Chapter 2

44 4 1
                                    

Bangag akong pumasok sa kwarto At pasalampak na nahiga sa kama.
Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga. Napahiya naman ako sa crush ko :(

Ang lakas lakas ng loob mong magsalita sakanya na ikaw lang mag isa, pero pag nasa harapan mo na biglang nganga ka.

Tamad kong hinubad ang sapatos ko At tumihaya ulit. Ayaw kong kumain,busog na ako kay Atticus.
Atticus lang sakalam mga, Mare.

Ayaw ko narin mag half bath, bukas nalang ako maliligo para hindi aksaya sa tubig. Gusto ko na talagang matulog. Pero hindi ako makatulog. Ano daw!?
Yung tipong Gusto ng pumikit ng mga mata mo pero gising na Gising yung diwa mo?
Yan yung nararamdaman ko ngayon.

Bahala na si batman.
Pinikit ko na ang mga mata ko saka nanalangin na makatulog ako kaagad.

Welcome back my childhood crushycake my first love...

————-

"Gising na!Aba, anong oras na Anastasia!?"nagising ang diwa ko sa lakas ng bunganga ni Mama.
Nahilamos ko ang palad sa mukha ko.Shheezzz bitin masyado ang tulog.

"Pwedeng 5 minutes pa,Ma?"wika ko dito sabay talukbong ng kumot. Akmang pipikit na ulit ako ng hilahin nito ang kumot ko.

"Kwento mo sa pagong Anastasia, maligo kana. Tingnan mo hindi kapa nakapag bihis ng damit mo galing sa school."aga agang panenermon na naman nito. Lugo lugo akong pumasok sa banyo saka kinuha ang tuwalya ko.
Bunganga talaga ni Mama every morning laging rumaratatat.

Shezzz ang lamig ng tubig. Nanginginig kong binuksan ang shower saka tumapat dito.

"Ahhhhhh!Sheezzz ang lamig lamig!"hindi ko mapigilang mapasigaw, ang lamig naman kasi masyado. May narinig ako yabag na nagmamadali papunta sa pwesto ko.

"Nas,anong nangyayari sayo diyan?Okay ka lang ba?"bakas sa boses nito ang pag aalala kaya bahagya kong binuksan ang pintuan saka siya tinunghayan.

"Ma,ang lamig lamig naman tubig.Pwedeng bukas nalang ako maliligo—"
Napangiwi ako ng hampasin niya ng walis ang ulo ko. Hindi naman kaagano kalakas pero nasaktan yung feelings ko,charrr.

"Umayos ka,Anastasia. Para kang elementary sa pinaggagawa mo. Bilisan mo na diyan At inaayos ko na yung baon mong pagkain."napanguso ako sa sinabi niya.Ang sweet ng Mama ko pero brutal naman talaga.

"Ang plastik mo sa part na yan, Ma."Walang preno kong saad saka siya pinagsarhan ng pintuan dahil nakita kong dinampot niya naman ang walis niya.

Kahit nilalamig ay Pinagpatuloy ko na ang paliligo ko. Once in a lifetime lang ako paghandaan ng baon ni Mama. Tapos sabi niya Para daw akong elementary, eh siya nga nagpapabaon pa sakin. Parang hindi ako SHS sa mga pinaggagawa niya pero I find it very cute, paniguradong pasado ako palagi pag ganyan si Mama eh.

Ng matapos akong maligo ay nagpalit kaagad ako ng damit.
Pero halos magwala ako ng makita ang araw ngayon.
Langyang buhay naman to oh!
It's Saturday at Alas kwarto ng madaling araw!Walang pasok ngayon!

Nagdradrama akong lumabas ng kwarto ng makapag bihis.
Nakita ko naman kaagad si Mama na nagkakape. Bat ang ganda niya Kahit haggard siya!?Sanaol nalang talaga. She's just 36 years old while me is 17 years of age. Si Daddy naman 39 ang babagets pa ng parents ko.

"Bakit hindi kapa naka bihis?"bakas sa mukha nito ang pagtataka. Busangot ko naman siyang tiningnan saka inirapan.
Tinanong pa talaga!?

"Walang pasok Ma, masyado kang excited kaya yan tuloy naka ligo ako ng alas kwatro ng madaling araw."Walang ka abog abog kong saad dito At kinuha ang gatas na tinimpla niya. Hindi ako nagkakape kasi nakaka pandak daw yan. Pero langya Di naman ako nagkakape noong bata pa ako pero hindi naman ako tumangkad.

First Love Never Dies (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon