Chapter 2: We meet again

60 2 0
                                    

Sa office ni Keno...

"Sir.. Mr. Villareal wants to talk to you. He said that once you arrived, do visit him in his office. " Aliya, Keno's seductive secretary, told him.

"Okay. Thanks Aliya. " pagpapasalamat niya sa sekretarya.

" Damn. I'm dhoomed. " bulong niya sa sarili.

"kung di dahil sa trip ng babae na yun, di ako malalate. Damn it! " inis na sabi nito.

Oh well. Dumiretso sya sa opisina ng kanyang daddy and tinanggap ang sermon nitong pagka haba haba.

Pagkabalik niya sa sariling opisina, the last words of his dad keeps clinging into his head.

"...if you are not serious in our company. Then quit. "

Naka upo siya sa swivel chair.. Nakasandal ang ulo sa upuan, dahan dahan niyang ipinikit ang mata, sabay sabi:

"You'll see dad. You'll see."

Kinabukasan...

Sabado. Napasarap ng tulog si chris, nakalimutan niyang my turo pa pala sya ngaun. Alas otso na, Alas nuebe ang turo niya kay Vincent.

Halos dalawang taon na siya sa tutorial center ni teacher Sandy. Marami na siyang batang naturuan. May makulit, may tahimik, may matalino at di katalinuhan. Lahat ng batang iyon ay minahal niya.

Paano nga ba siya nakapasok sa tutorial center?

Two years ago, nawalan ng trabaho ang papa ni chris sa ibang bansa kaya napilitan itong umuwi ng pinas. Umuwi ito ng walang ipon. Graduating ang kuya niya ng panahong iyon at sya ay nasa ikalawang taon sa college. Sa madaling salita.. Kailangan na kailangan nila ng pera that time. Naghahanap ng mga panahong iyon ang kaklase nila ng mga gustong magtutor,so pareho sila ni tin na ng try and luckily pareho din silang natanggap.

Dahil sa pareho silang matalino, hanggang ngaun nasa center pa rin sila. Malaking tulong ang pagtututor ni chris sa kanyang pamilya. Although, my trabho na ulit ang papa niya at ang kuya niya ay trabho na rin, di pa rin sya umaalis dito. Mahal niya ang pagtururo.

"Ma!!!! Late na ko.. Oh my goodness. Di nio naman ako ginising e.. " pagmamadali nito. Bumaba siya mula second floor ng bahay nila na may hawak na bag at tuwalya.

"teka.. Teka.. Anu bang gagawin mo ha anak??" tanong ng nanay niya.

"aalis na.." nagmamadali siyang umupo sa sofa.

"bat may hawak kang tuwalya???" tanong ulit nito.

"maliligo ako e.. " sagot naman nia..

Katahimikan.

.

.

.

"maliligo palang pala ako ma.. Mwy gosh tlga.. Mama naman e.. " sabay takbo sa banyo.

Naiwang tumatawa ang mama niya..

Sabay baba naman ni tan-tan.

"ang ingay niyo nmn dito sa baba." angal nito sa nanay nia.

"kapatid mo kasie.. Nasasapian na naman "

"ganyan talaga yan.. Hay naku.. San na si Coleen ma?? " tanong niya ulit.

"nasa labas na.. Umiinom ng gatas niya. Puntahan mo nga anak.. " utos nito sa kanya.

Kahit di pa nagsisipilyo, lumabas na ito ng bahay.. Sa labas ng bahay nila may maliit na garden, nandun makikita ang mga alagang bulaklak ng mama nila. My bench sa ilalim ng puno ng langka. Dun niya nakita si coleen, their youngest sister. Four years old plang ito.

It Started with a Wink ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon