Paulit ulit kong tiningnan ang oras na masasabi kong umaga na alas singko na ng umaga at ako ay pagod na pagod na kailangan ko man lang umidlip.Nagunat ako at pinaputok ang mga daliri habang naghihikab.Humilig ako sa bench na inuupuan ko at nakaidlip na ako.
Nagising ako sa tunog ng mabibigat na hakbang ng tao na dumaan sa harapan ko.
Gayong hindi pa ako masyadong nakamulat ay malabo pa ang paningin ko at nakita ang isang bulto ng tao na nasa tabi malapit sa kinauupuan kong bench. Kausap nya yung doctor.At pinagusapan nila yung nangyaring aksidente kanina.Sa tingin ko ay isa sya sa mga kamaganak nung babae kanina.
"Pasensya na hindi na kinaya nung kapatid mo at yung Fiancée nya lang ang nakaligtas Pasensya na talaga we did our best to save him"
Sabi nung doctor at tinap yung balikat nung lalaki at iniwang walang galaw yung lalaki na animoy estatwa na.Marahil dala ng shock katulad din ng iba.At alam kong hindi pa rin sya makapaniwala sa nangyari sa kanyang...
Teka nga lang,Diba yung babae yung namatay hindi yung kapatid nung babae na lalaki eh bakit mali yung impormasyon na binigay nung doctor? Siguro hindi sya yung doctor na tumingin dun sa magkapatid.O kaya naman ay kamaganak sya nung nasa isa pang kotse na nagkabanggaan. Ay ewan wala na akong lakas pa para isipin pa yun ang gusto ko lang muna ngayon ay magpahinga.
At nang naghahanda na ulit akong umidlip at bumalik sa hindi ko pa natatapos na panaginip.Ay dahan dahang umikot at naglakad papalapit sa akin yung lalaki.na animoy ang paligid ay naging slow motion.At tinitigan ko ang mukha nitong malungkot
Hindi ako maaring magkamali. Kilala ko ang lalaking yun.At rinig na rinig ko ang tunog ng bawat paghakbang nya na umuukupa sa buong pasilyo.
Nanigas ang katawan ko at nanlamig na animoy binihusan ng nagyeyelong tubig dahil sa katotohanang ayaw kong tanggapin at malaman. Pinagpatuloy ko ang pagtitig sa lalaking kilalang kilala ko.At nung nilagpasan nya ako napansin ko yung Lata ng Sprite na nasa sahig. Nayupi na ito at puno ng dugo.
Mabilis akong tumayo at napupuno ng takot ang buo kong katawan at sumisigaw sa lalaking nagdadalamhati habang dire diretsong naglalakad.
"Kuya!!Kuya!!"
Sigaw ko sa kanya pero hindi man lamang sya lumingon.At pinipilit kong wag pansinin ang luhang tumutulo sa mata ko.Napuno na nang sigaw ko ang buong pasilyo pero ni isa walang nakakarinig sa akin,Hanggang sa maglaho na ang nasa paligid ko at wala na akong makita pa.
Pinikit ko ang mata ko ng isang segundo.At iniisip kong anong ginagawa ko sa lugar na ito.At sa pagbukas ko nang mga mata ko dun pumasok lahat ng alaala. Unti unting pinakita ang mga nangyari sa buhay ko hanggang sa pinakahuling nangyari sa buhay ko.
"Nakita at naalala ko yung Sprite na binili ko nung Graduation Party nang Fiancée ko.Yung Black kong Lancer at nasirang brake. Yung aksidente at salpukan.
At ang paligid ko ay nagliwanag lahat.At alam kong wala na ako sa hospital ngayon nandito na ngayon ako sa KAWALAN.
"Akala ko ba ayaw mong sumama sa akin"
Sabi nung boses sa likudan ko at yun yung babae.
"Tayo na"
Sabi nung babae at kinuha nya ang kamay ko.At sabay na kaming naglakad.
-----------------------
Thanks For Reading GuysREAD VOTE COMMENT
FOLLOW
QueenMary_14
![](https://img.wattpad.com/cover/37409170-288-k81c597.jpg)
BINABASA MO ANG
Sixth Sense
Mystery / ThrillerMay mga bagay na kahit ikaw ay hindi mo maipaliwanag.At pagdumating ang araw na yun ay wala ka nang magagawa pa.