104

2.8K 58 10
                                    

#BSTFwp

Papa
Nov 28, 4:32 pm

Mason:
Girlfriend ko, Pa :)
Mason sent an attachment.

Papa:
Ganda
Umayos ka anak, ha

Mason liked this message.

Papa
Dec 13, 1:05 pm

Papa:
Anak

3:53 pm

Mason:
Po?

Papa:
Sagutin mo naman mama mo

Mason:
Pa, wala na akong sasabihin sa kanya
Mahirap makipagusap sa taong ayaw umintindi

Papa:
Pakinggan mo lang mama mo, sige na

Masakit siya magsalita pero alam mo namang mahal ka no'n. Magkaiba ang generasyon mo sa amin. Ganyan kasi nakasanayan namin sa magulang namin noon.

Intindihin mo na

Mason:
Ilang taon na po akong umiinti, Pa
Nakakapagod din po

Papa:
Naiintindihan naman kita
Pero kasi ang Mama mo
Kailangan ka rin niya, anak.

Mason:
Paano 'yung panahong kinailangan ko rin siya? Kailangan ko ng nanay pero parang isang coach na naman binigay sa'kin

Alam ko naman kung anong nangyari sa kanya, Pa
Naiintindihan ko, ilang taon ko namang binigay 'yung gusto niya diba? Kaso hanggang dito lang po ako

Mama went through hell when she lost her legs to an accident. Alam kong Olympian na dapat siya no'n pero naging amputee siya. Alam kong hirap na hirap siyang tanggapin na nawala 'yon sa kanya kaya ganito tutok na tutok siya sa'kin.

Pero hindi ko na kaya. Pagod na po ako. Kaya rin umalis si kuya dahil sakal na sakal na siya.

Hindi ko po responsibilidad na ituloy 'yong naudlot niyang pangarap. I'm not happy.

Papa:
Please, kahit umuwi ka lang
Ayokong mawalan ng isa pang anak
Ang kuya mo nag-abroad at hindi na umuwi, ikaw nalang nandito sa amin mawawala ka pa?

Mason:
Alam niyo po ba kung anong sinabi ni Mama?

She said I was the biggest disappointment of her life. Her biggest failure. Bakit ko pa ipagsisiksikan sarili ko?

Hanggang kailan ko ipagpapaliban sarili ko para intindihin 'yong gusto niya?

Papa:
Hindi naman niya talaga iniisip 'yon
Sorry, anak

Mason:
Pero nasabi niya.

Papa:
Sige na anak, umuwi ka na...
Magpapasko naman

Mason:
Pag-iisipan ko po
Pero sa ngayon, hindi ko talaga mapapangako

Papa:
Anak...

Mason:
I'm sorry, Pa.



━━━━━━━━━━━

<3

Big Shoes To Fill (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon