Marami nang nabago ang pagibig.
Madaming napasaya, napaluha, napamangha.
Maraming nagmahal, namuhi, nagalit. Marami ding nagpakatanga, naagawan dahil sa mga malalanding damuho na nagkalat sa mundo.
Nagalit sa sarili dahil itinatanong kung hindi pa ba ako sapat?
Tinatanong kung bakit ko nararanasan lahat ng paghihirap?Narealize ng karamihan na mata nalang ang ginagamit upang makahanap ng minamahal. Na kapag wala kang itsura, wala sayo ang kapangyarihan. Na mahihirapan kang maging masaya at makahanap ng mamahalin.
Isa dito sa mga naniniwala ay si Mayumi Matsuda, 20 taong gulang. Hindi kagandahan ang estado sa buhay ngunit mayaman sya sa mabubuting gawain. Maganda sya at may busilak na puso. Ulila na sya sa mga magulang dahil sa isang aksidente na nagpabago ng buhay nya. Nakatira lang sya sa isang maliit na compound sa isang lugar na medyo may kalayuan sa siyudad. Nakatira sya sa isang maliit na apartment.
Si Mayumi ay isang dalaga na walang ibang gusto kundi ang sumaya. Ngunit parang ipinagkakait sa kanya ito ng tadhana. Iniwan sya ng taong sobra nyang binigyan ng pagmamahal, na hindi malaman kung bakit sya nito nilisan.
Bakit nga ba may mga taong ipaparamdam sayong sobrang mahalaga ka, pero isang araw gigising ka nalang na sasabihin nila sayong ayaw na nila. Na hindi ka na nila mahal. Bakit nga ba kailangan pang umalis ng mga taong sobra mong binigyang importansya?
Yan ang tanong ni Mayumi sa kanyang isipan.
Pero natigil ang kaartehan nya dahil may kumatok sa kanyang pintuan."Sino nnman ba to? Grabe ang aga aga." Ani nito sa sarili.
Pagkabukas nya ng pinto ay agad na bumungad sa kanya si Aling Lusing. Ang may ari ng apartment na kanyang tinitirhan.
"Ano Yumi? Apat na buwan ka ng hindi nakakabayad ng renta mo dito sa apartment ko. Yumi, naiintindihan kong wala kang trabaho ngayon. Pero sa bayad nyo nalang ding mga umuupa ako umaasa." Sabi nito.
"Pasensya na ho talaga kayo Aling Lusing, gipit lang talaga ako ngayon. Hayaan nyo, kapag nakahanap ako ng trabaho at malaki laking sweldo ia-advance ko na yung upa ko sa inyo." pangako nya rito.
"Umaasa ako Yumi. Sige, goodluck sa paghahanap mo ng trabaho. Pasensya ka na at maaga akong kumatok sayo. May sakit kasi si Buboy at kailangan kong bilhan ng gamot." Malungkot na wika nito.
"Wala ho iyon. Pasensya na dn ho. Magandang umaga." Paalam nya sa matanda.
Nang may marinig syang nagpapatugtog ng 'naniniwala na ako sa forever, mula ng makilala kita'~
Mga punyeta. Ang lakas makabreezy. Ewan ko ba pero kumukulo ang dugo ko kapag nakakakita ako sa daan ng mga kabataang naka tube na sinabayan ng malaking jersey short at tsinelas !
Hindi ko alam pero kapag foreigner ang nagsuot ng ganon tinatawag na nila itong fashion. Pero kapag mga kabataan ng pilipinas JEJEMON AT SQUATTER? Grabe ang unfair.
............
Naglalakad si Mayumi sa gitna ng napakainit na araw upang maghanap ng trabaho. Ngunit wala syang mahanap. Makakahanap man ito ay hindi tatanggapin dahil hindi ito nakapagtapos ng pagaaral. Naiisip nalang nya na balang araw ay makakahanap sya ng desenteng trabaho at HU U sa kanya ang mga nang-mata sa kanya kanina.
Nauuhaw at nagugutom na sya pero kailangan nya itong tiisin dahil kulang na ang pera nya pauwi. Napagpasyahan nyang bumili nalang ng tubig sa isang karindirya para maibsan ang pagod.
Habang nakaupo, napansin niyang may isang lalaking namumukod tangi sa mga kumakain sa lugar na iyon. Nakapormal itong kasuotan at parang may pinagaralan at mayaman. Pero bakit dito sya kumakain? Walang budget? Naiwan ang wallet?
Yan nalang ang pumasok sa isip ni Yumi dala na rin siguro ng gutom. Napansin ata ng lalaki na todo titig sya rito at bigla itong ngumiti sa kanya.
Biglang nakonsiyus si Yumi at agad ding binawi ang tingin nya rito. Umalis na dn agad sya ng karindirya at muling naghanap ng mapapasukan.
Ilang oras itong naglakad lakad , umaasa na may mahahanap sya ngunit wala. Kaya napagpasyahan nalang nitong umuwi. Tutal nganga lang naman ang inabot nya sa daan, uuwi nalang sya dahil nakakasayang lang ng lakas.
Palakad na sya papuntang parahan ng jeep. Nang may biglang kumalabit sa kanya at napansin niyang ito yung lalake kanina..
"Hi?" Ika sa kanya ng lalaki na nakangiti.
"Hu u phowsz?" Nakataas na kilay na sagot nya.
"Uh, I'm Kean. Kean Madrigal." Todo smile padin siya.
"So anong kailangan mo?"
"Gusto sana kitang ihatid? Napansin ko kasi na nahihirapan kang makasakay ng jeep."
"Anong pakielam mo? Hindi naman kita kilala, hindi din kita driver. Bakit moko ihahatid?"
"Offer para sa friendship?" Nagaalangang tanong nito.
"Ah? Madami namang iba dyan. Hindi ako masaya kasama."
"Joke, okay. Nahihirapan ako makasakay ng jeep. Punyeta lagi akong nilalagpasan. Pag d naman nilalagpasan laging puno. Tara na!" Bwisit na wika ng dalaga.
Tumango nalang ang binata at d maiwasan nito ang mapangiti dahil sa bulgar na ugali ng dalaga.
AN: Medyo sabaw sabaw pa ho. Wala tlaga akong maisip. :( Ano kayang magiging papel ni Kean sa buhay ni Yumi? Abangan :) xoxo, siopau❤️
BINABASA MO ANG
WTF! (WALA TALAGANG FOREVER)
HumorMeet Mayumi Matsuda. Ang babaeng FOREVER BITTER dahil hindi naniniwala sa FOREVER. Maniniwala kaya sya sa katagang ito balang araw? IKAW? Naniniwala ka bang may FOREVER?