Chapter 3.

108 2 1
                                    

Chapter 3.

Jane's POV

3 days after na maganda rin ang nagdaan sa mga araw..

Saturday ngayon. Day off ko sa part time. At dahil sa walang magawa, may alam akong puwedeng puntahan.

Pumunta ako ngayon sa puntod nila mom at dad. Dinalahan ko sila ng bulaklak at inilagay dun. Napaupo ako sa grass habang nakatingin sa puntod nila.

Rest in Peace.

Elira J. Santos

Nov 8. 19**-Aug 15. 20**

Rest in Peace.

Sedjohn B. Santos

Feb 17. 19**-Aug 22. 20**

August ang birthday ko. August 15. Haaay. June palang kasi ngayon eh..

"Hi mom! Dad! Kamusta na kayo? Sorry kung di ako dumalaw sainyo this past few days ahh? Andami kasing ginawa eh.

Alam niyo ba mom, dad, gustong gusto ko talaga magpasalamat sainyo, kasi tinuri niyo akong anak. Hindi niyo ako kailan man sinaktan. Kaya ang laki ng utang ng loob ko sainyo.

Gustong gusto ko nang makita si Yaya Dia. Kaso, di naman ako makapunta dun sa bahay, kasi po nandun yung masama nyong kapatid at pamangkin mom. Haaay..

Pero, medyo maayos na po ang lagay ko. Medyo nakapagadjust adjust narin po ako." Sabi ko habang nakatingin sa puntod nila.

Habang niraramdam ko ang paligid, nakita ko sa side ng mata ko na may lalaking dumalaw rin ata sa puntod ng minamahal nya. Hindi na ako nagaksayang tumingin sakanya.

Basta naramdaman ko na lang na umupo din sya kagaya ko sa harap ng puntod..

(Position.)

|mom|dad|space|puntod.(kung saan ang lalaki ay umupo.)

Dun ako sa harap ng puntod ni mom. Kaya may space distance kami ng lalaking to.

"Kamusta ka na, Jane?" Nagulat naman ako ng nagsalita ang lalaki. P-pero, ano raw? Jane?

Ako ba yun? Di na lang ako humarap, kasi baka di naman ako..

Pasikreto akong tumingin sa puntod ng lalaking dinalaw nito. Medyo nanlaki ang mata ko sa nakita kong pangalan.

Rest in Peace.

Jane D. Forteza

April 24. 19**-Aug 15. 20**

Medyo nakakapakilabot. Kapangalan ko yung girl. Tas namatay din sya ng Aug 15. Which is birthday ko.

Pero, base sa nakita kong year kung kailan pinanganak ang babae, bata lang sya nung namatay sya. Mga around, 18 sya. Ang lungkot naman. Aga nyang namatay..

"Medyo di narin pala ako nakakapunta dito. Sorry ah?" W-wait! Familiar ang boses!

Palihim akong tumingin sa katabi kong lalaki. Buti na lang at nakaharang ang bangs ko kaya di halata na titignan ko sya.

O__________________O!

S-si Sir Jones!

S-sya yung katabi ko! Grabe! Kaya pala ang lakas ng loob ko na kilala ko yung katabi ko. Sya pala!

P-pero, kaano ano nya yung girl? Kapatid? Ay impossible! Forteza ang apilyedo eh. Pinsan? Pede rin. O baka naman.....

Ay ewan! Basta! Di ako haharap sa kanya!

Our YOUNG teacher is a, DAD!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon