MNSOP 4: The Judgement Day

121 5 0
                                    


Pagkatapos ng huling subject ng klase ay tumayo na agad si Riselle sa harapan. Habang si Adri ay tulog pa rin.


"Guys! Upo muna tayo. Dahil wala ngayon si Ma'am Asirit, magmemeeting muna tayo. Sana magcooperate muna tayo para agad tayong matapos at makauwi na. Kailangan nating pagusapan yung tungkol sa S.U Got Talent next month. Kailangan nating pagisipan ito ng mabuti para rin naman to sa section natin"


Sabay sabay ding umupo ang mga kaklase simbolo ng pagsangayon sa sinabi ni Riselle.


"Sinong may suggestions?" exited na tanong niya sa buong klase


Agad naman nagtaas ng kamay ang iba habang yung iba naman nagiisip pa.


"Yes Ms. Chua?"


"I think Street Dance ang dapat gawin natin this year." sinulat naman ni Riselle sa board and suggestion ng kaklase.


"Hindi ba parang yung last last year lang yun? I think it should be Speech Choir"


"Gasgas na yan e. How about Chorals?" at nagpatuloy ang mga suggestions sa sobrang dami ay dina nasulat ni Riselle yung iba dahil nagkagulo na ang mga iba niyang kaklase.


"Wait lang guys! Hindi naman pwedeng gawin natin lahat yan noh!" napasigaw na lang si Riselle kaya nanahimik ang buong klase.


"How about a Play?" biglang suggestion ni Darylle.


"Nice suggestion Pres! Pwede nating pagsamasamahin lahat dito yung mga gusto nating gawin!" bakas sa mukha ng iba ang pagsang ayon at excitement.


"Ano namang story ang ipeplay natin?"


"Don't worry may idea nako kaya ako na lang ang gagawa sa story! Pero mas maganda na din siguro kung lahat ng interesadong gumawa, gumawa na din kayo para naman marami tayong pagpipilian" sabi naman nung isa.


"Ok!" sabay sabay na sigaw ng buong klase. Nagising naman siAdri sa pagsigaw ng mga kaklase.


"Ok! Hanggang dito na lang guys! Meeting is now adjourned"


Kaya masayang lumabas ng room ang mga magkaklase. Naiwan naman si Riselle, Adriane at Darylle sa room. Sabay sabay silang pumunta ng student council office.


"Adri may pupuntahan ka ba mamaya?" masiglang tanong ni Darylle.


"Meron"


"Saan?"


My not-so-ordinary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon