Chapter 2.

167 2 0
                                    

Chapter 2.

Jane's POV

Hindi ako nag pakilala ng maayos sa first chap. Kaya, kwento ako ngayon.

Ako si Jane A. Valdez. Turning 18. 4th year HS. Scholar.

Nakatira ako sa isang Apartment. Hindi malaki. Hindi rin maliit. Tama lang para saakin.

Galing ako sa bahay ampunan. Asan mga magulang ko? Malay ko.

Bakit ako nasa ampunan? Tanong niyo sa nag dala sakin sa ampunan.

San nakuha ang pangalan ko? Sabi ng head, yan daw ang ipinangalan ng nanay ko saakin.

San nakuha ang apleyido ko? Sabi ng head, yan daw ang surname ng Tatay ko. Malay ko nga kung totoo.

Anong pangalan ng nanay't tatay ko? Ayaw sabihin sakin ng head ang pangalan ng nanay ko eh. Yung sa tatay ko, hindi nya daw alam.

Paano ako nakalabas ng bahay ampunan? Syempre! Over age na kaya ako!

De joke! ^__^ v

Ang totoo kasi, may nag ampon sa akin na mayamang pamilya. Hindi sila magka anak, kaya inampon ako.

12 years old ako nung inampon ako. Natuwa nga ako eh, kasi medyo malaki na ako nung time na yun, tas may nagampon pa saakin? Well, sabi nga nila Age doesn't matter..

Mababait sila. Halos ituri na nila akong anak talaga nila. Kaya malaki ang pasasalamat ko sakanila. Kasi kahit papaano, naramdaman ko mag karoon ng pamilya..

Ang kaso..

Nung time na nag sixteenth birthday ako. May balitang nagpasakit sa damdamin ko..

*Flashback

Gumising ako ng maaga. Masaya ako ngayon kasi, birthday kooooo!!!!

Pero medyo malungkot ako. Kasi, nasa states sila mom at dad (ung nagamapon) pero! Sabi nila pupunta sila dito ngayon sa Pilipinas, para icelebrate ang birthday ko!!!!!!

Kaya okay langgggggg!!!!!

16 na ako! 16 na ako! 16 na ako! Hindi na ako sobrang bata! Sweet 16 saakin!!!!!!

*knock knock.

"Teka lang!" Sabi ko sa kumatok.

Pagbukas ko ay agad na sumalubong saakin si Yaya Dia. Kaso ung mukha nya ay natataranta!

"Jane, sila Madame!" Sabi niya habang nagpapanic.

"Ba-bakit yaya? Anong nanyari?" Pati ako nataranta na.

"Naaksidente ang kotse nila papunta dito sa Laguna. Nahulog sa bangin!" Napatigil ako sa sinabi ni yaya.

Naaksidente..

Papunta dito sa Laguna..

Sa bangin..

"A-ano! Yaya! Nasan sila?! Asan sila?! Nasa hospital na ba?!" Tanong ko na naiiyak na.

"O-oo, ang kaso--"

"Halika na yaya! Puntahan na natin!" Sabi ko at nagtsinelas na papuntang hospital.

Wala akong pakialam kung ano ang suot ko. Basta ang mahalaga sakin, ang makaligtas sila!

Pagdating ko agad ay tinanong ko agad kung anong room sila.

Kaso ang sinabi..

"Nasa emergency room po." Tumakbo na ako papuntang emergency room.

Kaso dalawa ang emergency room, kaya pumunta na lang ako sa right side. Walang tao sa labas ng pinto eh..

Our YOUNG teacher is a, DAD!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon