2

12 0 0
                                    

Pilit kong kinakalimutan yung gabing yun na sumama ako kay Myka. Kahit na nakumpirma ko na na may gusto nga siya sa akin, ay parang hindi ko matanggap. Ayaw kong tanggapin.

Pagkapasok ko pa lang sa room ay dinig ko na ang bulong-bulungan ng mga kaklase ko at ang pagsulyap nila sa akin. After that night, halos lahat sila ay naga-assume na ako yung tinutukoy ni Felton.

Bakit? Dahil na rin siguro sa mga spread rumors na may gusto siya sa amin. Aaminin ko na nung una kong narinig yung pagkagusto niya sa akin ay hindi ako naniwala. Nagulat nga ako, kung bakit out of nowhere meron magsasabi nun.

"Sabi na sayo eh, ayaw mo kasing maniwala. May gusto yung Delgado na yun sayo. Ang manhid mo kasi." Bungad ni Miles nang umupo ako sa tabi niya.

"Napaka-imposible naman kasi na magustuhan ako nun Miles. Ni hindi pa kami nag-uusap nun. Wala kaming masyadong interaksyon kaya imposible."

Nagkunot ang noo niya.

"At bakit naman imposible? Look, Riyfer, kung hindi mo pa nakikita sarili mo sa salamin, ako na magsasabi sayo na ang ganda mo." Sarkastikong dagdag pa niya.

Umiling ako.

"Wag na natin pag-usapan. Hanggang hindi mismo lumalabas sa bibig niya na gusto niya ako, hindi ako maniniwala. At hindi ko siya gusto at kung sakaling umamin siya, irereject ko agad." I said with full conviction in my tone.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Ang arte mo." Bulong niya bago nag focus sa pinag-aaralan.

Ilang oras pa ay na dismissed na kami. Agad akong nag punta sa locker at nag palit ng damit. Kailangan kong pagbutihin ang pageensayo ko sa pagsuswimming. Malapit ng mamili si Coach ng ilalaban sa National kaya kailangan igihan ko para mapili.

Mabuti na rin ito para makaiwas ako sa mga tsismis sa buong school. Ewan ko ba, kung gusto niya pala bakit hindi na lang siya sabihin ng harap-harapan. Hindi yung gagawa siya ng stun na ganun. Parang nangiinis.

"Omg! Riyfer!" Sigaw ng kakapasok na si Myka. Kasama niya si Miles na nakatingin lang din sa kanya.

Bakit kailangan sumigaw?

"Umahon ka na dyan, bilis! Magbihis ka na."

Tumingin ako sa kanila ng nalilito. Kakasimula ko lang, paaalisin agad ako?

"Bakit ba? Mamaya na lang. Busy ako." Sabi ko bago ipinagpatuloy ang paglangoy.

"Ang gaga na to! May naghihintay sayo doon sa room natin. Bilisan mo dyan kung ayaw mong pag-usapan ka na naman."

Napatigil ako sa sinabi ni Miles. Huh? May naghihintay? Sino? Don't tell me?!

Dali-dali akong umahon at tumakbo sa loob para magbihis. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung sino yun pero parang may ideya na ako.

"Oh? Ano ka ngayon? Ang bilis magbihis ah?" hirit ni Miles.

"Naku! Napakaswerte mong gaga ka. Biruin mo isang Cyril Felton Delgado, may gusto sayo? Isang flex yun." Kinikilig na ani Myka.

Pinatuyo ko ang buhok ko at inayos ang sarili bago lumabas. Kinakabahan ako. Anong gagawin niya doon? Ni hindi naman kami magkakilala personally, at most importantly bakit ako kinakabahan?

"Tumigil nga kayo! Bakit ngayon niyo lang sinabi? At anong ginagawa nila doon?" Irita kong sita sa dalawa.

Paniguradong pag-uusapan na naman ito at gagawan ng issue. Pagkarating namin doon ay nakita ko ang grupo ni Cyril na nakaupo sa harap ng classroom namin.

Shit! This is bad!

Pinapalibutan sila ng mga kuryosong tingin ng mga kaklase ko at mga taga ibang department.

Cut Him Loose (AS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon