Chapter 12

3 0 0
                                    

Mark's POV
Naghuhugas ako ng pinggan ng hindi sinasadyang mabasag ko ang isang baso. Agad kong naisip si Kathrina kaya tinawagan ko na sya.

*The number you are calling is currently unavailable .....

Bakit di ko siya macontact? Kinuha ko agad ang jacket ko at susi ng kotse at nagdrive sa bar kung nasaan sya. Buti na lang at nakaon pa rin ang GPS niya na inilagay ko sa phone niya ng hindi niya namamalayan. Iba ang kutob ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pagdating ko sa bar agad akong bumaba. Napansin ko na walang tao. May nakita akong waiter at ang sabi niya nagkakagulo daw sa loob. Tumawag ako sa security company ng dad ni Katharina para magpadala ng back-up. I can't wait any other minute kaya pumasok na ako sa loob.

Nakita ko ang mga kaibigan ni Kathrina na binubugbog ng mga lalaki at nang bumaling ako sa di kalayuan, kitang kita kong tangay ng mga lalaki si Kathrina. Nakakita ako ng matigas na bagay at binato ko sa nakahawak sa kanya at sa isa pa.

Sapul sila. Naging athlete kaya ako sa football. Tsk. Dali-dali akong tumakbo at sinuntok ko ng sinuntok ang mga nakahawak kay Kathrina. Nabitawan nila sa Kathrina at nakita kong napaupo siya. Sinuntok ko ng sinuntok ang mga lalaki.

Mukhang nakabawi na rin ang mga kaibigan ni Kathrina at nakita kong lumalaban din sila. Hindi nagtagal dumating na rin ang mga security na tinawagan ko.

"Pre, kami ng bahala dito. Puntahan mo na si Kathrina," (Trod) sabi nung isang kaibigan niya. Agad akong pumunta kay Kathrina.

Nakayuko lang siya. "Are you okay?,"

Hindi siya sumagot at yumakap na lang siya sa akin. Ramdam ko ang pag-agos ng luha niya.

"Tara na. Iuuwi na kita," sabi ko at binuhat ko na siya.

Hindi niya inalis ang ulo niya sa dibdib ko. Iyak lang siya ng iyak habang buhat buhat ko. Nang makarating kami sa sasakyan, napansin ko na halos kita na ang ibabaw ng dibdib niya. Nang maiupo ko siya sa tabi ng driver seat, hinubad ko ang jacket ko at itinakip ko sa kanya.

Bwiset na mga g*g*ng yon. Humanda sila sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hundred Days with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon