02
"Teh, gumising ka nga. Tingin mo magugustuhan ka no'n, e, ang pangit mo?"
Napalunok ako habang tinatago sa likuran ang cartolina na dala ko. Ginawa ko iyon kaninang lunch break dahil manonood kami ni Pau ng championship sa interschool games. Ang basketball team ng school namin ay nakapasok kaya nandito kami sa campus ng kalaban dahil dito gaganapin.
"Wala naman akong sinasabing ganyan," anang ko kay Mariz. She raised an eyebrow while mockingly smirking at me.
She's one of the crowd's favorites in our batch. Sa buong grade 9, sikat na sikat siya dahil para siyang goddess. She can pass as an international model with her face, body, and confidence. Bawat batch ay may nagkakagusto sa kanya.
Tinulak-tulak niya ang balikat ko gamit ang hintuturo niya kaya napapaatras ako. I don't know what her problem is with me. Noong grade 7 ay naging magka-klase kami pero nagkaiba ng section ng grade 8. Ngayong grade 9 kami ay magkaklase ulit at hindi ko alam kung bakit lagi niya akong pinag-iinitan.
"Talaga? Bakit nandito ka? Papanoorin mo si Captain? Asa kang mapapansin ka no'n Kahit sumigaw-sigaw ka pa, hinding-hindi ka lilingunin no'n."
Napahigpit ang hawak ko sa cartolina kaya siguradong lukot-lukot na iyon. Alam kong may gusto siya sa team captain ng basketball team. It is even gossip that they were dating.
Honestly, I really don't care. He is just a happy crush for me. Nitong nakaraang buwan lang ako nagka-crush sa kanya at sigurado akong lilipas din 'to, bukas, sa makalawa, o sa susunod na linggo. I wasn't even serious about it!
"Hindi rin naman ako nagpapapansin," sagot ko kasi nandito lang talaga ako para gumala kasama si Pau.
She sarcastically smiled. Nagulat ako sa marahas niyang pagkuha ng cartolina. Binasa niya agad ang pangalan ni Captain na sinulat ko roon at halos matawa na. Walang tao sa parteng ito ng campus kaya malaya siyang pagtawanan ako ng ganoon. Hanggang sa sinimulan niyang punitin at itapon sa mukha ko.
"At huwag mo na ring subukan. Tumingin ka nga salamin! Kadiring 'to!"
Napatili ako nang biglang may nagsaboy sa kanya ng putik kung saan.
"Pau!" Napasigaw na lang ako nang makita sa Pau sa gilid ni Mariz, punong-puno ng putik ang dalawang kamay at namumula ang mga matang nanlilisik.
"What the hell! Pauline! Hindi ko papalampasin 'to!" Nanggagalaiting sabi ni Mariz habang puno ng putik ang mukha pababa sa suot niyang dress.
"O edi ikaw ang tumingin sa salamin ngayon. Kadiring 'to!" Galit ring sabi ni Pau, ginaya ang linya ni Mariz kanina.
Nang akmang susugod si Mariz ay agad hinablot ni Pau ang braso ko at hinila na ako paalis. Hinihingal pa kami nang makarating sa kabilang dako ng campus kung saan may cr din.
"Ano siya ngayon? Ingratang 'yon! Napakabait sa harap ng mga tao, kapag walang nakatingin, sugo pala ng dilim!" Nanggigigil na ani ni Pau nang makapasok kami ng cr.
Dumiretso kami sa lababo at parehong naghugas, siya ng kamay niya at ako sa brasong hawak niya kanina.
"Sa susunod naman huwag mo akong idamay sa dumi mo. Kadiri ka rin e," reklamo ko habang sinasabon ang braso.
"Ay wow ha? You're welcome, Zorelei?" sarcastic na aniya kaya natawa ako.
"Oo na, thank you. E pa'no mo nahawakan iyong putik. Diring-diri ka nga kahit sa simpleng alikabok," sabi ko.
"Ay, sa inis ko kanina hindi ko na naisip iyan!" aniya habang todo kuskos na ng kamay. "Pero shocks. Kadiri nga! Yuck!" Halos matanggal na ang kamay niya sa kakahugas.
BINABASA MO ANG
Beyond the Mirror on the Wall (Villain Series #3)
RomanceVILLAIN SERIES #3 Isang iska na hindi man masyadong pinagpala sa panlabas na itsura, pinagpala naman sa utak at diskarte. Kinailangan niya nga lang magamit ang diskarteng iyon nang mamatay ang tatay niya at siya na lang ang naiwang mag-isa. With all...