Kabanata 35

43 1 55
                                    

Hindi na tumawag si Dariel sa akin o kaya ay nag-iwan ng mensahe makalipas ang tatlong araw mula noong nakipaghiwalay ako sa kaniya, hindi ko na rin binubuksan ang cellphone ko dahil wala rin naman akong gagawin doon.

Apat na araw na ang natitirang araw ko upang manatili sa lugar na ito, kaunting panahon na lang ay tuluyan na akong aalis sa lugar na ito upang magsimula ng bagong buhay nang mag-isa. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa simula ngayon.

Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang nanginginig na Andricia noong buksan ko ang aking kwarto upang lumabas, namilog ang mga mata ko noong makita ko ang pagtulo ng kaniyang luha mula sa mga mata. Ilang sandali pa ay sumeryoso ako ng ekspresyon sa harapan niya.

Bakit siya nanginginig at lumuluha? Nakokonsensya ba siya dahil siya ang nagsabi kay dad ng relasyon namin ni Dariel? Hihingi siya ng pasensya kasi sinabi niya kay dad ang tungkol sa amin ni Dariel?

Kung galit siya sa akin at gusto niya akong pagsalitaan ng hindi magagandang salita ay sabihin niya na nang harapan para matapos na! Wala naman akong ginagawa sa kaniya dati pa man, naging mabuti naman ako sa kaniyang pinsan pero bakit kung i-trato niya ako ay parang hindi kami pamilya?

Bago siya makapagsalita ay inunahan ko siya, "Mag-so-sorry ka ba dahil sa ginawa mong pagsusumbong? Umalis ka na lang..."

"Ada, hindi...hindi ako iyon---"

"Huwag mo nga akong tawaging ganiyan!" Putol ko sa sinasabi niya, mukhang napalakas yata ang boses ko nang sabihin ko iyon kaya napatigil ako.

Ayoko lang namang tawagin niya akong 'Ada' dahil hindi naman na kami katulad ng dati. Ayoko nang tawagin niya ako ng ganoon lalo na ibang-iba na ang sitwasyon ngayon sa noon.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Andricia nang marinig ang sinasabi ko. Ngayon lang ako nagalit ng ganito sa mismong harapan ng pinsan ko dahil sa tuwing gusto kong magalit ay hindi ko magawa, sa tuwing nagkakaroon ng dahilan upang magalit ako ay pinipigilan ko na lamang ang aking sarili na magalit.

Alam kong walang patutunguhan ang galit kung patuloy akong magagalit pero ngayon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko magalit. Tila nakapaloob sa aking puso ang galit na kailanman ay hindi ko nararamdaman, ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito.

Hindi ko akalain na unang pagkakataon ay mararamdaman ko ang ganitong klase ng galit na nanggagaling sa loob ng aking puso.

"A-Adelaide, let me explain please...h-hindi ako ang gumawa niyon, maniwala k-ka sa akin. Alam kong hindi naging m-maganda ang pagsasama natin matapos ng pinagsamahan natin pero maniwala ka sa akin, Adelaide, hindi ko iyon magagawa sa iyo..." Wika ni Andricia.

Mapait akong natawa sa sinabi niya.

"Maniwala? Bakit ako maniniwala sa iyo kung minsan mo nang sinira ang tiwala ko sa iyo, huh?! Ni hindi ko nga alam kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi tapos maniniwala ako sa iyo?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nakapagsalita nang ilang sandali matapos kong sabihin iyon. Hahawakan niya sana ang braso ko ngunit iniwas ko iyon upang hindi niya mahawakan, inangat niya ang tingin niya sa akin at kita ko ang pagmamakaawa sa kaniyang mukha.

Galit siya sa akin noong mga nakaraang araw tapos biglang hihingi siya ng pasensya at sasabihin na magtiwala ako sa kaniya? Hindi ako mabilis makalimot sa mga nangyari noong mga nakaraan para patawarin siya agad nang basta basta.

"H-Hindi ba't noong nakaraang linggo ay sinabi ko sa iyo na may gusto akong sabihin tapos ang sabi ko ay pagkauwi mo na lang sa mansyon? Ang gusto kong sabihin sa iyo noon ay tungkol kay Kalia ngunit hindi ko agad nasabi sa iyo dahil narinig ko na nag-uusap sila ng isang babae na kasama niya na si Lyora...pinag-uusapan ka nilang dalawa." Saad niya na nagpatigil sa akin.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon