One

7 0 0
                                    

Madilim na ang kapaligiran, ni walang ilaw ang nakatutok sa pwesto nilang dalawa na para bang sakanila lang ang mundo, hindi umiikot at tila bigla nalang tumigil ng panandalian para lamang bigyan sila ng oras na bigyang buhay ang sandaling wala ng liwanag.

Unti unti niyang nilapit ang kanyang muka sakanya, napailag naman ang isa at biglang lumingon papalayo sakanya't tinakpan ng bahagya ang pisngi gamit ang kanyang mahabang buhok na tila'y nangenganyo sakanya.

"Bakit hindi mo ko kayang tignan?" sabi ng lalaki. Hindi siya nilingon ng babae ngunit nagsalita lamang it.

"Kase...." hindi niya alam kung papano niya itutuloy ang mga bagay na dapat niyang sabihin, pero iisa lang naman ang alam niya at ng dun sa kaalaman na yun, nsagkaron siya ng lakas ng loob para harapin siya ng paunti unti.

 NUng una'y naramadaman niyang wala ang tingin sakanya ng lalaki at ito'y nakayuko, ng pagbigla niyang mulat ng mga mata niya, para bang kinedenahan ito ng mata ng lalaking dilat na dilat at nakatutok sakanya.

 "Jacob--"

"Laureen......mahal kita." 

Napabuka ng bahagya ang bibig ng babae dahil sa di inaasahan na pagkakapasok ng mga salitang iyon sa kanyang tenga.

Mahal niya ako.

"Jacob---"

"Mahal kita, sa simula pa lang, Laureen." 

"Pero Jacob....."

"Alam kong, you feel the same Laureen, hindi mo na kaylangang itago yun."

"Jacob, hindi naman yun eh." napabuntong hininga si Laureen at pinikit ang kanyang mga mata. "Oo." then there's a pause, "I love you."

"But......"

"But......what?" binulong niya ang huling salita at tumingin sa babaeng nasa harapan niya.

"We're not just........for each other." 

"CUT!!!" sigaw ng direktor sa may bandang dulo.

Hay salamat, tapos na din after one hundred million  years... hinga sa sarili habang nagbigay ng ngiti sa mga taong nakapaligid sakanya.

"You never fail to impress me Grayson." sabi ng direketor. Kinuha nito ang kanang kamay niya at nagshake hands sila.

"Salamat po, sir." bumati si Grayson ngunit sa isip isip niya'y gusto niya na sapakin itong matabang bakla na to dahil sa pagpapagod sakanya para sa walang katorya toryang palabas na di naman niya maintindihan ang storya.

"Grabe, hindi ko inaasahan na makatrabaho ang isang tulad mo Grayson, hindi ako nagtataka kung bakit ka sumikat at nanatili pa ding sikat."

"Salamat po sir," manahimik ka na please gusto ko na umuwi.

"O papaano? gabi na masyado, bukas nalang ulit? Agahan nyo sa taping ng maaga tayong matapos, okay?"

HAy salamat, tapos ng dumada ang bakla."SIge po, babye po, maraming salamat din."

Natapos na ang taping ng 11:30 ng gabi.

WOW AH.

Normal nanaman niya na to na uwi, simula ng maging isang artista siya.

Oo, isa siyang artista. 

Si Grayson Santiago, yun ang pangalan niya. 

NI hindi naman niya pinangarap maging artista, sadyang yun lang ang hiling ng mga magulang niya kaya yun, go go nalang.

Gaya nina Daniel Padilla, humihilera si Grayson sa kasikatan neto. IN FACT, bestfriend niya pa nga si Daniel na ngayo'y kasama niya dahil nagpasundo siya.

AY BROMANCE (JOKE)

"HOY PAR, ano, tatayo ka nalang diyan? Inaantok na din kaya ako no!!!" Sigaw ni Daniel sa kabilang street at bumosina ng pagkalakas lakas na akala mo may sunog na.

"TEKA LANG HA, hindi pa pwedeng tumawid!" 

"Bobo ka ba?! Eh ni wala ngang kotseng dumadaan sira ulo talaga tong--"

"O eto na po tatawid na pa, happy? happy?"

"Tigilan mo nga yang kabaklaan mo Son at tumawid ka na inaantok na ako!!"

Yun na nga, nakasakay na siya sa kotse ng hinayupak niyang bestfriend at ng pagkasalapak palang niya doon ay nasungitan na agad siya.

"Asan ba kase kotse mo? may driver ka naman ginagawa mo kong driver kang walang hiya ka."

"Eto, akala ko ba bestfriend mo ko? wala yung kotse ko!! tinatamad akong magdrive at wala si manong kaya magdrive ka nalang pwede, dun mo ko ihatid sa condo ko."

"Wow, yes boss. magkano sweldo ko nga pala?" biro ni Daniel na may kasamang inis.

"Ulul, magmaneho ka na nga lang."

"Alam mo Son, daig mo pa syota ko eh no, yung syota ko nga gustong gusto kong ihatid pero ayaw magjeejeep nalang daw siya kase mapapagod ako, eh ikaw? Tol, umamin ka nga? nababakla ka na ba sakin?"

"Aba'y sira--"

"Crush mo ko tol?" 

"Nako Daniel tumigil ka na nga, syota ka dyan, palibasa kase umiikot ang mundo mo diyan sa mga babae."

"Hoy walang 'mga!, 'babae' lang!"

"Ewan..." umirap si Grayson sakanya at kinuha na lamang ang iphone neto.

"Palibhasa kase, wala ka pang experience."

Eh ano naman kung wala? Atleast, di ako katulad mo, manyakis." panginsulto pabalik ni Grayson kay Daniel na tinawanan lamang nito.

"Par, kumpara mo ko sayo, virgin ka pa. As in V-I-R-G-I-N, virgin. At alam mo bang masamang pangitain yun para sa lalake? ibig sabihin nun, bak--"

"Di kabaklaan ang wala pang experience, sadyang di lang ako ATAT, na katulad mo na parang bola, shoot lang ng shoot."

"Wow, kumoquotes ka par ah." tumawa ng pangasar si Daniel. Tinignan lamang siya ni Grayson ng sandali at tinaas ng kaunti ang labi't naglaro nalang ulit sa cellphone.

"Tol, 23 ka na." 

"Oh, ano naman kung 23 na ko?" pasungit na tanong ni Grayson.

"Pero hanggang ngayon, wala ka pa ding syota." 

napangisi lamang si Grayson sa sinabe ni Daniel at lumingon para tignan siya.

"KAse hindi naman minamadali yan."sabe niya, "Eto kase tol ang pinapairal," tinuro niya ang dibdib niya kung nasaan ang puso, "hindi puro kalandian."

--------------------

Hi! 

ALAM KO NAMANG LAME HUHUHU

pero winowork out ko naman, start palang to, mehehehe. :D Ewan ko kung may idea ba kayo dito sa first chap kung ano na yung story, pero wahahaha, sana suportahan nyo to! :D 

napasama pa si Daniel P. crush kase to ng kaibigan ko natripan ko lang na isama, at take note, 23 na rin siya ah, ifast forward ang panahon!! :D 

Sa mga nagbasa, maraming salamat po!

leave feedbacks guys para alam ko nasa isip niyo, wag niyo lang akong babarahin , magbabarahan tayo, joke :D

Salamat!

--Toff 

Wanted : FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon