ng bakla kung di ka sigurado. Dun muna ko sa sofa matutulog ngayon. Pero bukas, diyan na ako sa kama. Goodnight!."

Hindi ko na inantay pa ang sagot niya.Hahaha. Hmm, 99 days na lang.

A Hundred Days with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon