Chapter 6

30 5 5
                                    

"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area,please try your call later."

Napabuntong hininga ako ng dahil sa paulit ulit na naririnig ang operator sa cellphone ko.
Ilang araw ko nang kino-contact si Mama pero wala kahit ni isang tawag na tinanggap. Nauubusan narin ako ng allowance for this week. Nakalimutan ba niyang may anak siyang dyosa na naghihintay sakanya!?

Hindi rin ako nag wiwithdraw sa ATM na bigay ni Daddy dahil hindi ko parin siya matanggap ang lahat.
Hayyyss, ang buhay talaga parang life.
Kakapagod din palang maging senior student. Yung mga subject niyo na ang tataas ng title. Yung tipong kakasulat mo palang ng title ay nasa number 5 na ang tanong ng guro mo. Kaka stress! Hanggang grade 12 pa, tapos College for 4 years.

Yung iniwan pa sakin ni ma'am Gaysha na tasked, pati pala yung nasa third floor na humss ay ako din ang naka assign. Kala ko yung section lang namin pero akala ko lang pala yun.

Kaya naman pala exempted ako sa video dahil dalawang section pala ang inasign sakin. Pero wala naman akong choice dahil naka oo na ako.

"Pres, baka pwede mo naman akong samahan sa third floor. Mag a-announce lang ako tungkol dun sa IWAR."nakanguso kong saad kay Black na ngayon ay tamad na nakatingin saakin. Ang sungit talaga nito pero immune na ako sa ugali niyang yan. Ang gwapo pa naman sana. Naging crush ko rin ito noon eh pero ewan ko ba,ng lumipas ang araw, linggo at buwan ay kusa namang nawala. Atraksyon lang siguro kasi alam mo naman pag may gwapo, instant crush kaagad yan.

Marami pa namang admirers dahil ang lakas daw ng dating. Yung tipong ang gentle ng itsura pero kung makapag salita ang badass at walang paki alam sa mga salitang lumalabas sa bunganga niya.

Crush din to ni Dasha pero manhid daw masyado kaya move on nalang siya. Kahit hindi naman kagandahan yung babaeng yun bawing bawi naman sa height.
Naiinggit nga ako sa height niya eh, pero buti nalang at bumawi ako to the highest level sa kagandahan.
Pak na pak ang Beauty ko mga Mare!

"Im tired,"Napa irap ako sa hangin dahil sa sinabi nito. Kalalaking tao pero parang dalagang Filipina kung maka arte. Parang si Atticus din to eh, mga kapre ata kapamilya nila.

Pero bakit nga ba nasama na naman si Atticus sa usapan!? At bakit ko sila pinag kukumpara!?

"If you wont come with me sasabihin kong may gusto ka sakin."pananakot ko dito pero inismiran lang ako ng loko.

"As if you can,"hinahamon ako ng langyang lalaking to. Tingnan natin kung uubra yang cold personality mo.

"Gosh! O mygod! Black just patted my butt—-"Napa aray ako sa lakas ng pagkakahatak niya saakin papalabas ng room. Nakita ko pang nagtataka ang mga kaklase namin pero mas napansin ko ang pagkunot ng nuo ni Dasha. Hala! Wag kang magseselos, friend.

"I just cant believe you'll say that,"ramdam ko ang inis sa bawat linyang binitawan niya pero wala akong paki alam. Siya naman yung nanghamon eh, kala niya di ko kaya pero duhhh.

"Ang arte mo kasi, kailangan pang takutin ka para samahan ako."nakangiwing saad ko dito at naunang maglakad sakanya.Hindi ko siya kayang sundan dahil masyado malalaki ang hakbang niya. Yung tipong isang hakbang ko lang ay tatlo na sakanya. Edi Sanaol biniyayaan ng matataas na binti.

"That's not a threat anymore—"
Humarap ako dito at pina-meywangan ko siya kaya kusa itong Napahinto sa paglalakad at pagsasalita. Daming satsat nito, kala ko ba tahimik to?

"Shhh ka lang okay?May klase pa yung nadadaanan natin baka mapagalitan tayo sa ingay mo. Mamaya kana magreklamo,izip mo muna yang mouth mo."nilapitan ko pa siya para kunwaring izinip ang Labi niya. Napa kurap kurap pa ito sa harapan ko at marahang hinawakan ang labi niyang hinawakan ko.

First Love Never Dies (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon