Chapter 06

22 2 5
                                    

06

I'm too stunned to move!

Live in? Yaya? Sugar mommy?!

Wish ko lang talaga na may pera ako para maging sugar mommy, ano?!

Humarap sa akin si Dos.

"Kaya ba nasa labas ka na ng campus?" tanong niya.

Tumango ako.

"Baka sa susunod, buntis na pala ako. Sila lang ang nakakaalam." Tulalang utas ko.

They barked out a loud laugh but Dos remained looking at me. Si Grant naman ay lumapit sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Ngayon lang iyan. Siguro a week or a month? The rumors would die down," aniya, halos inakbayan na ako.

Nagtaas ng kilay si Dos kay Grant pero binalik din sa akin ang tingin.

"What? Friends na kami! Right?" anang Grant kay Dos na umiling at nakakunot ang noo.

"Stop it." Biglang umakbay si Dos kay Grant at hinatak ito. Grant laughed.

"Marami kasing nag-aabang dito simula no'ng maging single e," turo ni Grant kay Dos. "Kaya ayan, may makita lang ang mga tao, ginagawan na agad ng istorya," tuloy niya.

Tumango-tango ako kasi mukhang big deal talaga sa mga tao ang lovelife ni Dos.

"Siguro mabilis namang mawawala ang chismis?" I said, hoping for it to actually happen. "Pero iyon nga, scholar lang naman ako ni Ma'am Laura kaya ako nandito at sabay kaming pumapasok ni Dos. Sayang pamasahe e," sabi ko.

They all nodded.

"Ang layo sa kwento sa campus," Trav commented while shaking his head.

"Tingnan natin. Kung iyan pa rin ang chismis sa susunod na linggo, gagawan namin ng paraan," sabi ni Grant.

"May naiisip ka? Siguraduhin mong nasa tamang landas iyan ha tutal ay damay-damay 'to," sabi naman ni Trav.

"What? Seryoso nga ako! Gusto n'yo bang pagpyestahan si Lei sa SMU dahil dito sa gwapito nating tropa?" si Grant at tinapik ang dibdib ni Dos na malakas naman hinawi ni Dos at napalayo na kay Grant na humahalakhak.

"The fuck are you saying?" singhal ni Dos.

"Grabe, ako ang may pinakamalakas ang appeal sa atin pero si Dos ang habulin 'no?" anang Theo kaya halos napangiwi ang mga kaibigan pati ako.

"Kadiri parechong." Tinapik ni Raf ang balikat ni Theo.

Napailing na lang ako.

"First day pa lang, nabaliw na ata sa engineering 'to?" sabi ko at walanghiyang nagtanguan ang apat kaya pinagsasapak sila ni Theo na nagsi-ilagan naman.

Nalaman ko lang na magkakasama sa engineering silang lima dahil kay Pau. Goals naman pala.

"Mga fake friends!" angil ni Theo.

"Ang lakas kasi ng apog mo!" singhal pabalik ni Trav.

Natawa na lang ako habang nailing.

"Sige na, diyan na kayo," paalam ko dahil mukhang sa garden sa likod ata nila balak kumain at tumambay.

"Oh? Sama ka. Daming pagkain," sabi ni Grant.

"What are you doing?" seryosong tanong ni Dos kay Grant kaya pareho nitong tinaas ang dalawang kamay.

Umiling na lang ako. "May gagawin pa ako e. Next time na lang." I politely excused myself and went back on my room.

Nagbasa lang ako saglit ng syllabus tapos ay tinapos ko na iyong commissions ko. Nang matapos ay umidlip lang ako saglit pero paggising ko ay 8pm na! Nagising lang ako dahil kumakatok si Jia.

Beyond the Mirror on the Wall (Villain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon