Jerome's POV
Kahit kelan panira talaga ng araw tong si Adri. Maka 'Tanda' e. Matanda lang ako ng ilang taon sa kanila. Psh!
Bago ko pa makalimutan...
Ako nga pala si Jerome Park. Same year level pero magkasama kami ni Lester sa ibang section. Ayoko kasing maging classmate ang isa diyan. Lakas mangasar. Tss.
Ako naman treasurer ng student council. It's my duty to balance everything na binibigay na budget ni President para sa mga activities and events dito sa school. Nagpapart time lang din ako dito sa university bilang acountant. Di naman ako mahirap, sadyang gusto ko lang bilhin ang mga luho ko sa sarili kong pera.
Bilang accountant naman, ako ang nagaayos ng mga papeles tungkol sa mga bayarin dito. Like: sahod ng faculty, maintenance at staff, bills, scholar's allowance at atbp. Wala naman kaming binabayaran na kuryente dahil gumagamit kami ng mga solar panels kaya sentralize ang aircon sa mga buildings. Meron ding mga generators na nakahanda kapag wala ang araw may sapat pa ring kuryente ang university.
Di nga ako makapaniwala noong una na si Adri pala ang president ng buong school. Masyado siyang matalino at mayaman para sa murang edad niya. May mga kumakalat din na balita noon na magisang pinundar ni Adri itong university. Binili niya daw ito sa dating may-ari para isalba ito sa pagkalugi. Marami kasing kurakot sa dating sistema.
Laking pasasalamat din ng mga teachers kay Adri kase kung hindi dahil sa kanya matagal na silang walang trabaho. Marami din na tagarito ang nagkatrabaho dahil sa kakulangan ng staff dati dito sa university. Tapos inimprove niya ang mga facilities kaya gumanda lalo ang image ng university.
"Uy Tanda! Binabayaran kita dito para magtrabaho at hindi titigan ako." Nandito kami ngayon sa opisina niya. Naguwian nadin yung mga studyante and teachers kaya kami na lang tatlo ang natitira dito sa university. Isa isa niyang binabasa yung mga papeles na nasa table niya habang nakaupo sa swivel chair niya.
"Tss."
"Ang hard mo naman Adri!" Nandito din si Riselle at nakaupo sa arm rest ng swivel chair na kinauupuan ni Adri.
"Nagawa mo na ba yung mga calculations for the incoming Intramurals?"
"Oo"
"Pakitanggal na yung estimated value sa pagpapagawa sa field"
"Bakit?"
"Ipinagawa na ni Adri! Ang saya nga e. Nakatipid tayo!"
"I-edit mo na. I-send mo na din sakin. Ngayon na"
Saglit lang naman siyang i-edit e. Tanggal dito solve doon. Ok!
Kaya sinend ko sa kanya ang file sa email niya. Bigla namang nagbeep ang laptop niya at nagsimula na siyang magtype ng kung ano ano. Kaya pinagpatuloy ko yung kinocompute ko. Wait!