Yumi's POV
Iniisip ko padin kung anong meron at hinatid ako ng Kean na yun. Basta ang alam ko, maaga at mabilis akong nakauwi kagabi.
Nagmumuni muni ako ng biglang
*toot*
1 message receive.
From: 09*********
Hi!
Sinong damuho naman kaya ito at ittxt ako ng ganitong oras? Mareplyan nga! Tutal boring naman wala akong kausap.
Reply..
Who's this?
Sent!
Maya maya lang nagring nnman phone ko..
*toot*
1 message receive
From: 09********
Kean. :)
Reply..
Ah? Saan mo nakuha number ko?
Sent!
Ang pagkakatanda ko wala naman akong binigay na number ko sa knya. -_-
Hindi kaya stalker ko tong damuho na to?
Parang alam ko na kahihinatnan nitong storya ko. Masyado nang clichè, gasgas. Gamit na. Parang yung ex-boyfriend ko, NAGAMIT na. At yung bestfriend ko? MANGGAGAMIT, MANG-AAGAW.
Yes. Inagaw ng BESTFRIEND ko ang EX-BOYFRIEND ko. Sakit no? Sapat na dahilan na siguro yan para maging BITTER AKO.
Pinagkaisahan ako. Tangina! Hanggang ngayon, fresh na fresh pa sakin ung pangyayareng yun. Pero hindi na ako nakakaramdam ng sakit. Puro hinanakit at galit nalang.
*Flashback*
Mag-isa lang ako, walang nakikipagusap sakin kasi nerd daw ako at panget. Alam nyo na, mga masasamang ugali. Muka namang coloring book ung mga muka nila. Hindi daw ako nababagay sa school nila dahil hindi daw ako maganda. Mga punyatera.
Nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa school na to? Syempre hindi. Scholar ako. Oo, isa nga akong nerd dba. -_-
Nasa cafeteria ako ngayon dahil naghahanap ako ng mauupuan para makakain. Pero kahit isa walang nagpapaupo sakin dahil isa nga akong dakilang nerd.
Nagpunta nalang ako ng cr at dun kumain sa loob ng cubicle. Mahal na mahal pako ng inidoro grabe.
Papunta na ako ng room ng may bumangga sakin at halos lumipad ako tangina. Ang sakit nun ha?
"Hoy! Hindi ka manlang ba aware na may tao dito?!" Sigaw ko. Nakakainis! Nagmamadali na ako e.
"Ah, sorry miss. Hindi ko naman sadya. Nagmamadali kasi ako eh." Well ako ren! Ngani ngani ko ng sabihin yan sa kanya. Nakakabadtrip tlaga! Kung hindi lang tlaga sya mukang anghel eh. Lecheng babae to.
"Ah? Okay lang. In case you don't know nagmamadali dn ako." Mataray na mabait na sabi ko. Naiimagine nyo un? Haha. Well .
Makaalis na nga! Kahit maganda ka wala akong panahon sayo.
----------
Halos muka nakong busabos kakatakbo dahil mal-late nako.
"Ms. Matsuda. You're late." Nakataas na kilay na sabi ng prof ko.
"Ms Yana Dela Cruz, You're also late." Ito ung babae kanina ah? -_-
Sya pala ung snasabeng transferee. Kaya pala d sya pamilyar.
*end of flashback*
Hay nako! Ayokong alalahanin ang nakaraan, masyadong nakakabadvibes!
A/N: Sino kaya si Yana? Anong role nya sa buhay ni Yumi? :)

BINABASA MO ANG
WTF! (WALA TALAGANG FOREVER)
HumorMeet Mayumi Matsuda. Ang babaeng FOREVER BITTER dahil hindi naniniwala sa FOREVER. Maniniwala kaya sya sa katagang ito balang araw? IKAW? Naniniwala ka bang may FOREVER?