MNSOP 1: The Happy-go-Lucky Prince

388 15 2
                                    


Darylle's POV


Nagising ako sa sinag ng araw na nakatakas sa aking kurtina.


*yawn*


Monday nanaman kahit gusto ko pang matulog e baka di ko naman maabutan sa labas si babes! Masama pa namang magalit yun e. Kaya agad na kong bumaba para kumain ng breakfast. Cereal lang naman with milk para naman mapanatilihin ko pa rin tong macho kong figure


Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para maghanda para sa school. Aba dapat laging pogi!


Bago ko nga pala makalimutan...


Ako ng pala si Darylle Maher. 4th year high school ng Silvermist University. President ng Student Council habang si babes naman ang Vice President. Oh diba bagay talaga kami? Nakatira ako magisa dito sa bahay kase nasa abroad ang parents ko for their work. Habang kapitbahay ko naman si babes.


Pagkatuyo ko ng buhok ay kinuha ko na ang gamit at susi ng kotse ko. Paglabas ko ay naabutan ko si babes na linilinis pa ang motor niya.


"Morning Adriane!" bati ko sa kanya.


"Tss"


"Aga aga bad trip kana?" baka may .. Alam niyo na hehehe


Then she poke her middle finger in the air. Ang sweet niya no?


"Adri!!" sigaw naman ng punyemas niyang blonde na bestfriend sabay yakap pa nito sa kanya. Hoy!


"Hey" at ngumiti siya ng tipid.


Andaya naman ni babes kapag ako bumabati sa kanya kung hindi 'Tss' hindi niya ako papansinin.


"Aga mo ata president!" tss. Plastik! Pwee. Oo maaga talaga ako! Katingkati na kase akong ibigti ka!


Tumango na lang ako at sumakay na ng kotse at nagdrive papunta ng school. Agad namang nasira ang araw ko! Bwisit!



At school ...



Pagdating ko ng school ay dederetso muna ako ng student council office para tumambay muna maaga pa naman e. Habang naglalakad ako ng hallway ay kapansin pansin din ang mga ibang studyante na maagang pumasok.


"Morning President!"


"Good morning Darylle! " sabay kindat nila sakin sorry girls para kay babes lang tong puso ko! Loyal to mga tol!


My not-so-ordinary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon