Chapter 39

147 8 2
                                    

Monica Point of View:

Nasa School ako ngayon. hinihintay si Amer mahlabs. Hahaha ang bagal talaga kumilos non eh. Parang babae dinaig pa ako eh. Nurse nga pala Course namen ni Amer oh diba? Sabi ko sa kanya mag doctor siya para ako yung nurse niya ayaw niya madami daw librong kailangan basahin.

"May Transferee na naman sa School na to"

"Oo daw. Isang babae at isang lalake"

"Sana naman gwapo yung lalake yung kasing Gwapo nila Renzo"

"Naku Girl. Mas gwapo pa daw yon k yun ang sabi ng iba."

"Talaga? Eh yung babae kaya?"

"Naku Girl! Maganda daw kaso tomboy eh"

"Ah siguro mas maganda pa don si Andrea"

Mga chismosa tong mga to eh. Si Andrea maganda? Naku po dumi lang sa paa ko yon eh. Haha siaka wala akong pake kung gwapo yung lalaking transferee mas gwapo pa din si Amer

"Yo. Alone?" Biglang dumating tong si Johan.

"Hoy Johan layuan mo nga gf ko! Mahawa pa ng virus sayo yan eh" thanks god. Dumating na din yung prinsipe na ililigtas ako sa mukang palaka. Hahaha

"Hoy grabe ka, Wala akong Virus. Baka ikaw! Nako Monica wag kang didikit jan nag kavirus yan hindi pa nga nagaling eh wala daw lunas sa virus niya! HAHA"

"Hoy kayong dalawa jan! Nag aaway na naman kayo! Tara na Amer malalate na tayo!" Hinila ko na siya. Nakakatakot kaya yung prof namen.

"By wag kang lalapit sa mokong na yon ha?"

"Baket naman?"

Bat ayaw niya akong palapiten kay Johan eh kaibigan din naman namen yon.

"May malalang sakit yon baka mahawa ka"

HAHAHAHA kala ko naman kung ano eh.

"Nga pala By, mawawala ako ng tatlong araw! Hihiramin ko na lang notes mo ah"

"Bat ka naman mawawala?"

"Pupunta kase kameng London. Di ko alam kung baket eh. 3 days lang naman"

"Osige! 3 days lang ha? Wag kang mag papamiss ha?"

Nasanay na kase akong lagi kameng magkasama at magkausap sa phone. Halos 5 years na din kame eh!

"Syempre naman no! Saglit lang ako don By. I love you"

"I love you too"

Nakarating na kame sa room namen na parang hospital. Hahaha wala naman sigurong masama mangyayare diba? Pag balik niya naman dito kame pa rin. Ako pa rin mahal niya! Kaya papayag na ako. Saglit lang naman yung tatlong araw diba?

Renzo Point of View:

Yung mga babae talaga dito sa school nakakairita. Oo alam kong gwapo ako! Pero hindi na nila kailangang sabihin at ipagsigawan ng Ang Gwapo gwapo ko :'3 siaka anong sinasabi nilang palahi? Ulul. Si Haley lang lalahian ko -_-. Pati dito sa room tili ng tili. Mag kakaklase kase kame nila Johan Business Ad. Kinuha namen syempre mga taga pag mana ng companya eh. Si Kael? Ayun nasa Señior namen yon! Ang Tanda na eh. Hahaha

"Class! May bago kayong Kaklase! Be Nice okay?"

Itong baklang Dinosaur na to -_-. Oo kamuka siya ni barney eh

"Kyaaa! Sila naba yung transferee na lalake? Sana gwapo yon"

"Oo ata? Sana nga! Siaka yung babae eh Close ata sila nung lalake eh."

My Boyish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon