THE UNSOLVED MURDER CASE OF CHOP CHOP LADY

2 4 0
                                    

(Ang kaso na ito ay isa sa mga hindi nalutas na kaso sa Pilipinas at kahit kelan man ay hindi na malulutas)

-----


Si Lucila Lalu ay 28 taong gulang ng makipagsapalaran sa Manila at umalis sa Candaba, Pampanga. Siya nga ay talagang nakahanap ng swerteng buhay dahil nagkaroon siya ng dalawang mayabong na negosyo, ang Pagoda Soda Fountain, isang cocktail lounge sa tabi ng Rizal Avenue at Lucy's House of Beauty, isang beauty salon sa tabi ng Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Manila.


Siya ay nagkaroon ng asawang pulis si Aniano Vera, at sila ay may anak, ngunit siya rin ay may kalaguyo, si Florante Relos, 19 taong gulang na serbidor sa Pagoda Soda Fountain.

Noong May 29, 1967 may natagpuang tinadtad na binti ang nakabalot sa diyaryo na nakita sa basurahan ng kalye ng Malabon sa Sta. Cruz. Matapos ng araw na iyon isang walang ulo at binti na katawan ang natagpuan sa bakanteng lote katabi ng Epifanio De Los Santos Avenue (EDSA) malapit sa Guadalupe Brige.

Natagalan bago mapagkilanlan ang katawan gamit ang fingerprint ng kamay ng bangkay. Kalaunan ay tumugma sa pagkakakilanlan ng isang tao na natagpuan sa talaksan ng pulisya, na nagngangalang Lucila Lalu y Tolentino. Ang ulo (o bungo) nito ay kelan man hindi na natagpuan, ngunit lumabas sa autopsiya na ito ay isang buwang buntis ng siya ay mamatay.

Dahil desperado ang pulisya na mahanap ang ulo ni Lucila, hinukay nila ang nakaraan nito, kaya naman naging dahilan ito para lumabas ang isyu nito tungkol sa kanyang asawa na si pulis Aniano Vera, si Florante Relos na kalaguyo ni Lucila at dalawa pang kalaguyo.

Ang pulisya ay agad na dinakip si Relos, ngunit ang kanyang dahilan ay matibay at napatunayan ng dalawa niyang kaibigan. Sinabi niya na nasa ibang lugar siya ng pinatay ang biktima kung saan ito ay naganap sa pagitan ng gabi ng Linggo (May 28) at tanghali ng Lunes (May 29). Lumabas na walang rason si Relos na patayin si Lucila.

Ipinalagay nilang ang suspek ay maalam sa pag gamit ng talim katulad ng magkakarne (Butcher) at siruhano (surgeon) o isang pre-med na estudyante.

Ang suspek ay tiyak na may sasakyan para matapon ang katawan at binti ng biktima, at dahil malamig ito ng natagpuan tiyak na nilagay ito sa priser sabi ng pulisya. Kaya naisip nila na isang mayamang tao ang sangkot sa kaso. Dagdag pa rito tiyak na matalino, masistema at isang propesyunal ang suspek.

Noong Hunyo 15, 1967, si Jose Luis Santiano, 28 taong gulang na dental student, isa sa umuupa sa kwarto ng Beauty Parlor ang umamin kay Sgt. Ildefondo Labao na siya ang pumatay kay Lucila. Ayon sa kanya ay inakit siya ni Lucila ngunit tinanggihan niya ito. Inamin niya na aksidente niyang sinakal si Lucila hanggang sa ito'y mamatay, pagkatapos ay hinati ang katawan nito kasama ang ulo na tinapon niya daw sa sapa malapit sa Sct. Albano, Quezon City.

Ayon sa ulat, hindi na sinayasat ang silid ni Santiano dahil hindi na daw ito importante. Ngunit matapos ang dalawang araw ay binawi niya ang kanyang sinabi at iginiit na siya'y inosente.

Mas lalong gumulo ang kaso ng lumitaw ang isang misteryosong saksi na si Dr. Nora L. Ebio ang tumitisgo na pinilit lang ni Sgt. Labao si Santiano na akuin ang krimen.

Nang sinuri nila ang silid ni Santiano, may mga mantsa ng dugo sa sahig, kutsilyo, pang ahit at stockings ng babae ang natagpuan, ang mga ito ay mga ebidensya na sinabi ng fiscal na hilako, kaya naman ang NBI na ang pumalit sa pag iimbestiga.
Matapos nito, napatunayan na si Santiano ay walang sala.

Ang pang apat na suspek ay hindi pinangalanan. Siya ay ehekutibo ng isang printing firm, at siya ay hindi tinugis.

Dahil naging isang kontrobersyal itong kaso, ang film industry ay kinuha itong pagkakataon at ginawa itong palabas.
Noong 1967, ang direktor na si Artemio Marquez, nilikha ang "Lucila, Ako Laban sa Lipunan" na ginampanan ni Lucita Soriano kasama si Rudolfo "Boy" Garcia.

Naging sanhi ito para magalit ang ibang tao, dahil ang kaso ay hindi pa nalulutas at ang pelikula ay pinagkalat ang pribadong buhay ng biktima, sabi ng iba ay hindi ito ang tamang panahon at ang malala ay masama ang pagkakagawa dito. Ayon sa ulat, apat na araw lang ginawa ni Marquez ang pelikulang kanyang sinulat at pinangasiwaan.

Lumipas ang maraming taon, isang Amerikanong imbestigador na naging Author ang naghinalang ang ama niya na si Dr. George Hill Hodel ang pumatay kay Lucila. Si Steve Hodel ay sinabi sa kanyang libro na "Most Evil" na ang kanyang ama ang pumatay kay Lucila.

Kahit ako ay nagulat sa kontrobersya na ito. Bukod sa magkahawig na magkahawig ang pagkamatay ni Lucila at Elizabeth (Black Dahlia). Si Dr. George Hill Hodel ay pumunta rin sa Pilipinas sa pagitan ng taong 1950 at 1990. At si Lucila ay namatay sa taong 1967. Bukod dun bakit sasabihin ni Steven Hodel sa kanyang libro na ang ama niya ang pumatay kay Lucila

Ang kasong ito ay nananatiling sarado. Ang pagkamatay ni Lucila ay hindi man lang nabigyang hustisya.
At ang pahayag ni Steven Hodel tungkol sa kanyang ama na ito ang pumatay kay Lucila ay nagsisilbi paring teorya.

©️Venus Threader

Threads(Unedited)Where stories live. Discover now