Chapter 9

24 5 5
                                    

Tila nasa sementeryo kami ni Dasha sa tahimik naming dalawa.
Alas kwatro na ng hapon at habang nag aayos ako ng gamit para sana madaanan ko muna si Black sa clinic, saka naman niya ako nilapitan.

"Dating gawi,"saad nito at nauna ng lumabas ng classroom.
Alam ko naman na kaagad kung saan ang ibig niyang sabihin.

At yun ay nasa likod na bahagi ng paaralan. Dati naming naging tambayan pero nang tumuntong sa SHS ay hindi na kami Napa punta pa man doon.

"May relasyon ba kayong dalawa?"napalingon ako dito dahil masyado itong straight forward.
Tama nga ako, nagkamali sila ng intindi sa pagsasama namin ni Black.

Tumuon ang atensyon ko sa makulimlim na langit. Tiyak na uulan ng malakas dahil wala na ang araw at natatabunan ng ulap.

"Were not, and we will never be."seryusong usal ko dito at muling binalik sakanya ang tingin ko. Nakita kong napakunot pa ang nuo nito dahil sa sinagot.

"P-pero lagi kayong magkasama, at m-maraming kumakalat na balitang magkasama daw kayo sa liblib na parte ng gym na kayong dalawa lang."bakas sa boses nito ang panginginig dahil parang siya ay naguguluhan din.

I cant blame her, she's been inlove with Black for more than 5 years. First year palang ay lagi na itong naka abang sa mga ginagawa at laging sinusundan. Yung tipong die hard fan siya. Akala ko nga naka move on na siya pero sa pinapakita niya ngayon ay tiyak na hindi parin natatapos ang kahibangan niya kay Black.

"Hindi ako magsisinungaling dun sa part na magkasama kami. Pero tinutulungan niya lang ako. Alam mong hindi ako nakapag take ng exam no'ng first subject natin diba? Sakanya ako humingi ng tulong para dun. Pero iba ata ang balitang kumalat."ramdam ko ang paninigas niya sa tabi ko.

"D-Don't you trust me? Sa tingin mo ba ay kaya kong makipag relasyon sa taong matagal mo nang gusto? Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin?"
ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sama ng loob, aaminin ko, medyo masakit sa part na pinag iisipan niya ako nang ganitong bagay. Hindi nga ba ako katiwa-tiwala? Magkaka siraan kami sa Iisang lalaki. Hindi ko akalaing masisira kami ng dahil lang sa isang lalaki, thats insane!

"May tiwala ako sayo, pero kasi may gusto ata siya sayo. "Napanguso ako sa sinabi niya. Ang supladong yun? magkaka gusto sakin!?The heck!
Inilingan ko siya dahil parang tinitrip niya lang ako.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Naglolokohan ba tayong dalawa dito? Akala mo lang yun pero ang totoo ay ilag din saakin yun."seryusong saad ko dito at iniwas ang tingin sa mata niyang naka masid sakin.

"You think so? Paano mo malalaman kung nasa iba naman ang antensyon mo!? Paano mo makikita!? Ang tindi mo!? Ikaw ang ginusto kahit wala ka namang ginagawa.A-Ako yung laging nagpapansin,pero bakit ikaw ang nagustuhan!"natulala ako sa bigla niyang pag taas ng boses. Hindi ko alam ang sasabihin dahil nakikita kong sobra siyang nabobodered saakin.Pero pano naman ang rason ko?
Itatakwil niya talaga ako dahil doon? Alam kong sobra siyang nasasaktan pero hindi naman tama yun sa part ko.

"W-Wala akong alam sa sinasabi mo Dasha, ang alam ko lang sa sarili ko ay kaibigan ko lang siya. Alam mo namang may gusto akong iba pero bakit mo paring pinipilit na may gusto sakin yung tao? Nababaliw kana para maramdaman yan sa kaibigan mo. I really cant believe na mapag sasalitaan mo ako ng ganyan.Walang patutunguhan tong usapan nato,mag usap nalang tayo pag pareho na tayong hindi mainit ang ulo."ako na mismo ang pumigil sa init ng pinag uusapan namin.Tanging galit lang ang namumutawi sakanya kaya walang patutunguhan ang pinag uusapan naming dalawa.

"Na-iinggit ako sayo alam mo ba yun?Lahat nalang nasa sayo na, ang atensyon, maliit ka nga pero mas maganda ka. I really hate the fact that im just an outcast everytime na nandyan ka. Ano bang meron sayo na wala ako!? Naiinggit ako dahil lagi ikaw ang bukang bibig ng mga kaklase natin.Yung taong matagal ko nang pinapangarap ay nagkakagusto sayo na wala ka namang ginagawa. I don't want to be your friend anymore! I hate you so much."lahat ng hinanakit niya ay ramdam ko pero bakit nasasaktan ako!? Hindi ko akalaing yan ang naiisip niya saakin. Ang akala ko ay tanging siya lang ang makaka intindi saakin. Pero nagkamali ako.

First Love Never Dies (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon