Chapter 11

3 0 0
                                    

Kathrina's POV
Sa sobrang inis ko sa lalaking yun, sinipa ko agad sya sa under part niya. Napabitaw sya at namilipit sa sakit.
Look who's in pain right now.

Nagsenyas ako kila Trod, West at Von na magready na.

"Aaahhh.. Ano pang hinihintay niyo? Atakihin niyo na ang babaeng yan!!!! Aaahhhh," sabi nung lider nilang namimilipit. Tsk.

Umatake na ang mga kampon ng lalaking to. Umilag ako at hindi ko hinayaang madaplisan nila ako. Sinangga ko ng sinangga ang mga akma nilang suntok na di naman tumatama. PSH. Mahihina.

Sinuntok ko sa panga ang isa sa mga umaatake sakin. Natumba sya kaya binalingan ko ang isa pa. Tsk. Mahihina pala ang mga to e.

May kanya-kanyang kalaban na kaming magkakagrupo. Panay suntok at sipa ang ginawa ko. Ganon din ang mga kasama ko. Hanggang sa ....

"Voooonnnnnn!!!",

May humampas ng tubo sa likod niya kaya natumba si Von. Kumuha ako ng tubo at pinalo ko din dun sa nanghampas kay Von. Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Von, are you okay?", sabi ko.

"I'm fine. Tsk. Mahihina pala ang mga to. Gumagamit ng tubo. Pwee!," sabi ni Von sabay dura sa gilid. May dugo.

"Are you sure? May blood ..."

"I said, I'm fine. Tsk. Let's go," sabi niya sabay tayo.

Nakipagbanatan pa kami sa kanila. Bwiset! Parang di sila nauubos. Tsk.

Ang mga hinayupak! Gumagamit na ng tubo. Kitang kita ko ang pagod ng mga kasama ko. Hinihingal na sila. Ilang oras na rin naming hinaharap ang mga hayop na to.

Pero hindi kami papatalo. Nakipagbanatan pa kami pero... mandaraya sila... Hinampas nila ng tubo at pinagtulungan sila Von, Trod at West. Kitang kita ko ang panghihina nilang tatlo. Patakbo na sana ako para tulungan sila ng hawakan ako ng apat na lalaki. Dalawa sa kanan at dalawa sa kaliwa.

"Get your hands off me!!!," galit na sigaw ko.

Nagpupumiglas ako pero di ako makawala. Hawak na rin nila ang tatlo. Pare-pareho kaming nagpupumiglas pero di namin magawang makawala dahil sa marami sila. May mga dumating pa na bago. Paksyet.

"Tsk. Looks like you lose. Hahahahahaha. Ang blackjack ay nalamangan this time. Hahahahaha," halakhak ng g*g*ng lider nila na nasa harapan ko.

"Psh. Pwe. Lose yourself. Lumamang lang kayo dahil may tubo kayo. Tsk. Hindi ka bagay maging lider. Coz' your such a loser asshole. Tsk," sabi ko.

"Hahahahahaha. Tignan nga natin ang nagsasalita. Sino kaya satin ang nakatali sa kamay namin? Hahahahaha. Well, kahit anumang sabihin mo. Hawak ka na namin," sabi nya sabay hawak sa mukha ko.

"You're face is such a goddess. Kaya kitang pakawalan maging ang friends mo kung you'll come with me tonight," sabi nya sabay lapit ng mukha niya.

"Damn that face! Pwe,"

"Tsk. Hahahahahaha. Yan ang gusto ko sayo. Palaban ka. The first time I saw you, I thought isa ka lang babae na gustong magflirt sa boys kaya nagpapanggap na lider sa isang gang. But I'm wrong. You're more of it. That's why, I want you even more," sabi niya sabay lapit ulit ng mukha niya.

"Just stay with me tonight. Then, pawawalan ko ang mga friends mo. Ow. Erase that. Be mine and you'll have not only the freedom of your friends but also you'll be the queen of my gang. What do you think?," bulong niya.

I smiled. "You know, I don't need you to be a queen coz' I'm already a queen of my own. And also, that thing, you're saying will only happen. Come closer," nilapit nya ang tenga niya.

"That thing will only happen, in your dreams when you're already Dead," matigas na sabi ko sabay dura sa mukha niya.

"ASSHOLE!!!!", sigaw ko.

"You freaking bitch!!!," sabi niya at akmang sasampalin ako.

"Itayo niyo yan!!!," sigaw niya. Itinayo naman ako ng mga alipores niya.

"Let me tell you this thing bitch! Whatever I want, I definitely get. So whether you like it or not, you'll come with me tonight and spend the night with me. Whether you like it or not, I will taste that sexy, oozing body of yours and I will make you regret this day that you belittled me!," sabi niya at tinastas ng bubog ang damit ko. Bahagyang kita na ang itaas ng dibdib ko.

Nagpupumiglas ako pero hindi ko talaga kaya. Damn it. Damn.

"Oh! And one more thing!," sabi niya sabay lapit sa mukha ko "Whether you like it or not, You'll scream my name as I ruin your world upside down," at dinilaan niya ang gilid ng pisngi ko.

"Damn you!!!! ASSHOLE!!!!," sigaw ko at pinipilit kong magpumiglas pero hindi ko magawa hanggang sigaw lang ako.

"Yan, tama yan. Curse me. Hahahahaha mamaya mas lalakas pa ang sigaw mo kapag tayo na lang dalawa. Hahahahaha. Let's go boys!"

"San niyo dadalhin si Thrin?!! Bitawan niyo ko!!," sigaw ni West

"Mga g*g* kayo! Bitawan niyo ko!!", sigaw ni Von

"Mga g*g*! Bitawan niyo si Thrin!!!," sigaw ni Trod.

Kitang-kita ko kung paano silang tatlo nagpupumiglas para matulungan ako. Pero hindi talaga kaya. Madami sila. Kitang kita ko rin kung paano suntukin at sipain silang tatlo para lang di makawala at makapunta sa akin.

For the first time, naramdaman ko ang panghihina. Ang pakiramdam na hindi ako makalaban. Nanghihina na ang katawan ko sa pagpupumiglas kasabay ng panghihina ng loob ko. For the first time gustong gusto kong sumigaw ng help. Gusto kong may magligtas sakin. Gusto kong humingi ng tulong. Gusto kong sumigaw ng savior gaya ng sa mga princess na nasa castle. Umaasa akong may darating na prinsipeng magliligtas sa akin. Napatingin ako sa sahig, kasabay ang pangingilid ng luha ko.

*BLAAAAAAAGGGG*

Bumagsak ang dalawang may hawak sa akin. Napatingin ako sa likuran ko....

Doon ....

Nakita ko siya.

A Hundred Days with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon