A

7 0 0
                                    

"Ihahatid ka na namin sa labas Dhey." ngumiti siya sakin,yung ngiting hindi kumukupas sa pagpapalambot ng aking mga tuhod.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila ako sa palabas.

Napabuntong hininga ako.Nitong mga nakaraang oras ay nagiging wirdo na ang mga kilos niya.Di ko na halos maisip kung anong gagawin niya.

"Tara sama ako.May bibilhin din ako sa Mercury." napatingin kami kay Luis na ngayon ay nakapamulsa ng naglalakad pauna sa amin.

Napanguso ako.Ang supladong ito!

Buong minuto ng paglalakad ay di ko maiwasang magduda kay Dhey.Wala siya sarili pero mahigpit parin ang hawak niya sa kamay ko.

"Ano knockout na?" napangisi ako,tumutukoy sa mga barkada kong kung makainom kanina ay last na.

Nginisihan lang ako ni Luis at tumango.

"Luis,pare.Saglit lang." tumingin ako pabalik-balik kay Luis at Dhey.Tumango lang ito at naglakad na.

"Maiah..." hindi pa ako naka-sagot ay bigla na lang akong niyakap ni Dhey.

Yinakap niya ako na parang huli na.Sa sobrang sikip at higpit ay di na ako halos makahinga.Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko sa sensasyon at ipinahihiwatig niya.Ano Dhey? Hanggang dito na lang ang kaya mo?

"Maiah,sorry..." at binitawan niya ako.

Hindi niya na ulit ako pinatapos at siniil niya ng halik ang aking mga labi.Hindi siya gumagalaw pero madiin ang pagkakahalik niya,na parang kahit kailan ay di niya na ito maaring gawin kaya sinulit niya.

Dumilat ako kasabay ng pag-layo ng mukha niya sa mukha ko.Lumayo ako at hinayaang tumulo ang luha ko.Pinahiran ko agad ito ng mga nanginginig kong kamay.

Hindi niya ako pwedeng makitang umiyak.Hindi.

Binitawan ko ang kamay niya at hinayaan kong kubliin ang anino ko sa dilim ng paligid.

"Sorry..." yun ang huli kong narinig at nagpatuloy ako sa paglakad pabalik sa Bliss.

Sa tingin niya ba ay maibabalik pa ng sorry niya ang pagkawasak ng puso ko? Nakakatawang isipin na ang mga nakagawa ng kasalanan sayo ay madali lang nilang gustong bawiin ito sa pamamagitan ng sorry.Kung ako sa kanila ay hindi na ako hihingi ng tawad,kahit pa pampalubag loob? Tss.Di na maibabalik at maayos ang mga nangyari.

Napangisi ako.

The Art of Breaking A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon