Prologue:

17 4 3
                                    

VON AND FARAH|| PROLOGUE

"Ui, may bagong salta oh?"

"Saan naman 'yan galing?"

"Alamin natin."

Lumapit ang isang grupo ng basketbolista sa isang lalaking tahimik lang na naglalakad sa daan. He's walking with head low and with deep thoughts.

"Pst."

Napahinto ang lalaki sa paglalakad nang makarinig siya ng isang sitsit mula sa likuran niya.

"Alam mo bang bawal dumaan dito?" a basketball player added.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki at kaagad na humarap sa likod niya.

"Patawad po. Hindi ko po alam," madali niyang paghingi ng tawad na nakayuko pa.

"Hahahahahahaha!"

Malakas na mga halakhak ng pitong basketbolista ang naghahari sa open field ng kanilang unibersidad. They all laughed at the boy with eyes still on the ground, feeling hot on his cheeks, getting really embarrassed.

"Hahahaha! Doon lang kasi sa kanal pwedeng dumaan." One even pointed the dirty place with his finger.

"Hahahahahaha!" The boys keep on laughing and laughing to the point that their stomach starts to ache.

Lumapit ang isa sa mga basketbolista at hinawakan ang buhok ng lalaki, tinataas ang ulo. "Bago ka lang dito ano?"

His eyes stars to water because of embarrassment and shame, and he ended up nodding his head once.

Mas matangkad sa kaniya ang mga basketball players na lumapit sa kaniya. They're already seniors and he's still a junior. Mas maliit ang katawan niya dahil hindi naman siya mahilig sa sports, kaya n'ong binanga siya ng isa ay napa atras siya kaagad.

"Ang liit naman ng kamay mo, nakakasuntok ba 'to?" They started bullying his physical features while touching them.

The boy feel uncomfortable and at the same time, irritated and annoyed. Hinahawakan siya ng mga lalaking hindi niya kilala.

"Alam mo, hindi pwede ang mga ganitong gupit dito sa university." They touched his longer hair. "Kailangan iyong clean cut."

"Gan'on ba? S... sigi, magpapagupit ako," the boy answered. He lowered his head even more.

Hindi man niya mailabas, pero naiinis na siya.

"Huwag mo kaming gayahin dahil para lang 'to sa mga gwapo. Ikaw, kailangan mo ng ibang gupit kasi hindi iyan bagay," sabi pa ng isa bago malakas na nagtawanan silang lahat.

The boy sighed, balling his fist.

"Ui dude, tingnan niyo."

"Hahahaha! May planong lumaban ata 'to?"

"Ano? Lalaban ka? Ha? Lalabanan mo kami?"

They started to push the boy, pinagpapasapasahan nilang lahat habang tumatawa at nangungutya sa hitsura ng lalaki.

"Sigi, lumaban ka. Suntukin mo ako. Dali," one of them teased.

"Nasaan na iyang lakas mo? Naku dude, bakla ata 'to."

Ayaw man niyang aminin pero naiiyak na siya sa mga pinangagagawa ng mga basketbolistang ito. Hindi ito ang inaasahan niyang sasalubong sa kaniya pagpasok niya sa eskwelahan.

He was about to push one of them and try to escape when someone came.

"Ehem, ano 'yan?"

All of those who pushed him immediately stop. Para silang nagbago at naging mala-anghel sa bait sa isang iglap.

"Ate Farah!"

"Ui, hi ate Farah!"

"Ate Farah, good morning!"

Ang lahat ng mga basketbolistang nandoon ay ngumiti sa babaeng kakarating pa lamang.

Farah smiled back at them.

"Anong nangyayari diyan?" Farah's soft yet full of authority voice echoed on their ears. "Nakita ko kanina na may tulakang nangyayari."

"Ah... Ate Farah, ano kasi iyon, ah..."

"We meet a new friend ate Farah," singit ng isa habang inaakbayan pa ang lalaking tinutulak-tulak nila kanina.

"Yes ate Farah. We meet a new friend kasi. Nagkakamabutihan lang po kami. We're just getting comfortable around each other kaya, ayon, may tulakan kang nakita. Ganiyan kasi kaming mga lalaki."

Farah nodded. "I see." Pagkatapos ay lumapit siya doon sa lalaking bagong mukha sa kaniyang mga mata na nakatingin pa rin sa kaniyang sapatos.

"Pinapatawag nga pala kayo ni Khito," Farah added.

"Hala, bakit daw?"

"Baka may kasalanan tayo."

"Ui, good boy ako. Wala akong ginawa."

"Hali na kayo, baka mainis pa 'yun kapag pinahintay natin."

"Ate Farah, mauna na kami."

"Bye bye ate. Dude, una na kami." Siniko pa ng isang basketbolista ang lalaki.

Nang makaalis na ang team, naiwan sa gilid ng daan ang dalawa. Farah looked at the new boy on her eyes. He looked neat and clean, but she can tell that he's not used to this kind of environment.

Iba siya kung kumilos, parating nagpapakumbaba at hindi lumalaban. In short, madaling ma-bully at maloko.

"Scholar?" Farah broke the silence.

Nang marinig iyon ng lalaki ay dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang ulo ngunit may halo paring pag-aalinlangan at ang kaniyang mga kamay ay nakadikit sa isa't isa sa kaniyang harapan.

Then the young man slowly nod.

"Farah," she introduced herself while offering her hand for a handshake.

Hindi man alam ng lalaki kung ano ang dapat gawin dahil ito ang unang pagkakataon na may makikipagkamay sa kaniya, ngunit sa huli, mas pinili niyang i-abot ang kaniyang kamay sa dalaga.

"Von," he said his name as he shakes her hand.

And since that day happened, their amazing school romance story starts.

Von and Farah|| a story that will remind you of how beautiful and sweet a high school romance is.


Disclaimer:

Everything is fiction. No part of this work is to be published unless go into the right process with the author's probation.

God bless! Happy reading.

Bellevim

Von and FarahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon