"Wheew! Wala na bang katapusang pagsusulat ang gagawin ko?.. daming lectures. Nakakatamaaaad! Isang bwan palang naman ang nakakalipas simula ng mag start ang school year ah. Bakit ganito katambak na ang mga lectures?! Ay! Nako naman! Pahirap talaga mga teachers na to minsan!." Napapakamot nalang ako ng ulo habang nag mamaktol sa isip isip ko. Nandito ako sa library para kopyahin ang mga lectures na hindi ko inabutan.
Nakakabagooot! Ang tahi-tahimik dito wala manlang makausap! Jeez! dalawa lang kasi kami ng librarian dito. And guess what?. dinaig niya pa ang pipi sa sobrang tahimik!. Tch. Bagay talaga sakanyang maging librarian. Sarap niyang tapalan ng malaking KEEP SILENCE! sa muka! Ay! Tinatamad nako! Makatulog na nga lang...
Zzz....
---------
"Wahahahaha! Grabe brad naglalaway pa siya!. Wala talagang delikadesa tong taong to!"
"Oo nga brad, shheeeet! Parang hindi galing sa ibang bansa pre! Hahahahahaha!"
"Walang hiya talaga tong taong to!"
"Batugan pa brad! Hahahaha!"
Nagising ako sa ingay ng mga naguusap at nagtatawanang tao!. Pag ganito pa namang naiistorbo pagtulog ko nangangain ako ng tao. Handa na akong sigawan kung sino man yung mga balugang istorbo ng mamulatan ko sina Chard at Jan na nagtatawanan habang nakaupo sa harapan ko.
Nagtaka tuloy ako ng bongga! Ako ba ang pinatatawanan nila?. "Ako ba pinagtatawanan niyo?" Pag bibigay boses ko sa tanong sa isip ko. Alam ko na mga ka-abnuyan ng mga yan.
Nag poker face sila bago sabay sumagot na "malamang!? Sino paba saating tatlo ang natutulog sa library ng naglalaway? Hahahahaha!" Sarkastikong sagot nila na sinabayan pa nila ng tawa.
Napahawak tuloy ako sa gild ng labi ko.. "wala naman ah!" mabilis na sagot ko pagkatapos kong punasan ang gilid ng labi ko at walang maramdamang laway doon.
"Haha sino bang may sabing maniwala ka?! Lol!" Pambabara sakin ni Jan. Minsan iniisip ko kung tama ba ang naging desisyon ko na kaibiganin ang dalawang ito! Dahil sa totoo lang sobrang lala nang sapak nila sa utak! Pero at the end of the day palagi ding nasasagot ang tanong ko and yeah! Tama ako kahit ganyan silang baliw. Kino-kompleto naman nila ang part na nawawala sa buhay ko.. tss.
"Hoy! Natulala kana jan?. Mag kwento ka naman!" Pag agaw ni Chard ng pansin ko. Buti nalang kami lang ang nandito sa library at pwedeng pwede kaming magingay. Iniwan daw samin ni ma'am yung library kase may assembly meeting daw ata sila.
"Anong gusto mong ikwento ko?"
"Lahat! Tulad nang kung kamusta ka na!. So, how's Italy ha?" Tanong naman ni Jan na pinataas baba pa ang kilay.
Binigyan ko siya ng bored look. "Still Italy?" Sarkastikong sagot ko.
"Iihhhh! Seryoso na kase! Dali dali hahaha naeexcite na kami! so, madami bang papable doon?!" Excited na sagot nila kaya napailing nalang ako. They really are my best friends.
"Ayun kung kamusta na ako. Alam niyo na ang sagot.. ganun parin sarap parin ng life hehe! Still masama ako kaya hindi pa ako kinukuha ni Lord hahaha!" Pag kwe-kwento ko sakanila.
Binatukan naman ako ni Chard bago ako sinermunan. "Gaga!. Mabait ka naman kaso nagkasala ka lang ng magkagusto ka kay Kris, kaya nireject ka ni San Pedro. noong nagmeet kayo sa gitna ng mundo ng mga buhay at patay, nang mag agaw buhay ka!"
"Wag na wag mo na ulit uulitin yun! Dahil lang nireject ka ni Kris, nag flyaway na sa heaven ang utak mo. Pati ba naman kaluluwa gusto mong isama?! Ayan nireject ka din ni S.P.! O edi na double kill ka! Hahaha!" Dagdag naman ni Jan. Haist! Talagang kailangan talagang ipaalala pa ang katangahan ko noon?! Seryoso...