Chapter 6: Clingy

95 0 0
                                    

Samuel's POV

"S*ht ka Jonas nakakahiya ka" sabi ko kay Jonas na ngayon ay akay-akay ko

Paano ba naman pagbalik ko sa loob sinusukahan niya na sa dibdib yung dalawang babaeng nakilala ko sina Flurina at Luisa

"Malaki kasi pre e HAHAHA" tumatawang sabi niya 

"G*go ka pare hinding-hindi na ako sasama sayo sa bar naging taga-akay mo pa ako" sabi ko

"Bilisan mo nalang maglakad para maka-abot tayo sa train" Jonas said

"Opo bossing nakakahiya naman sa lasing na kagaya mo"

_____________________________________________

At train station~

"Ano ka ba Jonas para kang bakla bumitaw ka nga sakin" iritang pabulong kong sabi 

Pano ba naman nakayakap siya sa akin sa loob ng train.

"Kiss mo naman ako Ms." sabi niya sabay nguso-nguso

"S*ht ka Jonas kung ano-anong naiimagine mo. Umayos ka nga! Nakakahiya sh*t ka talagaa"

Pinagtitinginan na kaya kami ng mga tao baka kung ano pang isipin ng mga ito.

Hinatid ko nalang muna siya sa condo niya. May suka-suka pa siya sa katawan pero iniwan ko parin. Tama na ang kahihiyan na dinulot niya sakin s*ht talaga Jonas.

Ng makadating ako sa condo naligo nalang muna ulit ako dahil ang asim-asim ko amoy suka ako ng nakakadiring si Jonas.

Pagkaligo ko nagpunta nalang ulit ako sa pinuntahan namin kanina para dalhin ang cellphone na naiwanan ko. Buti nalang mabilis lang akong makatanda ng direction.

___________________________________________

At the Mall~

"Good Afternoon Sir" 

"Good Afternoon again, I already have my phone" sabi ko sabay abot ng phone ko

"You can sit down Sir wait me for about 2-3 minutes and i'll be back" sabi nung babae 

Pagpasok niya sa isa pang room naupo kaagad ako. Sa sobrang mainipin ko ang 2-3 minutes para sakin ay 2-3 hours na. 

Ng matapos ang paggawa binayaran ko na kaagad at naglakad na ako palabas.

Tinext ko lang si Jonas na ito ang number ko buti nalang saulo ko number ng buang na yon. Ilang sandali pa pagkasend ko ng text tumawag siya sakin.

ring ring Jonas calling~

Ano na naman kayang kailangan ng buang na ito.

"Ano na namang problema mo?" sabi ko

"Pre hehe naiwanan ko yung isa kong cellphone sa bar na pinuntahan natin kanina baka pwedeng pakuha meron naman doong station na lost and found haha goodluck sayo pare" sabi niya sabay patay ng tawag

Hindi pa nga ako nakaka-oo sa hinihiling niya pinatay na kaagad ang tawag may pa goodluck pang nalalaman. S*ht kahit kailan talaga abala ka Jonas buang.

Since no choice na naman ako edi nagpunta na akong bar. Pagkapasok ko binati ako kaagad nung guard at binati ko nalang din siya pabalik.

Habang hinahanap ko yung station ng lost and found may biglang kumapit sa dalawa kong braso. Babanatan ko na sana kaso pagtingin ko si Flurina at Luisa lang pala.

Ano bang ginagawa pa ng dalawang yan dito kababaing tao nasa bar pa.

"Hi baby boy" sabi sakin ni Flurina

"Anong baby boy!Ako lang ang tatawag sa kanya ng baby boy. By the way you really look handsome my baby boy" sabi naman ni Luisa

Napaka-clingy ng dalawang ito dapat pala hindi na ako bumalik dito. Kahit kailan talaga Jonas pahamak ka. 

"Stop na guys. Can I ask saan ba yung station dito ng lost and found?" I ask

"Doon oh" sabay nguso nung dalawa

HAHAHA natawa naman ako sa isip ko mga pilipino nga sila pano may mga kamay naman pero nguso ang pinangtuturo.

"Thank you" sabi ko paalis na sana ako kaya lang nalimutan kong nakakapit padin silang dalawa sa braso ko. Hanggang sa nakadating ako sa station may biyabit pa din akong dalawang babae. Napaka clingy nilang dalawa habang naglalakad kase kami asaran sila ng asaran para silang mga bata.

"Merci(Thank you)" I said sabay lakad at syempre may dalawa pa ding babae na nakasabit saakin.

Pano ko ba aalisin tong dalawang to sa braso ko.

"Ah e flurina and luisa uuwi na kase ako maiwan ko na kayo" sabi ko pero mas hinigpitan pa nila ang kapit sa braso ko hays pano ba ito.

"Ito na bibitaw na kami" sabi ni luisa siguro ay napansin niyang medyo naiilang na talaga ako.

"By the way pwede makuha number mo?" tanong ni luisa

"Ah kase hindi ako nagbibigay ng number" sabi ko

"Sige na nga baby boy basta kapag wala kang magawa or bored ka puntahan mo lang kami dito sa bar. At paalala lang hindi kami prostitute ha! Waitress lang kami dito" sabi ni flurina

"Last question single ka ba baby boy?" tanong ni luisa

"Ja(Yes)" I said

"Hehe kung want mo ng dalawang girlfriend nandito lang kaming dalawa or baka kapag gusto mo ng dalawang asawa nandito lang kami ng bff ko" sabi ni flurina

Ano daw dalawang girl friend ? Nako talaga itong dalawang to kung ano-ano pinagsasabi.

"Ah sige alis na ako" sabi ko sabay labas na jusko po Jonas ikaw talaga dapat sisihin dito tinorture mo ako. Ibato ko itong cellphone mo e HAHAHA.

Pagkalabas ko sa bar nagbiyahe na ako papunta sa condo ni Jonas. S*ht kapag nakikita ko itong train naaalala ko pinag-gagawa ni Jonas sakin kanina. Nakaka-traumatize ka buang na Jonas.

Ng makadating ako sa condo pagkatok ko kaagad naman akong pinagbuksan ng buang na si Jonas.

"O ito" sabay hagis sa kanya ng cellphone "Aalis na ako" tumalikod na ako sa kanya pagkasabi ko niyan pero napaharap ulit ako sa sinabi niya.

"Pre ano masaya ba sa bar hehe" 

"Mokong ka wag mong sabihing pakana mo ang lahat kung bakit parang linta yung dalawang babae sa bar kanina" mapapatay kita Jonas kapag sinabi mong oo sa isip-isip ko 

"Oo pre HAHAHAHHA" sasapakin ko na sana siya kaya lang bigla niyang sinarado yung pinto

S*ht ka talaga Jonas panira ka ng buhay. Parang bigla kong gustong umuwi sa pilipinas sa katarantaduhan nitong kaibigan ko.

Umuwi nalang ako kesa sirain ko ang pinto nitong buang na Jonas na ito.








The Secret of Polygamy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon