Simula

155 3 0
                                    

Matyagang paghihintay na mahulog ang sprite na binili sa nakatayong vendo machine pagkatapos maghulog ng pera.

At sa wakas sa ilang beses na paulit ulit na pagreject ng lumang vendo machine nakakuha rin ako ng malamig na sprite at agad na binuksan maririnig mo dito ang tunog ng pagbukas dahil sa reaksyon dahil isa itong carbonated drink.

Pero nangingibabaw pa rin ang iyak nya.Hinanap ko sya dala ng kuryusidad.At nakita ko syang nakaupong magisa sa bench sa isang mahabang pasilyo ng pinakamalaking ospital sa lugar na ito.Nakatakip ang mukha ng kanyang dalawang kamay at walang sawang pag iyak.


Malungkot sya yan ang mararamdaman mo pag marinig mo ang pag iyak nya ngunit walang nakakaalam kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis at kalungkutan.

Pagkatapos kung lagukin ang laman ng aking Sprite.Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya na hindi man lamang muna sinulyapan ang nakakaawa nyang anyo.Na kahit sya ay hindi magaabalang tingnan ang sarili nya dahil sya ay nasa gitna ng pagdadalamhati.At sya ay nasa kawalan.


Kahit naiinis na sa kanyang pag iyak.Hindi ko muna ito ininda at nagtimpi dahil alam ko ang kalagayan nya nahihirapan talaga sya.

Habang hawak parin ang lata ng Sprite na kanina lang ay masagana kong ininom at pawiin ang uhaw na nararamdaman na ngayon ay wala nang laman. Tinapon ko ito sa harapan kong basurahan at kung minamalas ka nga naman hindi pa pumasok minamalas nga yata siguro ako ngayon.

At nilibot ko ang paningin ko sa paligid kong may nakapansin ba sa ingay na ginawa ko at sa nakakalungkot na iyak ng babaeng nasa paligid ko ngunit wala.Wala ni isa man sa kanila ang may pakialam.


Tiningnan ko yung babae na hindi man lamang din napansin ang ingay na ginawa ko at na nanatiling nakatakip ang kamay sa mukha.Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.Walang saplot ang mga paa nya may mga tuyong dugo ang puti nyang bestida na hanggang tuhod lang na masasabi mong madugo ang pinagdaanan nya.Yung kamay nya ay may mga gasgas at dugo rin at yung mukha naman nya na natatakluban ng kanyang kamay at mahabang buhok.


Naglakas loob akong kausapin sya

"Paano ka namatay"?

Tanong ko sa kanya.Pinansin nya naman ako at tumigil sya sa pagiyak nya at dahan dahang ibinaba ang nakatakip na mga kamay sa mukha nya at tumingin sa akin na kahit kagagaling pa sa pag iyak at masasabi kong napakaganda nya na kahit may mga tuyong dugo pa rin sa mukha nya at sa mga mapuputla nyang labi na alam ko sa likod ng duguan nyang mukha may nakukubling magandang babae.

Kahit nagtataka ay nakuha nya paring ibukas ang bibig at nakuhang magtanong.

"Anong sinabi mo pakiulit"?

Tanong nya sa akin habang may garalgal na boses at animoy nanginginig ito dala siguro ng matagal nyang pagiyak.


Ngumiti ako at tumingin sa iba at hinanap ang lata ng sprite na tinapon ko kanina sa basurahan na sa kasamaang palad ay hindi ko naishoot.

"Masasabi kong medyo dalawang oras ka ng patay ngayon"

Dahan dahan kong sabi na kahit malungkot ay kailangan kong sabihin sa kanya.

"Anong nangyari sayo"?

Tanong ko dito at tumingin sa kanya na nakatingin din pala sa akin

"Wala akong alam sa sinasabi mo at please lang nasa gitna ako ng takot at pagdadalamhati kaya wala akong panahon para makipaglokohan sayo kaya please lang igalang mo man lamang ako"

Sabi nya sa akin kaya nanahimik ako sa mga sinabi nya marahil hanggang ngayon hindi nya pa rin matanggap na wala na talaga.

---------------------

Thanks For Reading Guys

READ VOTE COMMENT

FOLLOW


QueenMary_14

Sixth SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon