Log Book ♡ 4

24 1 0
                                    

Parehas kaming natigilan ng mag tama ang aming mga mata.

"Ivanna?!/ I-ivan?!" Sabay naming bigkas ng hindi makapaniwala!.

Bigla namang nawala lahat ng kaba ko at napalitan ng inis nang marinig ko ang itinawag niya saakin.

"Seriously? IVANNA parin?. Vanna lang Ivan, VANNA!" Pagtatama ko sa pangalan ko at diniinan pa ang vanna para maintindihan niyang 'yon ang gusto kong itawag niya sakin.

"Hey! How are you? Kelan kapa nakauwi?" Tanong nya sakin not acknowledging my whining about the way he addressed me.

Tinignan ko lang sya bago sinagot. "Almost a month na."

"Seriously?! Bakit hindi ko alam to?" Takang tanong nya, seryoso ba itong taong to? Hindi manlang nya nabalitaan na nakauwi na ako?! Sa dami ng mga chismoso at chismosa dito sa school wala manlang nakapag report sakanya? Saang planeta ba naglalakbay to?...

"Seryoso ka din Ivan?. Saang planeta kaba tumambay netong mga nakaraang araw at clueless ka sa paguwi ko?" Na a-amaze na tanong ko.

"My bad. I was very busy these past few days. Masyadong madaming ginagawa sa S.C. so kamusta kana? Hindi mo pa ako sinasagot nung tinanong kita kanina."

"I'm doing great. Except the fact na busy din ako, ang dami kong hinahabol na requirements and such. Sometimes Teachers are some pain in the A$#." Reklamo ko sakanya. "biruin mo yun isang buwan palang nakakalipas andami na agad notes at kung ano anong lesson ang kailangan habulin. Nakakatamad kaya...lalo na di ko maasahan yung mga lectures ni chard isa ding bagtaw bagtaw ang lectures nun. Si Jan naman walang lecture 'galawang secretary'  hay! Ano ba yan..." dagdag ko pa bago ko kinuha yung tubig na inaabot nya sakin at uminom doon. "Thanks!" Pasasalamat ko bago inangat konti yung bottled water.

Napapailing niya akong tinignan habang nangingiti. "Kaya mo yan, sisiw lang sayo yan! dati nga mas advance kapa sa mga lesson kesa sa teacher e. So cheer up! di uso tamad diba?" Naupo sya sa armchair dalawang upuan ang layo saakin.

"Noon yun hindi na ngayon." Sagot ko sakanya.

"Sus! Ikaw pa? Kulang lang sa inspiration yan kaya ka nagkakaganyan. Teka, nagkita naba kayo ni Kris? Tagal kanang hinihintay nun ah!"

*cough* *cough*

Wala na atang mas sasakit pa kapag nilabasan ka ng tubig sa ilong dahil sa pagka samid.  "Ano ba?! May balak kabang patayin ako?! Ang sakit ha." Walang hiyang lalaki to! Kita nang umiinom yung tao bigla biglang babanat ng ganun! Lumabas tuloy yung tubig sa ilong ko.

"Aha! So nagkita na nga kayo? So, how was it? Did you patched things up?" Excited na tanong nya sakin habang pinupunasan ang ilong ko ng panyo nya dahil agad nya naman akong dinaluhan.' Infairnes dito kay Ivan mabango! Hindi dugyutin. Haha!'

"Wala bokya! Paasa talaga yun! Nginitian lang ako tapos wala na. Akala ko pa naman magbabati na kami hindi pa pala. Tinakam lang nya ako sa ngiti nya! Ginutom tuloy ako!" pag ke-kwento ko sakanya."anong tinitingin-tingin mo jan? At talagang pangiti-ngiti kapa? Muntanga lang Ivan!."

Trip netong lalaking to?...

"Wala lang, ako nalang ngingiti sayo. Hindi kita tatakim bubusugin kita promise haha!"

Hano daw?! Jusko! Mabubuang ako ng di oras sa lalaking to. Kahit saan anggulo ko pakinggan iba sa pandinig ko. "E kung sapatusin kaya kita ng makita mo?" Pananakot ko sakanya sabay amba ng sapatos ko.

"Hahaha I was just kidding. Here, have some." Tumatawa niyang inabot sakin ang isang Tupper ware na galing sa bag nya.

"Ano to? Puto?" Tanong ko habang binubuksan yung inabot nyang tupper ware, na tinanguan naman nya.

"Puto-pao to be exact."

"You made this?." Infairnes mabango natatakam tuloy ako...

"Yeah..."

"Masarap sya! Marunong ka palang magluto?" Nakakatuwa naman ngayon lang ako nakaencounter ng lalaking masarap magluto except kay daddy at kuya... may itinatago din palang galing itong si Ivan.

"You see, there's a saying that... 'a man's way to a woman's heart is from her stomach'. kaya nag aral ako mag luto. Swerte ng magiging girlfriend ko no?" Proud na sabi nya. Adik to! Kung ano ano sinasabi. Dibale na nga masarap naman yung Puto-pao, Pagbigyan...

"Mali ka naman! 'A man's way to a woman's heart is from her esophagus!' Sobra kana kung sa stomach! Lampas kana sa destination." Pagtatama ko sakanya.

"what? Where did that came from?" Amazed nyang tanong saakin. "Aray!" Daing nya dahil kinurot ko yung kamay nya nung binalak nyang kumuha ng isang Puto-pao.

"You see, pag sa stomach ka dumaan banyo na ang labas mo... ang heart ay katapat ng esophagus kaya hanggang esophagus kalang, Para swak! Tsaka tamang tama lang yun lalo na sa mga babaeng nagdadiet na pabebe. Yung mga kinakain nila hindi pa ata lalampas sa lalamunan ko sa sobrang kaunti." Mahabang litanya ko bago sya sinubuan ng Puto-pao, he thanked me after then.

"You're weird, yet so special. You never changed Ivanna, not a bit. Please do stay like this forever haha!"

Weird tapos special? Ano tingin sakin neto? Gifted child?... nginitian ko nalang sya na ginantihan din naman nya ng ngiti...

"Tumigil na yung ulan, let's go home?" Pagaaya nya sakin after awhile.

"Nah! Kasabay kong uuwi si Jan. Thanks sa offer and sa food by the way." Pagpapasalamat ko sakanya.

"It's a pleasure." At sabay na kaming lumabas ng lumang building. "Wag kanang matakot sa kulog ha! Isipin mo nalang yung Puto-pao ko mawawala yung takot mo."

"Haha! I will kahit mejo baliw ka! Bye Ivan!"

"Bye Ivanna! See you around"

And with that we waved our goodbye...

Hay!...

Ivan Lorence Castillo a picture perfect for a prince charming. Perfect Boyfriend material, Sayang...  you're too good hindi kailanman babagay ang isang tulad ko sa isang tulad mo. Tsk! Tsk!...

~~~
Yown! After a decade nakapag update din hahaha hannatot buhay na ulit si vanna :) another lame update yeah!..

Ivan Lorence Castillo on the multimedia. .. hope you like him...

-Mansanas na LEEA :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Log book ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon