James' Point of ViewMAS NAPADALAS ang pagbisita ni Stephanie.
Dahil bakasyon namin ngayon, halos araw-araw na siyang pumupunta sa bahay. Dahil doon, mas nasanay akong makita ang kanyang mukha. Hindi ko alam, pero sa halip na mainis sa ginagawa niya ay nakararamdam ako ng ligaya.
We were eating our breakfast right now. Lahat kami'y tahimik at wala pang kahit sino'ng nagbalak na basagin ito. I didn't know if it was because they couldn't think of any topic to talk about or if it was because the foods were too delicious which were just hot dogs and omelettes.
"Ah, James." I looked at my mother and raised an eyebrow. "Pupunta ngayon dito si Stephanie at sinabi ko sa kanya na susunduin mo siya kaya kung maaari, bilisan mo nang kumain. Baka kanina pa siya naghihintay sa 'yo."
"What? Bakit n'yo po 'yon sinabi sa kanya?" Sinubukan kong magsalita sa paraang hindi nito mahahalatang naiinis ako, ngunit nabigo ako.
"Why, James? Mali ba'ng sunduin mo naman siya kahit minsan lang? Ilang beses na siyang nagpunta rito, pero kahit isang beses, hindi mo siya nagawang sunduin o ihatid man lang."
Natahimik ako. Well, tama naman si mom. Pero bakit kailangan ko pa 'yong gawin? May taga-hatid at sundo naman siya, ah.
"James, you and Stephanie are friends. Be nice to her naman. Maging gentleman ka. Patunayan mong napalaki kita nang maayos. I believe in you, James, at naniniwala akong mabuti kang lalaki."
Pinigilan ko ang aking sarili na mapabuga ng hangin.
Yeah, she believed in me. Iniisip niyang napaka-espesyal at nasa akin ang lahat ng magagandang katangian ng isang mabuting tao o lalaki. She was right, I needed to behave like a perfect gentleman. That was what they taught me to be and I didn't want to let them down.
"James, what your mom said is right. Stephanie is your friend at dapat handa kang gawin ang lahat, kahit ang pinakamaliliit na bagay, para sa kanya. Tulad ng paghatid at pagsundo sa kanya. If you do that, I'm sure magtatagal at mas tatatag pa ang friendship ninyo," my father told me.
I just nodded.
"And who knows? Baka ang pagkakaibigan ay maging pag-iibigan!"
Halos magsalubong ang aking kilay matapos kong marinig ang sinabi ng mom ko. I tried to give her a smile, a very small smile.
"Oo nga naman, kuya."
Napatingin ako sa katabi kong si Brix. Nakatingin din siya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha (palagi naman).
Lumawak ang ngiti ko. Ginulo ko ang kanyang buhok, at binigyan niya naman ako ng matatalim na tingin. "Brix, ha. Binibiro mo na naman ba ako? Hindi ka talaga magaling sa pagbibiro. I don't like your jokes, they're not funny."
"Hindi 'yon joke, kuya."
"And your mom also wasn't joking, James. What she said isn't impossible to happen. Your friendship can turn into something more anytime."
Pinagkakaisahan ba nila ako?
Alam ko ang sinasabi ng iba. That there's a huge possibility that your friend or best friend might become your future wife or husband. 'Yan ang pinaniniwalaan nila.
Pero maliit ang posibilidad na mangyari 'yon sa amin ni Stephanie. And she was just my friend. We were not best friends kaya hindi ganoon kalalim ang relasyon naming dalawa. Kung ayaw ko nga lang siyang mapahiya noon, baka sinabi ko nang hindi naman talaga kami magkaibigan.
"Yeah, right, dad." I tried to smile again.
"At maaaring may feelings ka na para sa kanya ngayon, pero ayaw mo lang aminin, kuya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero isa lang ang nasisiguro ko, magsisisi ka talaga lalo't maski sa sarili mo'y hindi mo maamin ang totoo."

BINABASA MO ANG
Forever with You (Under Editing And Revision)
RomanceForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...