Way Back Into Love

8.2K 58 10
                                    

Way Back Into Love

Prologue


"Ang ganda naman niyang tinutugtog mo." sabat niya sa lalaking nakasuot ng puti habang tumutugtog ito ng piano.




Umanagat ang ulo ng lalaking kanyang tinutukoy. And the guy flashed his killer smile. Yung tipong lahat ng babae o pusong babae na makakakita noon eh panghihinaan ng tuhod at kakabog ang dibdib. Sa tantiya niya ay nasa gulang 25 ito. Ang kabataan at kakisigan nito ay hindi maitatago sa kung anong kundisyon meron ang lalaking kaharap niya.



After that smile was a sudden shift of mood. Hindi na ulit ito nagsalita ngunit mababakas mo sa mga mata nito ang kalungkutang pumuno sa malamlam nitong mata. Humakbang siya papalapit dito para mas mapagmasdan pa ang mukha nito. Nakatitig lang ito sa kanya. When he first me the guy eh talagang natakot siya. There is something on the way he looks, the way he stared to be exact. Para siyang may hinahanap sa katauhan ko na matagal na niyang pinananabikan. But now, everytime he does that is something ordinary. Sa di niya malamang dahilan ay gusto niyang magpaubaya. Ito ay sapagkat sa bawat araw na magkakasama sila ay napagdudugtong niya ang kwentong kahit sino ay hindi maniniwala.



Nagsimula ito sa simpleng pagbanggit niya ng Eyeliner. Hanggang sa tinawag siyang "Moks". Hanggang sa iisang salita ay unti-unti nagkakaroon ng kahulugan, sa bawat salitang nabubuong pangungusap at sa bawat pangungusap na bumubuo ng isang kwento. At ayaw niya mang magkaroon ng interes ay nakita na lang niya ang sarili niya na matamang nakikinig sa bawat sasabihin ng misteryosong lalaki. Sa bawat putol-putol at palasak na mga pangungusap nito. At ayaw niya mang aminin ngunit gusto niyang makinig. Dahil naniniwala siya sa kuwento nito. Naniniwala siya sa kuwento ng isang.... baliw.



"Kanina ka pa pala diyan Moks, kantahin natin yung paborito nating kanta" bungad nito sa kanya ng matapos ang animo'y isang oras na titigan.



"Oo, ang ganda nga eh"sakay ko sa sinasabi niya. Araw-araw ay lihim niyang pinapagalitan ang sarili na kung bakit ay kailangan niyang sumagot sa walang kabuluhang mga tanong nito.




"Pero alam mo Moks, swerte ako sa iyo" saad nitong nakangiti habang tinitipa ulit ang piano.




"Bakit naman?" natatawang sagot niya dito.




"Kasi naka eyeglasses ka." sagot uli nitong nakangiti.




Yes he was right naka-eyeglasses siya pero ilang beses na siya nitong nakitang naka-eye glasses at ilang beses na rin nitong sinasabi sa kanya na swerte ito dahil nakasuot siya ng eyeglasses.

Way Back Into Love (Gay Romance Theme)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon