Tatlong oras bago nangyari ang lahat sya at ang kanyang lalaking kapatid pauwi na ng bagay dahil katatapos lang ng graduation party.Sa titulong BSBA.At grumadwayt ng Suma Cum Laude.
Sinundo na sya ng kapatid ng gabing iyon sa isang pagliko tatlong blocks mula sa bahay nila ay may sumalpok sa kanilang Hondang pula na isang mabilis na Itim na Lancer.At pagkatapos nun wala na syang matandaan.
"Ang natatandaan ko na lang ay dinala dito ang kapatid ko at nagaalala na ako sa kanya"
Sabi nya habang umiiyak sya at nakinig lang ako sa kanya.
"Wala akong pakialam kong patay na ako basta malaman ko lang kung ayos lang ang kapatid ko at kung anong nangyari na sa kanya"
Sabi nya pa at tumingin sa aking nagmamakaawa.
"Okay Miss huminahon ka lang muna,Aalamin ko kung anong nangyari at maghintay ka lang muna dito"
Sabi ko at tumango lang at umalis na agad.
Naghanap ako ng impormasyon at pinuntahan ang ER at OR.At walang makapagbigay sa akin na kahit anong sagot dahil hindi nila ako pinapansin wala akong magawa kundi magmasid na lang at makinig sa paligid.At nalamang namatay din ang magkasintahan sa nakasalpukan nitong Itim na Lancer.
Kalalabas lang ng kapatid nung babae sa OR at sinundan ko ito at nilagay ito sa isang Recovery room.At may dumating na magasawa na gulat sa mga nangyari at hindi nila ito inaasahan nawala ang kanilang anak na babae at puro sugat at bandages ang anak nilang lalaki.
"Nasa Stable na Condition na sya"
Sabi nung Doctor na tumitingin dito.At naisip ko na napakalakas talaga ng impact ng banggaan ng dalawang sasakayan na isa lang ang nabuhay sa apat na taong nagkabanggaan.
Pagkatapos makita ang nagyari ay napagdesisyunan ko nang bumalik sa babae kanina.At habang naglalakad sa mahabang pasilyo may hindi ako maipaliwanag na pakiramdam. Hindi ko marinig ang mga yabag ko o yung mga echo man lamang nito sa gitna ng napakatahimik na pasilyo na nilalalakadan ko at naisip ko na marahil pagod lang talaga ako ngayon.
Nandun pa rin sya at matyagang naghintay sa akin.Mas maganda sya ngayon.Ang mata nya sa nakasunod lang sa akin hanggang makaupo na ako sa tabi nya hindi sya umiimik at gusto nya marahil na ako ang unang magsalita.
"May Good at Bad news ako anong gusto mong unahin ko?"
Sabi ko nakatingin sa mga mata nya.
"Kahit ano basta sabihin mo na sa akin dahil kinakabahan na talaga ako habang tumatagal"
Sabi nya sa akin at halata mong hindi na sya mapakali.
"Sige na uunahin ko na ang Good news Buhay ang kapatid mo at nasa Stable na condition na ito at kunting Fracture lang ang natamo nito at maswerte sya"
Sabi ko sa babae na nakangiti na ngayon na lalong nagpaganda sa kanya.
"Talaga isa talaga yang good news so ano naman ang bad news?"
Tanong nya sa akin na hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya dahil baka mawala ang ngiti nya sa kanyang labi.
"Patay ka na"
Sabi ko na anytime iniisip ko na ako yung kontrabida sa kwento na sinira ang buhay ng bida pagkasabi ko nun.But surprisingly she just smiled at me.
"Wala akong pakialam basta alam kong buhay ang kapatid ko masaya na ako at ayos na sa akin yun pero nagaalala pa rin ako sa mga magulang ko na malungkot ngayon"
Sabi nya at tumungo na habang pinagmamasdan ang mga paa nya na ginagalaw nya.
"Oo nga sa katunayan nyan ay wala silang tigil sa pagiyak dahil sa gulat at hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ang nangyari"
Sabi ko sa kanya at alam kong nakikinig sya kahit nakafocus ang mata nya sa mga paa nya.
"Tanggap mo na ba ang realidad na patay ka na"?
Tanong ko sa kanya dahil kagaya nya na patay na merong iba na hindi pa rin matanggap ang nangyari sa kanila.
"Syempre naman dahil hanggang dito na lang ang buhay ko eh wala na akong magagawa pa kaya kailangan ko na lang tanggapin ito"
Sabi nya habang nakangiti na ng malapad.
"Tama ka kailangan mong tanggapin ang realidad"
Sabi ko at masaya ako para sa kanya at dahil hindi na ako mahihirapan pang ipaliwanag ang lahat sa kanya.
----------------
Thanks For Reading Guys
READ VOTE COMMENT
FOLLOW
QueenMary_14

BINABASA MO ANG
Sixth Sense
Mystery / ThrillerMay mga bagay na kahit ikaw ay hindi mo maipaliwanag.At pagdumating ang araw na yun ay wala ka nang magagawa pa.