Adriane's POV
"Ms. Deangelis!"
Sino nanaman kayang hinayupak to? Di naman siguro si Ms. Veronica to sa tagal na nun dito.
"MS. DEANGELIS!"
Fine! Aish!! Oh oo nga pala wala na si Ms. Veronica.
"Sinong nagsabing pwede kang matulog sa klase ko? Ha Ms. Deangelis? Hindi porket kamag-anak or what so ever mo yung president pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo!"
Bored ko lang siyang tinignan. Di ba siya nainform kung anong pwede kong gawin sa kanya? Palibhasa bago! Tsk!
"I'm talking to you Ms. Deangelis so you better give me a nice answer!"
"Who said that you can shout in front of my face?"
"Gusto mo bang maparusahan ka nang president? He can give you an expulsion for your information. At hindi porket bago akong teacher dito ay pwede mo na akong ganyanin!"
Pinagtawanan lang siya ng buong klase dahil sa mga sinabi niya. Expulsion? Oh please...
"Anong pinaglalaban mo?" diba siya tinuruan kung saan siya dapat lumugar?
"Silence! Sisiguraduhin kong malalaman ito ng president!"
Napailing naman si Riselle habang patuloy parin tumatawa ang buong klase.
"No need. Alam ko na." Seriously? Di niya ako kilala?
"What are you talking about?"
"Gusto mo bang ipabalik kita sa pinanggalingan mo. Ms. or should I say Mrs. Santos-Mendoza?"
"How did!?"
"Easy ako ang president of this university. If you have complains you can say it straight to me. Tutal ako ang employer mo right?"
Oh ano? Natameme ka ngayon? Tss.. Di siguro na inform ng secretary ko. Mangiistorbo pa ng tulog ng iba.
"You may proceed on your discussion" sabi ko at bumalik na siya sa harapan na parang walang nangyari. Kaya lumabas na lang ako at pumunta sa may music room para ituloy ang tulog ko. Wala kasi gaanong pumupunta dito kaya tahimik. Medyo madilim pa kaya masarap matulog.
Anyways, ako nga pala si Adriane Deangelis. Ang vice president ng student council slash president ng buong university. Di naman ako nahihirapan ipalakad ang university na ito. Kaya chill lang ako. Kung aangal ka wala akong pake