Chapter 4

36 4 5
                                    

I love eating pero this time parang Ayaw kong pumunta sa canteen.
Kinakabahan ako kay Atticus pero binigyan ko naman siya ng peace offering eh.Yung HI-HO.

"15 minutes lang break time natin,Anastasia. Ano pang tinutunganga mo diyan?"napairap ako kay Dasha dahil masyado itong paepal.

"Wala akong gana kumain."maikling saad ko dito At humikab pa.

"Luhhh!Himala yun,May sakit ka ba?"napalayo ako sakanya ng kinapa niya ang leeg ko. Masyado namang oa tong babae na to.

"Porket Wala akong gana May sakit agad?Di ba pwedeng busog lang ako!?"nakangiwing saad ko sakanya pero naitikom ko ang bibig ko ng biglang kumalam ang tiyan ko.

Narinig ko pa ang mahinang halakhak niya sa tabi ko.

"Busog pala auh, baka naman May pinagtataguan ka?"umiwas ako ng tingin dito dahil natumpak niya ang dahilan ko.

"B-bilhan mo nalang ako ng food,Mare."mahinang saad mo dito saka binigay sakanya ang isang daan.

Sinamaan ko siya ng tingin ng hindi nito kinuha ang perang inabot ko sakanya.Duhh!Nangangalay din kamay ko no.

"Say please muna."Nang aasar na wika nito kaya hindi ko mapigilang hilahin ang buhok niya.

"Ang dami mong dada!Pwede naman akong magpabili sa iba."bulyaw ko dito pero tinawanan lang ako ng loka.

"Akin na nga, Di ka naman mabiro eh. Ano bang ipapabili mo?"Nakangusong saad niya saka marahang inayos ang buhok niyang hinila ko.
Hindi naman kaanong kalakas yun saka Sanay na kami sa sakitang dalawa kaya no hard feelings.

"Dalawang order ng leche flan sakin."saad ko dito kaya tumango naman ito saakin saka ako tinalikuran.

Ayyy!Dapat tipid pala ako ngayon kasi Wala si Mama. Pag nagburara ako ay malamang Wala na akong allowance sa susunod na araw.

Mabilis kong hinabol si Dasha na ngayon ay pababa na ng hagdan.

"Wait lang, Mare!"napa sigaw ako dahil Medyo malayo pa siya sa pwesto ko. Halos maglumpasay ako sa tuwa ng nilingon niya ako.

"A-ano nalang pala,d-dalawang fish cracker sakin."hinihingal kung saad dito At marahang napahawak sa railings ng hagdan.

"That's not good for the health."nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pamilyar ng boses nito.
Dahan dahan naman akong napalingon sa likod ko.

"D-diet ako kapre eh, paki mo ba!?"pagmamaldita ko dito pero nagawa ko pang mautal dahil sa presensya niya.

"Easy, I'm just concern about your health. You should eat this."he said with a smile on his lips. Napakurap pa ako sa gulat ng hinawakan nito ang kamay ko saka nilagay doon ang isang baunan.

Tulala ko lang pinagmasdan si Atticus na bumababa na ngayon sa hagdan.Napahawak pa ako sa bandang dibdib ko dahil parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

"Wow! Pbb teens! Anong ganap yun!? Pwedeng ishare mo naman yang buhok mo? Ang haba kasi eh. Itabi natin yung hair mo baka maapakan ng iba."biro ni Dasha at kunwaring pinoprotektahan ang buhok ko sa pamamagitan ng pagsipa sa gilid ng hallway.

"Wala kana dun, akin na nga lang yang pera ko."padabog kong kinuha ang pera ko sa kamay niya saka siya tinalikuran.

Pero Napangiwi ako ng May humila ng buhok ko sa likuran.

"Haba ng hair! Nag rejoice ka ba ghorl!?"nanggigil ko itong hinampas pero nakailang ito At tumakbo pababa ng hagdan.

Masyadong insecure talaga ang babaitang yun.

Hindi ko pinansin ang mga matang nakatuon saakin. Sanay naman na ako dahil alam kong maganda ako.
Pagbigyan na natin Kahit sa pagsilay nalang sa mukha ko Para ma perfect nila yung quizzes.

First Love Never Dies (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon