"is it worth reading?" Bulong ko sa sarili ko.
Nasa Books Store kasi ako ngayon. I have to buy things although hindi na kailangan, ayaw ko lang talagang nauubusan. Bumili ako ng ilang yellow pad tsaka isang box ng ballpen. Dumaan muna ako dito bago pumunta sa school.
I like reading kaya bibili din ako ng libro para may pagkakaabalahan ako kapag walang ginagawa sa bahay. Madami akong libro, ang kaso nga lang ay nabasa ko na lahat kaya kailangan kong bumili ng bago.
Iniiwasan ko din pumunta sa school ng maaga dahil sa sinabi ni Felton. Kung totoo yun, mabuting dito muna ako mag palipas ng oras. Twenty minutes pa naman bago mag simula ang klase.
Being a freshman in college is hard pero ngayon third year na kami hindi na masyado, nasanay na kasi. Hindi ko nga alam kung gusto ko ba talaga ang pagkuha ng psychology. Pero dahil isa rin naman Ito sa mga choices ko dati, sinubukan ko na rin. At mas naadali ang college life ko dahil kina Myka and Miles, they're the best.
Nandito ako ngayon sa Books Section. Mahilig ako sa mga romance genre pero nag explore parin. Maganda din yung fantasy at mystery & thriller. Yung last na nabasa ko ay yung Tentai High, sobrang ganda nun.
Palakad-lakad ako habang tumingin ng libro.
"I found you."
Napatalon ako ng may biglang bumulong sa tenga ko.
Tangina!
Hinawakan ko ang dibdib ko at hinarap yung tao na yun. Napatahimik ako ng mapagtanto kung sino ito. Nangunot ang noo ko sa ngisi niya. Hindi ko talaga nagugustuhan ito.
"Are you already falling?" Ngising tanong niya.
Umirap ako sa kanya at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.
Bakit nandito siya?
So, hindi ba talaga siya nagbibiro sa sinabi niya? Tangina! Bakit kasi ako pa?
"Mahilig ka pala sa libro."
Sumunod lang siya sa akin na animoy anino ko. Hindi ako sumagot.
Gwapo sana ito eh, kaso hindi ko talaga type. Mahahaba ang pilik mata niya at parang nanghehele ang mga kulay abo niyang mga mata. Matangkad din ito at Moreno. Napaka perpekto para sa akin. Hindi ko kaya ang presensya niya.
"Love, after this let's eat." Bored na pagkasabi niya na ikinagulat ko.
Love?
Humarap ako sa kanya, "Stop calling me that." Sabi ko.
Tumawa siya.
"Now, I got your attention, huh, love?"
"Hindi ba nireject na kita? Wala kang mapapala sa akin kaya tigilan mo na yan. Hindi ako natutuwa." Diretsa kong sabi.
Pumunta na ko sa counter para bayaran ang mga pinamili ko. Ayaw ko ng mag tagal dito dahil sa kanya. Kilala siya ng mga tao. May mga gigs din kasi sila bukod sa events sa mga school. Hindi na nakakapagtaka kung biglang may sumulpot na fans niya dito at magka-issue na naman.
"I don't take no as an answer Miss. Let's eat after this."
Hindi ko na napigilin na harapin siya. Galit ako. Kung ano mang laro ito, ayaw ko. Mukhang hindi naman siya seryoso. Of course, sino ba sa miyembro ng Acer ang nagseseryoso pag dating sa mga babae? Wala!
"Alin ba sa salitang hindi, ang hindi mo maintindihan?" Galit ko na sabi sa kanya.
Hindi man lang nagbago ang timpla niya. Kalmado at parang namamangha pa samantalang ako ay parang bubuga na ng apoy.
BINABASA MO ANG
Cut Him Loose (AS #1)
Fiksi RemajaAcer Series #1 Maria Riyfer Waji & Cyril Felton Delgado.