Chapter 28.2

126 6 2
                                    

Haley Cara Dale Pov

Letse! Pag kasabi non ni Kael umalis na ako don sa Garden pumunta na lang ako dito sa room walang tao makatulog na lang may mini couch dito sa room namen may aircon den. Haha napagod ako 2:30pm lang namen eh 4 ang pwede na akong umuwe.
Zzzzzzzzzz

Sundriea Pov

Yes no may Pov din pala ako kala ko wala eh. Haha By the Way Im Sundriea Rica Go half korean ako. Nag lalakad kame ni Vince papuntang room ng may narinig kameng nag uusap sa may locker ha? Parang kilala ko kung kaninong boses yon ah.

"Sundeng Lapit tayo ng onte" Lumapit naman kame ng konte ni Vince para malinaw nameng marinig siaka nag tago na din kame

"Andrea! STOP! Yes Im still Inlove with you but niloko moko!" Si Laurence yon ah? Sabi na nga ba eh walang magandang gagawen to kay Cara lalapit na sana ako sa kanila ng bigla akong pigilan ni Vince

"Wag hayaan muna naten sila" Vincent at patuloy pa din kameng nakikinig sa kanila

"Ako mahal mo diba? Gusto mo lang siya hiwalayan mo na siya"

Kapal ng babaeng to eh! Pag ako nasusot kakalbuhin ko na yan eh -_-

"Oo gusto ko siya pero matutunan ko din siyang mahalin. Sorry Andrea pero hindi ko na binabalikan ang mga taong minsan na akong niloko" Laurence

Ayon! Kung ganon! Panakip butas lang si Cara? Nako patay ka talaga sa akin Laurence

"Uhh hate you! Gagawin ko lahat bumalik ka lang sa akin. At yang Cara na yan! Humanda siya sa akin" Yabang ni Andrea eh nung nag away nga sila ni Cara wala siyang palag.

"Tara na! Hayaan na naten sila pumunta na tayo sa room" Umalis na kame don. Kaylangan malaman to ni Cara agad agad.

"Kailangan niya tong malaman" Bulong ko sa sarili ko di ko alam na napalakas pala kaya narinig ni Vince

"Wag muna! Manood muna tayo pag ganon pa din si Laurence siaka na naten sabihin kay Cara ang nalaman naten" Vince

Ha?! Manood lang?! Gago ba to?! Kaibigan ko pinag uusapan dito at kaibigan niya na din si Cara ayokong masaktan si Cara wala pa namang experience yon tungkol sa love

"Ano?! Tanga kba?! Di ko hahayaan masaktan si Cara ng dahil sa walang kwentang lalaking yan tss" naiinis ako dito kay Vince ha! -_-

"Ako din naman eh! Patagalin lang naten ng 1 month pero pag ganon pa din si Laurence at hindi nag babago sabihin na naten kay Cara" Vince tss

"Fine!" Hays
Parang hindi ko ata kayang mag panggap na walang alam pag mag problema kame si Cara lagi nakakatulong sa amen pero ngayon? Ewan ko lang.

Andito na kame sa room uupo sana ako sa Couch ng makita ko si Cara naka costume pa siyang pang white Lady nakakatawa talaga tong babaeng to eh

"Ang Ganda niya no? Kahit simple lang" sabi ko kay Vince

"Oo pero mas maganda ka :)"

What? Mas maganda daw ako kay Cara? Omoo! Feeling ko namumula na ako dito eh yiee

"Hoy kayong Dalawa PDA? Tss Ang ingay niyo nagising tuloy ako" Cara gising napala siya naalala ko na naman yung nalaman namen di niya deserve masaktan

"Namumula ka Sundeng? Kinilig ka no?" Letse to si Cara pinansin pa yung pag ka pula ng pisnge ko -_-.

"Tara na sa Cafeteria Andon sila" Yaya sa amen ni Vincent. Bumama na naman kame sumunod sa amen si Cara at nakasalubong namen si Laurence tss kapal ng muka sarap patayin eh -__-.

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon