I realized being lonely is not that bad. People think if you don't have friends or companions, they think you're weird that's why nobody wants to be friends with you.
But no, that's not the case. Some people preferred being alone than to deal with people who take a lot of their energy. Yeah, may be it is good to have someone by your side but people leave, they come and they go. That's life and we have to accept it whether we like it or not.
Sa buhay na ito, may darating at may aalis. Hindi naman dahil umalis sila ay titigil na rin tayong mabuhay. Kailangan natin mag patuloy. Hindi hihinto ang oras dahil lang may mabigat tayong pinagdadaanan.
"Kita mo iyon? Naiirita na ako kanina. Ang sarap tusukin ng mga mata, kanina pa tingin ng tingin dito." Pasaring ni Miles, habang sumusubo ng kanyang pagkain.
Tumingin ako doon sa kabilang lamesa. Nang mag tapat ang tingin namin, nakumpirma ko na totoo nga, nakatingin na naman siya sa amin. Ngumiti siya ng tumingin ako kaya agad akong bumawi ng tingin.
"Type ka yata niya Riyfer, bakit hindi mo pa kasi tanungin?"
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi porke nakatingin siya dito, e, may gusto na agad.
"Hindi naman siguro baka sayo may gusto." Simpleng sabi ko.
Hindi magandang mag assume ng mga bagay. Mahirap mag conclude ng mga bagay ng walang katunayan.
Binitawan niya ang kutsura at tumingin sa akin. "Ako na ang nagsasabi sayo. Alam mo ba na lahat dito alam na may gusto yan sayo? Ikaw na lang yata ang kaisa-isang tanga dito." sabay irap pa niya.
"Hindi mo sure. Sabi ko naman sayo, huwag mag assume hangga't walang confirmation sa kanya." Natatawa kong sagot.
Napailing na lang siya.
Hindi naman kasi kapani-paniwala na may gusto sa akin ang isang Cyril Felton Delgado. At kung meron man baka mababaw lang yun. Isa siya sa mga hinahangaan dito sa School bukod sa gwapo siya, nag e-excell din siya sa klase nila. In short beauty and brain din. Pero malabo e, malabong magkaroon ng pagtingin sa akin.
Hindi ko siya personally kilala at hindi rin kami masyadong nagkakaroon ng interaksyon. Minsan lang kapag dito sa canteen o minsan sa hallway. Kaya imposible.
Nagpabalik-balik ako sa pag langoy mula doon sa dulo hanggang sa kabilang dako. Ang gaan ng loob ko kapag nasa tubig ako. Parang lahat ng bigat na nararamdaman ko ay biglang nawawala kaya siguro ito ang napili ko na ipagpatuloy sa lahat ng sinalihan ko na sport.
Simula noong freshman pa lang ako ay lagi na akong sumasali sa mga competition sa swimming. Gusto kong mapunta sa Nationals, yun din yung isa sa mga dahilan kung bakit sobra-sobra ang pag-e-ensayo ko. Gusto kong manalo ako doon.
"Hindi ka pa ba tapos dyan Maria Riyfer Waji? Kanina ka pa dyan oh. Please lang bilisan mo, alam mo naman na papanoorin ko pa performance ng Acer eh." Pagdadabog ni Myka na nasa gilid ng pool.
Napataas ako ng kilay. "Diba sabi ko naman sayo ma-una ka na?" Umiling naman siya.
"Wala nga akong kasama. Si Miles busy kay Franz. Ayaw ko naman na pumunta doon na mag-isa."
Ayaw ko siyang samahan pero at the same time alam ko naman na kukulitin ako nito ng walang tigil dahil sa bandang Acer na yan. Magaling ang banda ng school namin kahit hindi ko pa sila nakikitang mag perform ng live, naririnig ko naman ang mga kanta nila. Some are covers and most of them are own composition.
"Alam mo naman na ayaw kong magka-issue sa vocalist nila. Kapag pumunta ako dun, paniguradong pag-uusapan kami." Paliwanag ko habang naglalakad papunta sa mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Cut Him Loose (AS #1)
Teen FictionAcer Series #1 Maria Riyfer Waji & Cyril Felton Delgado.