Chapter 7.

63 1 0
                                    

Chapter 7.

Jane's POV

Kakauwi ko lang galing part time. Grabe! Hindi man lang sinabi sakin ni Ches na makipagdate sya! Hmmmp!

May rules kasi kami ni Ches bilang bespren. Pag tungkol sa lovelife, halimbawa mag dedate, o pag may manliligaw ay sasabihin namin sa isa't isa. Pero ung ginawa nya, ni break nya ang rules!

Tumayo muna ako at tumingin sa kabinet na pwedeng isuot na pantulog..

Hayst! Kailangan ko nang maglaba ng damit! Unti na lang ang natitira eh.

Kinuha ko na ang mga damit ko sa lalabhan at nilagay sa washing machine.

Meron rin akong washing machine! Anong kala niyo? Di porket ako lang ang mag isa sa buhay ay wala akong mga gadgets? Meron din. Pinag ipuanan ko to.

Habang umiikot ang washing machine, pinaandar ko ang tv ko. Ahem! Flat screen ang tv ko! Haha! Kaso di ko na 'to ipon. Regalo to sakin ni Ches nung christmas. Di ko na sana tatanggapin kaso ang sabi nya..

"Sige na! Dagdag design to sa bahay mo."

Yun! Yun ang sinabi nya! DAGDAG DESIGN DAW! Grabe! Design na pala ang tv ngayon? Tinanggap ko na lang kasi sayang ang perang ginastos nya, hindi sa dahilan na 'DAGDAG DESIGN'. Tss..

Nilipat ko yung channel ng tv. Haaay. Boring ng mga palabas! Pinatay ko na lang ang tv.

Kinuha ko na lang ang laptop ko. Actually, mag th-3 years na sakin tong laptop ko. Eto yung gift sakin nila mom nung 15th birthday ko. Di ko sana tatanggapin, kaso sabi ni mom at dad, kelangan daw ngayon neto dahil if ever na may project or what, sa laptop na lang daw gagawin.

Nag youtube na lang ako at nanood ng 'EXO NEXT DOOR.' Hey! May intenet din ako. Madali lang naman ipunin ang pocket wi-fi kaya nakabili ako. And FAN ako ng EXO! Hihihi!

Habang nanonood ako, biglang nag vibrate ang phone ko. Syempre, lahat ng kabataan ngayon ay may phone. PERO, di porket ako lang ang magisa sa buhay ay yung cellphone ko ay parang chuchuguin lang, hindi ganun ang cellphone ko. Nag ipon ako at bumili ng bagong cellphone. Ung cellphone ko kasi last year ninakaw. Regalo pa naman yun nila dad. So yun nga, nung nag ipon ako, ang nakaya ng pera ko ay 'S3 mini.' Di naman sa nakikiuso ako, pero di ko naman hahayaan na magmukha akong walang pera. Ayoko naman nun.

From: Magandang Ches.

Si Ches ang naglagay ng name nya sa phone ko. Tsk tsk!

Waah~! Sorry Jae kung nakabreak ako sa rules. Masyado kasi kong naexcite kanina kaya di ko nasabi. Sorry talaga? Please?

----------------------------------

Actually, tanggap ko naman na hindi nya sinabi sakin na may date sya eh. Ang kaso nga lang, si FRANCIS na yun eh! Okay na sana kung iba yun, kaso SYA yun eh!

Ilang beses ko na syang nakita dun sa resto, kumakain. Kaso, may kasama syang babae. Papalit palit pa nga ng babae eh. 'Di ako ung nagseserve sakanila kaya siguro nagulat sya ng makita ako kanina. Nagulat din ako ng si Ches ang kasama nya kaya ako na ang nagserve.

----------------------------------

To: Magandang Ches.

Okay. Sige. Tatanggapin ko ang sorry mo. Pero sana, sa next MAGSABI KA NAMAN! LALONG LALO NA KUNG SI FRANCIS YAN! At oo nga pala! Basta bukas, damihan mo ang pera mo, UUBUSIN KO PA YAN! Di uso ang diet ngayon! :p

----------------------------------

Reply ko sakanya. Haha! Ganyan ako sakanya, inaabuso ko ang pera nya! De joke! Kasali na yun sa rules! Haha! Ganda ba ng rules namen? Well, pag naka break ang isa samin ng RULES, ang parusa ay... ang MANLIBRE! Hindi naman kami nagbibigay ng todo na parusa, Parang Bestfriend's rules lang naman eh.

Our YOUNG teacher is a, DAD!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon