Log Book ♡ 1

80 4 0
                                    

Nandito nanaman ako sa school habang naglalakad at nagwo-wonder kung saan ang magiging classroom ko. Ang sabi kase saakin sa registrar last week ay sa St. Claire ako mapupunta. Nang makasalubong ko ang dati kong classmate na si Judy.

"Van?! Ikaw na ba yan?." Gulat na gulat na tanong niya nang mapahinto siya sa harap ko, with matching hawak sa braso ko yan.

"Hindi, hindi. Ego ko lang to na tinubuan ng mukha at katawan!. Kaya wag mo kong subukang kausapin, dahil hinding hindi kita sasagutin!." Poker face kong sagot sakanya. Nakakainsulto e! Nakikita na ngang ako. Naisigaw pa pangalan ko tapos. Itatanong kung ako daw ba ito?!. Tss!

"Ow! Em! Gie! Ikaw nga!.. namiss kita girl! Kamusta kana?. Nag kita naba kayo nila Chard at Jan?" Masiglang sigaw tanong niya na may kasama namang yakap. Mejo nailang tuloy ako dahil nakakahakot na kami ng atensyon.

"Nakita mo na bang kasama ko sila?. Hindi pa diba? Means hindi pa nila ako nakikita! Ikaw ang kaunaunahan. Haha namiss din kitang bruha ka!" Pamimilosopo ko sakanya nag pout lang naman siya. Kadiri tong babaeng to! Kelan pa natutong maging girly?! Sa pagkakatanda ko bago ako umalis boyish to katulad ko! Haha.

Luminga linga na ako sa paligid sa paghahanap ng aking classroom habang naka abrisiete siya sakin at kine-kwentuhan ako ng kung ano ano. "Ano bang hinahanap mo?. Yung classroom mo ba?" Sawakas ay nahalata din niya.!

"Oo e. Saint Claire daw ako sabi sa registrar. Ang problema hindi ko kabisado dito sa highschool department, kaya hindi ko alam kung saan ang classroom ko." Mahabang paliwanag ko sakanya. Nginitian naman niya ako saka sinabing "madali lang yan bru! Tabi tayo ng classroom sabay na tayo!" At hinila na ako papunta classroom namin ng bigla siyang tumigil at tinawag ang isang taong hindi ko inaakalang makakaharap ko kaagad!.

"Hey! Kris, sandali lang!. Nasaan na yung notebook ko sa filipino? Daliii! May quiz kami ngayon." Pag harang ni judy kay Kris! Kris Yuan De Vera. Ang aking first and forever crush!. Siya ang Ex-bestfriend ko, hindi na kase niya ako kinausap simula ng malaman niyang crush ko siya.

Nagulat ako ng tumingin siya saakin. Biglang kumabog ang dibdib ko! Eto nanaman o!. "Jusko! Matagal na kitang hindi nakita.. hindi ba pwedeng mawala na tong kabang nararamdaman ko sa twing nakikita kita?!" Reklamo ko sa isip ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Excuse me bru! Punta nako sa classroom ko. Maya nalang tayo mag kwentuhan." Nagmamadaling paalam ko kay judy saka nilagpasa silang dalawa. Naguluhan pa si judy for a moment pero nagets din niya after that. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman nilang lahat na may gusto ako kay Yuan at alam din nila kung paano niya ako nireject. Dahil sa harap mismo ng lahat niya isinampal saakin ang rejection niya noon.

Whooh! Nakahinga din ng maluwag. Bakit ba kase sa dami dami ng makakasalubong siya pa! Tss. Muntik nako dun ah! *sigh*

--------

"Good morning everyone, ako nga pala ang nag iisang anghel sa kabaitan, dyosa ng kagandahan at reyna ng kasipagan!. Vanna Gandara Agular. 13 years old at transfer student from Liceo Carracci Italia. Pero syempre lahat ng sinabi ko ay pawang kabaliktaran lamang! Nice meeting you! Sana maging friends tayo!" Masiglang pakilala ko sa mga bago kong classmates.

Tawang tawa naman sila Jan at Chard sa dulong upuan kung saan katabi ko sila. "Ayos ka talaga Van! Kaya yan ang namiss ko sayo e!" Komento ni Jan or Janella saka nakipag apir sakin.

"Hanep talaga pag ikaw na ang nagbuhat ng sofa brad! Walang nakaka hadlang hands down na talaga ako sayo Van hahahaha!" Mapatiran litid naman na tawa ni Chard or Chardine saka nakipag fist to fist naman sakin.

"Alam ko naman namiss niyo ako! Pero wag niyo naman masyadong ipahalata!. Ang ko-corny niyo mga brad hahaha!" Dagdag ko naman sa sinabi nilang dalawa bago naupo sa upuan sa gitna nila. Wala e kumpleto nanaman ang tropang BRADers!

Na gugulo sa buhay niyo! Haha napailing nalang ang teacher samin. Natigilan naman ako ulit nang makita ko ang taong dumaan sa hallway. Isa pang taong malaki ang parte sa nakaraan ko.

Argh! First day palang to mga dude! Wag niyo muna akong guluhin kahit ngayon lang please tch!

----

a/n: hello there hehe! Andito nanaman ako nang gugulo ano ba yan. Sana po magustuhan niyo ang kwento ni Vanna.

This story is based on true to life kilig experience ng aking precious someone at gorgeous one hehe!

Kaya sa lahat po ng nakakakilala saakin kilala din po kung sino ang tunay na vanna at kanyang leading man hehe! Lalo kana ate Libera rae at ang iyong kapatid haha! Bakit kase pinilit niyoko e huhu! Wag moko awayin pag di nito kinaya expectations mo ah! Hehe joke! love you ate :*

Thank you po sa lahat ng nagbasa at magbabasa palang :) enjoy reading guys&gals!

Kris Yuan De Vera on the multimedia :).

--mansanas na LEEA ♡

Log book ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon