"Tangina naman Maiah! Umayos ka nga!" napapitlag ako sa sigaw ni JP saken.
"Ano bang problema mo?!" nanahimik ako dito ay bigla niya lamang akong sinugod.Tss.Boys.
"Wag kang tanga!"
Tinitigan ko lang siya.Lahat ng galit ko ay ibinuhos ko sa titig na iyon sa kanya.
"Alam ko,Pat.Di mo kailangang ipagdiinan." tinalikuran ko siya.
Nakakainis.Nangangati na naman ang mga mata ko at alam kong masama ito.
Ilang beses na ba akong umiyak para sa isang lalaki.Ito pa lamang.Hindi ko gawain ang iyakan ang mga walang kwentang tao na walang ginawa kundi ang saktan ako.Pero ito ako...nakaka-awa.
Hindi na kami nag-usap pa ni Dhey simula noon.At alam kong ang mga yakap at halik namin noong gabing yun ay huli na.Una at huli.
Alam ko rin na kinausap ni Kuya Ian at nila Tibby si Dhey na layuan ako.At napakababaw! Hindi naman kami magkadugo o malayo ang edad sa isa't-isa o kung ano pang dahilan sa paglayo ng dalawang taong nagmamahalan.Kundi ang rules.Rules ng pagkakibigan.Walang taluhan.
"Fuck?! Bro Code?!" parehas kami ng reaksyon ni Jany.
"Oo." at napahilamos ako ng aking palad.
"Kainis! Pati ba naman yun?!" I know,right?
"Di bale,kung kayo naman ay kayo parin,diba?" ngumiti pa ito na nagpalitaw ng dimples niya.
Umiling ako.
"Nakita mo ba ang mga babae niya Jan? Kabilaan sila.How can he resist such temptation?" umismid siya dahil tama ako.
Hindi ako kagandahan.Medyo chubby pero hindi payat.Mahaba ang buhok ko at kayumanggi ang balat.Ang maliliit kong labi ang nagpapatingkad sa simple kong mukha.At walang binatbat ang kasimplehan ko sa mga babaeng umaaligid sa kanya.
Di sapat ang short shorts ko sa makikinis at mapuputi nilang legs.
"Wag na Mai.Kahit sinong beauty ang iharap sa charming mo kung loyal ang pwet niya sayo ay kayo parin!" tumawa kaming dalawa at medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Simula noon ay hindi na kasi ako masyadong nangiti.Alam ko iyon.Ilang beses ko siyang nakasalubong at nagsisikip ang dibdib ko tuwing nagpapanggap kaming parehas na hangin ang isa't-isa.
At siguro magpapatuloy ito hanggang sa makalimutan namin ang kabaliwang ito..
Napatunayan ko na kahit anong mangyari ay gagawa at gagawa ng paraan si tadhana para turuan tayo ng leksyon..mga paraan para saktan tayo.
Hindi tayo ang nanakit sa bawat isa..hindi tayo ang dumudurog sa puso ng bawat isa...kundi ang pagkakataon.
Pagkakataon na laging hindi angkop..hindi tama..hindi sasakto.Pagkakataon na kakasya lang kung tama ang taong minamahal at kinakabaliwan mo.
At kung hindi ka handang palayain ang taong yun..kahit kailan,di ka makaka-asang sasakto kayo.
Kaya pipiliin ko munang palayain ang sarili ko sa sakit na idinulot ng pagkakataong di sakto.