Chapter 1.

283 3 2
                                    

Chapter 1.

(Pinalitan ko ng Characters. Kasi naman, kinilig ako dun sa "Love Blossom" na MV. Sila Dasom at L/Myunsoo! Kyaaaahhh! Kilig!)

"Good Morning class! This is Mr. Jones Vargas. Your new adviser." Sabi ni Ms. Reyes.

Nag start na magsigulo at kiligin ang mga kaklase kong babae. Which is hindi ako kasama.

"Ang gwapo ni sir!"

"Oo nga! Parang binata!"

"Tingin ko binata pa lang sya eh. Feel ko, same lang tayo ng age kay sir."

"Oo nga noh! Pero bakit nagtuturo?"

"IDK! Basta! Crush ko na si sir!"

"Ihhh! Ako rin!"

"Waaaah! Hot ng name! Jones! Hihi! Tatawagin ko na lang syang Jones pag wala sya! Hihi!!!"

"Si sir na talaga! First time tong mangyari in my life! Ang magkaroon ng gwapo at maputing teacher. Ginanahan tuloy akong mag aral! Hihi! Papasok na talaga ako everyday kung ganito ka gwapo lang ang makikita ko!!!"

Sabi ng mga babae, tas Bla-bla-bla! Tss. Ang iingay!!!

Oo. Yes. True. Gwapo si sir! Maputi, matangos ang ilong, at Malakas ang appeal! Oo aaminin ko yan. Kaso, di na ako nakisabay sa mga kaechosan ng mga babae dito! Dagdag ingay pa ako dun. Pero well, hindi din naman ako maririnig. Mahina lang naman akong magsalita. (Hindi naman super mahina, mahinhin lang.)

"Quite Class!!! *sabay palo sa white board* Ang iingay niyo! Lalong lalo na kayong mga babae! Mahiya naman kayo sa bago niyong teacher. Ke bago bago lang nya, tas ito ang ipapakita niyo? Mahiya nga kayo!" Sermon ni Ms. Reyes. Haaay.. Pati tuloy ako nadamay! Tsk!

"Sorry Maam." Sabi namin kay ms. Reyes.

"Well, alam ko naman kung bakit kayo nag iingay eh. Lalo na kayong mga babae. Kasi, gwapo ang sir niyo. At oo! Binata lang ang sir niyo, at kaedad niyo lang sya! 18 years old lang sya katulad niyo. Maaga lang sya nakapagtapos ng pagaaral, kaya ngayon ay nagtatrabaho na sya. Pero, di porque kaedad niyo sya, eh di niyo na sya rerespituhin. Dapat teacher ang turing niyo sakanya. Maliwanag ba?" Paliwanag ni Ms. Reyes.

"Yes maam!" Sagot naming lahat.

"Okay. So Mr. Vargas, you can start now." Sabi ni ms. Reyes. Paalis na sana sya ng tumigil ulit sya at hinarap kami-- i mean si Sir..

"Mr. Vargas, ang gwapo mo!" Sabi niya na ikinagulat namin at tuluyan na syang umalis. Tsk! Napailing na lang ako..

Kala mo kung sino makasita eh no? Eh sya rin pala patay na patay kay Sir. Psh! Eng eng lang?

Napailing at napangisi na lang si Sir. Which is ang gwapo nga!

"So, kumpleto na ba kayo dito?" Tanong ni Sir. Ang ganda ng boses nya! Grabe! Hot!-- eh! Ano ba tong pinagsasabi ko?

"Yes sir!" Masigla naming sagot-- sila pala. Katulad nga ng sabi ko, mahinhin lang ang boses ko.

"Okay. Syempre, gusto ko muna kayong makilala, so please introduce yourselves." Sabi ni sir samin. Kaya nag introduce naman kami.. (sa upuan na kami nag introduce.)

Nang naka introduce na ang halos lahat, ako na lang ang huling hindi pa nag iintroduce, kaya naman tumayo ako sa upuan ko, at nagsalita..

"I'm, Jane Valdez." Mahinhin kong sabi. Kaya naman medyo napakunot ang noo ni sir..

"What did you say?" Tanong nya. Nako, bingi ba sya?

"Jane Valdez." Sabi ko at yumuko. Medyo nilakasan ko na yan ah. Wag nyang sabihing 'di nya narinig?

Our YOUNG teacher is a, DAD!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon